"Beth, hindi ko type ang damit na ito," reklamo ni Ivy sa bestfriend niya. Paano ba namang hindi siya magrereklamo, ang mga damit na pinipili nitong isukat niya ay nagkulang sa tela. "Best, bagay ito sa'yo. Trust me, bagay na bagay ito sa'yo. Isukat mo na at magpapa-salon pa tayo." Nagmamadaling saad nito. "Best, hindi ba parang na sobrahan naman yata ang pagiging sexy nito? Baka pumutok ako, alam mo namang hindi ako slim." Napangiwi siya habang sinisipat ang damit. "Perfect size 'yan sa'yo best, at mas maganda sa'yo ang dress na iyan dahil bagay iyan sa curvaceous body na kagaya mo. Sa akin hindi iyan bagay kasi flat chested ako." Napatingin pa ito sa dibdib. Natawa naman siya. "Isusukat ko ito pero ito lang, ayaw ko ng isukat ang iba," nakasimangot niyang turan. Talaga namang hin

