"Ang gatas ninyo ni Chris huwag ninyong kalilimutan, okay?" paalala ni Ivy sa anak niyang si Andy habang kausap ito sa cellphone. "Let's go, let's go!" excited na bulalas ni Beth habang kinakaladkad siya papasok sa bar na napuntahan nila. Siya naman ay walang pakialam basta makausap niya lang ng maayos ang panganay na anak. "Teka lang!" saway niya kay Beth. Para itong babaeng ngayon lang nakapunta sa mga ganitong lugar. Siya rin naman ay first time na pumunta sa ganitong klaseng lugar. Maaga siyang nag-asawa at kaagad na na-focus ang atensyon niya sa pamilya. Pero hindi niya naman pinagsisihan iyon na hindi niya na enjoy ang kabataan niya, ang mahalaga ay napagtuunan niya ng pansin ang pamilya niya. Muli ay nakaramdam siya ng kirot sa puso kapag na aalala niya ang masayang pamilya

