Pakiramdam ni Ivy ang awkward nang sitwasyon nila ngayon. Nakaupo sila sa iisang mesa, katabi niya si Chris at magkatabi naman sina Charles at David na hanggang ngayon ay nararamdaman niya ang tensyong namamagitan sa dalawa. It's really awkward. "Here's your foods," ani ni Beth. Napangiwi pa ito nang ilapag ang pagkain sa lamesa. Pati siguro ito ay naiilang din sa sitwasyon niya ngayon. Kasama nito ang dalawang staff nila na may mga dala ring pagkain. "Wow! May favorite food!" nasisiyahang palatak ni Chris. Binalingan niya ang anak saka ngumiti. "Kaya kumain ka ng madami, okay?" Malambing niyang turan. Tumango naman ito. "Masarap itong ginataang manok, best. Buti na lang may menu tayong ganito." Ngumisi si Beth sa kanya, inirapan niya naman ito. "Smells good," komento ni David. Tip

