"Are you okay, Ivy?" untag sa kanya ni David. "Ha? Uhm, yes, I'm okay." Wala sa sariling tumango siya. Dito sa restaurant niya nag-lunch si David kaya kaharap niya ito ngayon. Siya kasi ang nag-serve ng pagkain nito at umupo na rin siya sa table nito para may makausap ito. "You're zoning out... May iniisip ka ba?" puna nito sa kaniya. "Iniisip ko lang ang anak kong si Andy, masyado lang siguro akong paranoid. Kung ano-ano ang naiisip ko." Ngumiti siya. "Ganoon talaga ang mga mommy, iniisip ang kapakanan ng mga anak. I understand, ganyan din ang parents ko noon. Palagi nila akong iniisip kung safe ba ako o hindi kahit alam nilang lalaki naman ako, hindi babae." Natawa pa ito. "Iba na talaga kapag parents ka na," aniya. "True. Anyway, may gagawin ka ba mamayang gabi?" Napangiti siy

