"WHAT THE HELL DID YOU DO?!" Napapitlag si Chantal dahil sa galit na boses ni Charles. Dumagundong ang malakas nitong boses sa loob ng kwarto nila. Nanlaki rin ang mga mata niyang nakatitig dito. Parang ngayon niya lang ito nakitang nagalit ng ganito. Kanina habang nasa biyahe sila pauwi ay tahimik lang silang dalawa. Tapos ngayon bigla na lang siyang sisinghalan nito? Kasalanan niya ba kung magalit ang mommy nito? Bwesit! Palatak niya sa isipan. "Chantal!" sambit nito dahil hindi siya umiimik. "Don't shout at me, Charles! Hindi ako bingi!" asik niya. Naka-pameywang niyang hinarap ito. "Kasalanan ko ba? Hindi naman ako ang nanggulo sa party ng mommy mo! Nakita mo nga na itinulak ako ni Ivy, hindi ba?" "My God, Chantal! That's not my point! Sana umiwas ka na lang kay Ivy!" "At ako

