"Happy birthday, Mama!" nakangiting bati ni Ivy sa biyenan niya. Hinalikan niya ito sa pisngi. Nakataas ang isang kilay nito na inabot ang regalo niyang dala. Sanay na siya sa palaging poker face nito para bang takot ngumiti. Pero alam niyang hindi naman ito galit sa kanya. "Bakit ngayon lang kayo?" tanong nito. "Medyo traffic po, Mama." Ngumiti siya. "Happy birthday, Lola," bati naman ni Chris. Nakita niya ang pag-aliwalas ng mukha nito, saka hinalikan sa pisngi si Chris. "Ang apo ko talaga ang pogi, thank you." Nagpapasalamat siya dahil bumabalik na ang dating sigla ni Chris. Tumataba na rin ito ulit, okay na rin ang immune system nito pero kailangan pa rin ng pag-iingat lalo na kapag inuubo ito o nakakaramdam ng kakaibang sakit ng katawan. Napatingin siya sa buong paligid. T

