Masuyong kinumutan ni Ivy ang anak niyang si Chris. Pagkatapos nilang mag-dinner at painumin ito ng gatas ay pinatulog niya na ito kaagad. Kinantahan niya pa ito ng paborito nitong bedtime song. Pinatay niya ang ilaw sa silid at binuhay ang dim light. Saka pa siya lumabas nang makita niyang maayos na itong nakahiga sa kama at mahimbing na natutulog. Iniligpit na niya ang mga pinagkainan nila. Gabi na pero wala pa si Andy, kanina niya pa ito tinatawagan pero hindi siya sinasagot kaya hinayaan niya na lang. Hanggang sa matapos na silang mag-dinner ni Chris wala pa ito. Naghuhugas na siya ng mga plato nang marinig niya ang pagbukas ng pinto. Mabilis niyang ipinunas ang basang kamay sa suot na apron at lumabas siya sa kusina. Naabutan niya si Andy na kasasara lang ng pinto. "Bakit ngayo

