"Manong driver, malapit na po ba?" tanong ni Ivy sa driver ng taxi na sinakyan niya. Patungo na siya sa restaurant kung saan sila magdi-dinner ni Charles. Pa-lowbat pa naman siya, kung bakit kasi hindi niya na check ang battery ng cellphone niya. "Malapit na po, ma'am. Traffic sila kaya natagalan siya. Hindi niya naman kasi akalain na malayo pala ang restaurant kung saan sila magdi-date. Kung alam niya lang, hindi sana ay nag-suggest siya kay Charles na sa malapit na lang. Hindi na rin siya nagdala ng kotse para sasabay na siya kay Charles., Kinuha niya na lang ang compact mirror niya at tiningnan ang mukha. Nagpatanggal pa siya ng pores sa mukha at nagpa-scrub sa buong katawan. Nagpa-brazilian wax na rin siya na first time niyang ginawa. Pinamulahan siya ng mukha nang maalala iyon.

