Kanina pa tinititigan ni Chantal sa salamin ang maganda at makinis niyang mukha. Naka-paskil ang matamis niyang ngiti sa labi. Hindi na niya namalayan ang pagpasok ng bestfriend niya. "Aba, Chantal! Malala ka na naman!" untag sa kanya ni Emily. Inirapan niya ito dahil inistorbo siya sa pagmumuni-muni niya. Umupo naman ito kaharap niya. "Pero in fairness, blooming ka ngayon. Parang nadiligan ka yata." Humagikhik ito. "Kung nadiligan man ako, hindi si Gerald iyon," mataray niyang turan dito. Inilabas niya ang red lipstick sa bag para lagyan ulit ang labi niya. Mas lalo niya pang kinapalan ang pagkakalagay. "Girl, pakapalan na ba ng lipstick ang labanan ngayon?" sita nito sa kanya. Matamis siyang ngumiti rito. "Bagay ba? Kabibili ko lang nito sa Siobe's Colours Cosmetics." "Kaya pal

