CHAPTER 15

1178 Words
NATASHA'S POV Nandito ako ngayon sa kuwarto 'ko, katatapos 'ko lang laruin ang mga anak 'ko. Kaagad rin silang naka-tulog dahil sa pagod, hinayaan 'ko na lang rin dahil nando'n naman ang isa sa mga yaya ng mga bata. Nakatitig ako sa Cieling habang malalim na nag-iisip, gusto 'ko nang makatulog pero hindi naman ako dinadapuan ng antok. Muli 'ko na naman naalala ang nangyari kanina. Muli na naman akong namula nang maalala 'yon, akala ko pa naman kung ano ang nakalimutan niya 'yun pala, eh, kiss lang. Hindi 'ko alam kung bakit niya ulit ginawa 'yon, sobrang awkward lang talaga sa pakiramdam. 'Di 'ko aakalain na pagtapos nang may mangyari sa 'min ay gagawin niya 'yon. Hindi 'ko alam kung ano ang magiging reaction 'ko sa susunod na gagawin niya 'yon. Pero napaisip ako kung bakla ba siya o hindi, nagsimula lang 'yon no'ng huling meeting namin kay Miss Angeline/Shane na 'yon. 'Di kalaunan ay nakatulog na rin ako. ~~ Tatlong linggo na ang nakakalipas ng mangyari ang kaganapang 'yon. Hindi na rin naulit, may napansin rin ako kay Sir. Naging malamig na rin ang pakikitungo niya sa 'kin matapos niya akong halikan, hindi 'ko alam kung may nagawa ba ako o ano, o sadiyang masiyado lang akong nag-o-overthink. Lalo pang dumagdag sa problema 'ko ang papalubog 'kong kompanya... "Good morning, Sir." Bati 'ko sa kaniya nang dumating siya rito sa kompanya. Tinanguan niya lang ako at saka pumasok sa opisina niya, sumunod naman ako sa kaniya. "Coffee, please," utos niya sa 'kin ng makarating siya sa upuan niya. Agad naman akong tumalima upang kumuha ng kape, mabuti na lang at mayroon siyang mini kitchen rito sa loob ng opisina niya. Hindi na ako bababa para kumuha ng coffee sa coffee area. Nang matapos 'ko nang itimpla ang kape ay binigay 'ko na rin sa kaniya. Dumiretso naman ako sa table 'ko para ipagpatuloy ang mga naiwan 'kong trabaho kahapon. Maya-maya pa ay, kahit hindi ako nakatingin sa kaniya ay ramdam ko ay tingin niya sa akin mula sa kinauupuan niya. Hindi ako nag-angat ng tingin at hinayaan lang siyang pagmasdan ako, pinakiraramdaman ko lang siya habang sinasalansan ang mga papeles na hawak ko. Pero pagkaraan ng ilang minuto ay nakaramdam ako sa ilang, o baka naman ay masiyado lang akong nag-o-over think. Malapit na akong mag-isang buwan rito sa kompanya niya, tinutulungan ko nga siya pero ang kompanya ko naman ang unti-unting lumulubog. Kailangan ko nang mag-file ng leave para asikasuhin ang pabagsak ko ng kompanya. Ano pa't nagtrabaho pa ako rito, ni parang hindi man lang niya ako tinulungang ayusin ang kompanya ko. Siguro ay babalik na lang ulit kami sa amerika, atleast doon ay natututukan ko ang trabaho ko. Kailangan rin ako ng mga empleyado ko. Ayoko naman na maging pabaya na lang, ayoko rin na sa isang iglap lang ay biglang babagsak ang kompanyang pinag-hirapan ni daddy. Hindi puwedeng sa mga tauhan ko na lang iaasa ang lahat. At sana ay payagan ni Sir ang i-fa-file kong leave. Mamaya ko rin 'yon ibibigay sa kaniya, no'ng isang araw rin ay nakapag-book na ako nang ticket namin ng mga bata. Alam na rrin nila Manang Eli 'yon. Sayang lang at mukhang medyo matagal pa muling makakalaro ng mga anak ko ang mga apo ni Manang. "Miss Alegria!" napaigtad ako nang biglang isinigaw ni Sir ang apelido ko. Tarantang napatingin ako sa kaniya. "Po?" "Ilang beses na kitang tinawag pero hindi ka sumasagot. Saan ba tumatakbo ang utak mo?" "Sorry, Sir," pahingi kong tawad. "Ano po ulit 'yon?" "It's 11:27, haven't you eaten yet?" tanong niya sa 'kin. Napatingin naman ako sa orasan, oo nga tama siya, oras na nang tanghalian. Muli kong binalik ang tingin sa kaniya at saka nagsimulang tumayo ay ligpitin ang mga kalat sa lamesa ko. "Kakain na po, Sir. Puwede na po kayong mauna, magre-retouch lang po muna ako sa cubicle. Susunod na lang po ako sa inyo." "Alright, pakibilisan na lang. Hintayin kita sa parking lot." "Ok po." Sabay kaming lumabas ng opisina niya, tinahak niya na ang papuntang elevator habang ako naman ay dumiretso sa cubicle. Umihi muna ako bago naghilamos ng sariling mukha. Ang hagard ko na. Kinuha ko sa sling bag ko ang suklay, foundation at liptint. Nang makatapos sa pag-aayos ay bahagya kong tiningnan ang suot ko kung may lukot ba o wala. Nang wala ako makita ay saka ako nagpasiyang lumabas upang pumunta na sa parking lot. "Ang tagal mo," nakabusangot niyang sambit nang makarating ako sa parking lot. "Sorry po, Sir. Ang dami po kasing tao," nakaismid kong sagot sa kaniya. "Tss, let's go," nauna siyang pumasok sa passenger seat, habang ako naman ay dumiretso sa driver seat. Automatic ng ako ang magda-drive. "Saan po kayo kakain?" tanong ko habang nakatingin ang mata sa daan. "Jollibee?" hindi siguraado niyang sagot sa 'kin. "May alam ka pa bang masarap kainan?" ako, masarap kainin. "Meron po, kaso lang ay baka hindi ka kumakain ro'n." "Bakit ano ba 'yon?" "Sa mamihan po, hindi siya kasing mahal ng mga kinakain mo, baka kasi sumakit ang tiyan mo." "Nope," he said while popping the 'p'. "Sa mamihan tayo, let's go so we can find out if masarap ang mamihan nila." Tumango naman ako hindi na nagsalita pa, maya-maya pa ay nakaating na kami sa mamihan na alam ko. Naghanap muna ako ng parkingan, sinabihan ko rin ang nagbabantay ng mga kotse, motor at tricycle na to na bantayang maigi ang kotse ni Sir. "I miss this place." "Why?" "Tiba nga galing akong ibang bansa, dito ako kumakain palagi kapag galing ako sa trabaho." "Huh?" "I mean, noong panahon na nandito pa ako ay trabaho na ang ianatupag ko. Hindi pa ako nakakapag-aral no'n,"' bago pa humaba ang usapan ay nilihis ko ang topic. "Tara na sa loob, mainit rito sa labas." "Aling Jen!" bati ko sa may-ari nitong mamihan. Naningkit pa ang mga mata niya ng dumako ang paningin niya sa 'kin, kinikilala ata ako. "Tasha, ikaw ba 'yan, Hija?" "Opo! Kamusta ka po, Aling Jen?" "Aba'y mabuti naman, ikaw kamusta ka naman? Ang tagal kitang hindi nakita, ah? Saan ka ba galing?" Bahagya naman akong napatawa dahil sa dami ng tanong niya. "Ok lang po ako, galing po akong ibang bansa, kinuha po ako ng tatay ko." "Nakilala mo na ang tatay mo? Aba'y nasa'an siya?" Nalungkot naman ang mukha ko dahil ro'n. "Wala na po siya, eh." "Ay gano'n ba? Pasensiya ka na, hija." "Ok lang po, maayos na rin naman po ako. Oo nga po pala, kakain po kami ng kasama 'ko rito, gano'n pa rin po 'yung order katulad ng dati kong ino-order." "Boyfriend mo ba ito? Kay guwapong binata naman." Namula ng bahagya ang pisngi ko, habang si Sir naman ay namumula ng tenga. "Ay, hindi po. Ito nga po pala si Sir Jarred, boss ko po sa pinag-tatrabahuhan ko. Dito po namin napiling kumain ng tanghalian." Napaiwas ako dahil sa nagdududang tingin ni Aling Jen. "Ganun ba? O siya, siya, umupo na kayo sa upuan at ihahanda ko na ang in-order mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD