NATASHA'S POV
Nakarating naman agad ako sa bahay ng ligtas, ang kaso nga lang ay naka-alis nga ako rito ng kumpleto ang suot 'kong damit pero pag-uwi 'ko naman ay kulang-kulang na, ang malala pa nito ay iba na ang suot 'kong damit.
Walang undies, may damit nga pero amoy lalaki naman. Sana lang ay hindi mag-tanong ang mga anak 'ko sa 'kin.
Pumasok na ako sa pintuan, sumalubong sa 'kin ang mga anak 'kong hile-hilerang nakatayo sa tapat ng pinto. Mukhang alam nila na nandito na ako.
Nabahag ako dahil sa itsura nila, halatang nagtatampo ang mga bulinggit na 'to. Agad 'ko silang niyakap, naramdaman 'ko naman silang yumakap pabalik.
May narinig pa akong sumisinghot, napa-tingin naman ako kay Josh na siyang pinipilit lang na huwag umiyak.
"M-momma," basag ang boses niyang sambit sa pangalan 'ko.
Naramdaman 'ko naman ang sarili 'kong sumakit ang dibdib 'ko, nasaktan ako dahil sa mukha niya. Hindi 'ko mapigilang hindi ma-guilty.
"Shh, why are crying, hmm?" I said to my baby Josh.
"W-why did you just go h-home now? We were waiting for you l-last night. Where did you g-go?" basag-basag ang boses niyang tanong sa 'kin habang sumisignok.
O my, what did I do?
"Shh, I'm sorry, stop crying. Hindi 'ko na po uulitin, huwag ka na pong umiyak, nasasaktan si Momma." Pagtatahan 'ko sa kaniya, hinahagod 'ko ang likod niya.
Napatingin naman ako sa tatlo 'ko pang anak, nakatingin lang sila sa baba habang marahan na yumuyugyog ang balikat.
Galing ako sa p*nyeta niyong tatay mga anak! Hindi niya 'ko pinauwi! Sigaw ko sa isip 'ko.
"Come here..." saad 'ko sa kanilang tatlo.
Lumapit naman sila sa 'kin at yumakap, umiyak lang sila ng umiyak hanggang sa mapagod sila.
Hindi naman nagsasalita sila Jayden, Joaquin, at Johan. Pero alam 'kong nagtatampo rin sila sa 'kin.
"We thought you left us, don't you love us anymore? We don't have a daddy anymore, and then you leave too. Don't leave us, Mommy. We promise that we will be kind, we will not tease you so that you will not leave." Jayden said, my first born baby.
"What? I won't leave you, ok? Mommy loves you, something happened, eh, so Mommy didn't come home last night. Don't say I don't love you, ok? Because Mommy loves you so much. Even if Daddy isn't here, you still love him, ok? Don't get upset with Daddy when you meet him, hmm."
Nasaktan ako sa sinabi ni Jayden, pero alam 'kong mas nasasaktan sila ngayon. Pasensiya na mga anak kung hindi 'ko muna maipapakilala sa inyo si Daddy, naghahanap pa kasi ako ng time na sabihin sa kaniya. Pero alam 'ko na, kahit hindi pa niya kayo nakikilala at nalalaman na mga anak niya kayo, ay alam 'kong magiging mabuti siyang ama sa inyo. Kaya sa ngayon, kaunting hintay pa.
"But, Mommy," nag-aalangan na tawag sa 'kin ni Jayden.
Takhang napatingin naman ako sa kaniya. "Hmm?" tanong 'ko.
"Why is your dress like that? And why do you smell like a man?"
Patay! Ano bang sasabihin 'ko? Na galing ako sa condo ng tatay nila?
"Huh? Hindi naman, ah," kunwari 'kong tanong, kahit na ang totoo ay kinakabahan at nababalisa na ako.
Ok na sana ,eh, ang kaso lang ay sumabat ang isang yaya na nandito pala sa isang tabi, nakikinig sa 'min.
"Oo nga po, Ma'am. Bakit po nag-iba ang suot niyo? Amoy lalaki rin po ang suot niyo." Singit niyang tanong.
Napapikit ako ng mariin dahil sa sinabi niya. T*ngina, anong sabihin 'ko?
"What? Sa friend 'ko 'tong gay, pinahiram niya ako dahil nasukahan niya ako kagabi. Sinamahan 'ko siyang iuwi sa kanila ang kaso lang ay ako naman ang hindi naka-uwi. Alam mo na, binantayan 'ko siya, broken hearted, eh."
Sana bumenta sa kanila ang rason 'ko.
"Ahh, gano'n po ba?" tanong na naman niya.
"Yes," at muling binalingan ang apat 'kong anak na nakikinig lang sa 'min.
"Kumain na kayo?" I asked them, they just nod at me.
"Ok."
~~
"Mga anak, aalis na si Mommy. Anong gusto niyong pasalubong?"
"Donut!" Josh said.
"Pizza!" Johan said.
"Fries and Burger!" Joaquin said.
"Ice cream," Jayden said.
"Alright! Uuwi ako ng maaga mamaya, we'll play later, ok?" sabi 'ko sa kanila.
"Yes!" they said unison.
"Bye! See you later!" kumaway pa ako sa kanila bago pumasok sa sasakyan, nag-iwan muna ako ng tatlong busina sa kanila bago ako tuluyang umalis.
Nagbilin na rin ako sa mga yaya nila kanina habang naglalaro sila. Si Manang Eli naman at mga apo niya ay bukas na pupunta rito, exited na rin ang mga bata na makita sila.
~~
After 30 minutes ay nakarating na ako sa parking lot ng kompanya.
Kinakabahan pa ako habang nag-pa-parking, nag-o-over think na yata ako.
"Good afternoon po, Ma'am," bati sa 'kin ni Manong Guard. "Late po yata kayo pumasok?"
"Oo nga po, eh. Sige po, pasok na 'ko," paalam 'ko pa sa kaniya.
Maya-maya pa ay nakarating na ako sa tapat ng Office ni Sir Jarred, ito na naman 'yung feeling na kinakabahan.
Natatakot ako, dahil baka magtanong siya sa 'kin kung bakit ako nagmamadali kaninang umalis sa bahay niya, kahit na hindi 'ko naman kailangang mag-explain sa kaniya.
Kumatok muna ako ng tatlong beses bao pumasok, nakahinga na sana ako ng maluwag nang hindi 'ko siya makita sa loob, ang akala 'ko late siyang pumasok.
"Why are late again, Miss?" Napatalon ako sa gulat ng may biglang magsalita sa likod 'ko, napatingin naman ako sa kaniya.
Nakita 'ko siyang nakatayo siya ro'n habang may hawak na mug, kape yata ang laman no'n. Alangan!
"K-kanina ka pa po dito, Sir?" tanong 'ko habang nauutal ng bahagya, kinakabahan.
"Yes, 12:30 in the afternoon." at saka pumaok sa loob, bahagya naman akong gumilid habang pinapanood siyang lumakad papunta sa tapat nang kaniyang Office table.
Tiningnan 'ko ang suot 'kong relo, its 12:58 na ng hapon. Hindi pa naman ako late, ah? At saka sinabi 'ko naman sa kaniya na mga ala-una ako papasok, tsk.
"Hindi pa naman ako late, Sir," giit 'ko pa sa kaniya.
Bahagyang tumaas ang isang kilay niya. "Ok."
Napataas rin ako ng kilay nang bigla niyang tiningnan ang kabuuan 'ko, kaya napatingin rin ako.
Nakasuot ako ng isang Jeans at Turtle Neck, bagay naman ah? Hindi pa naman ako sanay sa Turtle Neck, ang kaso lang ay ito lang naman ang makapag-tatakip sa pula-pulang nilagay ng baklang 'to.
"Wow, nice outfit." Tumawa pa siya ng bahagya.
"Tss," nasambit 'ko na lang.
~~
"Sir, puwede pong magtanong?"
Napa-angat ang tingin niya sa 'kin mula sa kaniyang binabasa na papel.
"What is it?" maikli niyang balik na tanong sa 'kin.
"Sino po 'yung babaeng naka-last meeting mo? I mean, kilala niyo po ba siya?"
Bahagya siyang napatigil sa binabasa niyang papel.
"It's too confidencial, Miss."
"Pasensiya na po, Sir."
"Its ok," nagtaas siya ng tingin sa 'kin bago tiningnan ang orasan sa tapat niya, nakapatong sa Office Table niya.
"5:30 p.m. May gagawin ka ba ngayon?" tanong niya sa 'kin, napahinto naman ako sa pagsasalansan ng mga papeles.
"Meron po, kailangan 'ko pong umuwi sa bahay ng maaga. Bakit po?" I ask him.
"Nothing."
Dahan-dahan naman akong napatango sa sinabi niya at hindi na nagtanong pa kung bakit.
After 30 minutes ay natapos na ang ginagawa 'ko, tumingin ako sa kaniya habang nagliligpit ng mga gamit 'ko.
"Sir, mauuna na po ako." Nag-angat siya ng tingin sa 'kin.
"Ok," maikli niyang saad. "Drive safety."
"Sige po," nasa tapat na ako ng pinto ng may biglang tumigil sa kamay 'ko.
Napatingin naman ako sa may-ari no'n. Si Sir Jarred.
"Bakit po? May kailangan po ba kayo?" tanong 'ko sa kaniya, dahil baka nga may nakalimutan siya.
"Yes," napakunot ang nuo akong tumitig sa kaniya, ngayon 'ko lang napansin na ang ganda ng mga mata niya.
Para ang hinihigop sa lalim no'n. "Ano po 'yon?"
Bahagya siyang nagbaba ng tingin sa mga labi 'ko bago nag-angat muli ng sa mga mata 'ko.
"This," nanlaki ang mga mata 'ko sa sunod niyang ginawa.
He kissed me! Again!