Kahit nakapikit ay maririnig ang hikbi ng dalaga. Sa bawat hikbi ay mababanaag ang pait at sakit. Tila panaghoy ng isang nawawalan ng lakas at pag-asa. Unti-unting iminulat ni Etel ang kanyang mga mata. Mahigit sa isang oras na siyang nakatulog dahil sa sobrang pagod at sakit. Pili ang mga galaw habang sinusubukan na bumangon mula sa pagkakahiga. Nang tuluyang maka upo ang dalaga ay napapikit na lamang siya habang tumitingala. Mistula bagyong rumagasa pabalik sa kanyang alaala ang mga ginawa sa kanya ni Zack. Hawak ang kanyang dibdib ay kasabay na naglalandas ang masaganang mga luha. Iyak ng hinagpis ngunit tahimik lang. Ramdam man ng dalaga ang sakit ng kanyang kaselanan at sakit ng buong katawan, ngunit mas nadarama niya ang sakit ng kanyang puso. Ito ang naging kapalit ng labis na pagk

