NATIGILAN na lamang si Rafael dahil sa mga nangyari. Nabigla siya sa sinabi ni Camillo dahil sa bigla nitong pag-urong sa kasal nito sa kanyang anak. Hindi niya lubos yun akalain. Pumalahaw ng iyak si Lhara nang makaalis si Camillo kasama si Aria. "Kasalanan ko na naman? Sisisihin niyo ako dahil sa ginawa ko kay Aria?" tanong sa kanya ni Lhara na walang tigil sa pag-iyak. "Hindi niyo kasi napapansin, Pa... May gusto ang Aria na yun kay Camillo. Lalaki kayo at alam ninyo ang sinasabi ko," wika pa ni Lhara sa kanya kung kaya natigilan siya. Tama naman si Lhara, napapansin niya ang kakaibang mga titig ni Camillo kay Aria. "Pero mali ang bastusin mo si Aria. Natural na ipagtatanggol siya ni Camillo, after all may kaibigan silang dalawa," sagot niya pa. "Alam mo Pa, simula nang dumating ako

