HINDI MAALIS-ALIS ang tingin ni Camillo kay Aria habang nagpipinta ito... Ipinipinta lang naman nito ang inang si Sandra. Hindi maikakaila na anak nga ito ni Mr. Saavedra dahil sa galing nito sa pagpipinta. Every time he looked at her, he fell deeper in love. He's quite captivated by Aria. Hindi niya mapigilang hindi mapangiti. "You like Aria, don't you?" tanong sa kanya ni Mr. Saavedra kaya natigilan siya. Napaunat siya ng upo dahil sa tanong nito. Bigla niyang iniwas ang tingin sa girlfriend na abala sa pagpipinta. "I can't help, Sir... Ang galing niya po kasing magpinta kahit po wala siyang pormal na pag-aaral," sagot niyang hindi makatingin ng deretso rito. "Kung hindi ka lang ikakasal kay Lhara ay gusto kong si Aria ang ligawan mo. I like her too at sa tingin ko naman ay bagay kayo

