NAPAIYAK nalang si Aria dahil sa mga sinabi ni Camillo. Hindi naman siya nasasaktan sa mga sinasabi nito noon pero ngayon ay ramdam niya ang sakit ng mga binibitawang salita ng lalaki. Wala nga talaga siyang halaga rito kundi isa lamang siyang babae na alipin nito. Ang pangarap niya na mamahalin siya ng lalaki ay malabong mangyari. Umaasa lang talaga siya sa wala. Pili na pinapaasa niya ang kanyang puso na si Camillo ay mabuting tao at pinapahalagahan siya. Ang pinapakita ng lalaki sa kanya ngayon ay kaibahan sa pagtatapat nito ng mga nakaraang araw. Lumabas ng banyo si Camillo at bagong ligo na ito at nakadamit pantulog na rin samantalang siya ay hindi pa rin umaalis sa kanyang study table. Kung kinakailangan ng mag-aral siya buong magdamag ay gagawin niya 'wag lamang ito makatabi, pero

