"Ma, naman kung kani-kanino mo na lang ako nirereto! Pang-ilang beses na ito. Hindi ka ba nagsasawa ireto ako sa mga anak ng kung sino?" kunot-noo ko pa na reklamo ng makauwi ako sa bahay namin. Binungangaan niya pa ako kanina pagdating ko pa lang sa may pintuan. Oh, nanay ko lang ang may kaya niyan!
Kung hindi lang birthday ng nanay kong may lahi yatang kupido ay hindi ko siya sisiputin, eh.
Walang okasyon sa bahay na hindi ako umuwi na wala siyang bagong irereto sa akin. Kung pwede nga lang wag na lang akong umuwi, ginawa ko na.
Pero bilang chef ng pamilya namin ay obligado akong magluto para sa kanila. Kahit pa minsan ay naiinis na ako sa nanay kong ito, sobrang kulit! Manang-mana ako!
At kahit pa nga paulit-ulit na akong nagsasabi sa kanya na tama na, ayaw ko na, tumigil na siya ay ganito pa rin parati.
Pero itong nanay ko ay naging hobby na yata ang pagrereto sa gwapo niyang anak kung kani-kanino na lang na babae.
Kung hindi anak ng co-teacher, anak ng kapitan, anak ng kagawad, anak ng konsehal, anak ng street sweeper, anak ng kapitbahay, anak ng tanod, anak ng suki niya sa palengke, anak ng hardinero at kung kani-kanino pang anak ng ina nila!
Akala ko naman ngayon ay ligtas na ako sa pagrereto niya sa mga babae dahil wala naman akong pinatos sa mga nireto niya noon sa akin, akala ko ay sumuko na!
Pero ganito pa rin ang naabutan ko ngayon. Mygod!
At talagang irereto na lang niya ako ay sa anak pa ng kumare niya na taga-simbahan.
Parang mas lalo pang dumami ang kasalanan ko sa langit dahil sa maling pagrereto niya ngayon. Bakit kasi sa dinaraming babae ay sa banal pa?
Hindi kaya lalo akong hindi makarating nito sa langit? Baka naman hanggang langit lang ako sa lupa?
Nakalimutan ata Nanay ko na babaero ang anak niya at hindi santo.
Baka masunog ako nito kapag hinawakan pa lang ako sa kamay ng anak ng kumare niya.
Kinikilabutan tuloy ako.
Gusto ng Nanay ko na maging banal ang anak niya.
At hindi siguro siya aware na kahit naman hindi ako santo ay niluluhuran rin naman ako. Mas madalas nga lang sa gabi with matching mura pa. Hindi nga lang sa simbahan kundi sa bahay na walang kusina.
"Ma, alam mo ba na mas okay pa kung sa ka-zumba mo ako nireto? Hot pa rin naman si Mrs. Gonzales. At saka ang laki ng hinaharap, Ma!" tukoy ko sa zumba instructor niya. Muli ko tuloy naalala kung paano siya kumembot, one time na naabutan ko sila na nag-zuzumba. "Hiwalay na ba sila ng asawa niya, Ma?" nakangisi ko pang tanong sa kanya.
Kaya naman nakatikim ako ng isang malakas na batok mula sa kanya.
"Tumigil ka dyan, Zachary! Siya lang ang tanging magsasalba sayo mula sa napakarami mong kasalanan!" bulalas niya pa. At saka umiling-iling. Akala mo naman ay nakapatáy ako kung umakto ang nanay ko!
"Ma, hindi ko kasalanan kung pinanganak akong yummy and hot. At sila ang naghahabol sa akin, mapagbigay lang ang anak mo. Pero sorry, hindi ko ipamimigay ang lahi natin! Atin lang ito!" Sagot ko habang nilalabas ko sa oven ang ginawa kong baked macaroni.
Isa ito sa sa speciality ko bukod sa chicken pastel.
At kahit sino ay talaga naman na magugustuhan ito at tiyak na babalikan nila.
Kaya naman si Mama ay palaging request ito na lutuin ko sa tuwing may handaan sa amin.
"Manang-mana ka sa magaling mong ama—ay hindi pala! Bakit ko ba binabanggit ang patay na!" Nag-sign of the cross pa siya nang mabanggit niya si Papa.
Napahagalpak tuloy ako ng tawa sa sinabi niya.
Taon na rin ang lumipas buhat nang pumanaw si Papa.
At isa pa rin na matinik sa babae.
Habulin ng chicks pero loyal kay Mama. Parang ako lang! Pero sayang lang at hindi niya nakita na chef na ang gwapo niyang anak.
Gusto rin ni Mama na sumunod ako sa yapak niya bilang isang teacher.
Pero iba ang gusto ko sa buhay kaya naman wala na siyang nagawa dahil iisa naman akong anak niya.
"Zachary, bumalik ka na nga rito. Namimiss din kita kahit papaano," sambit niya pa kaya naman napatigil ako sa paghihiwa. At saka ako humarap sa kanya. At muli akong nakaisip ng kalokohan.
"Payag ka na magdala ako ng babae rito, araw-araw—" Mabilis niyang pinadapo ang kanyang kamay sa ulo ko.
"Wag ka nang babalik dito! Okay na akong wala ka! Masaya kami rito!" bawi niya pa sa sinabi kanina. Kaya naman muli akong natawa. Ang hirap kasing mag-uwi ng iba-ibang babae rito sa bahay dahil masyadong madaldal ang nanay ko. Saka ilang beses na niya akong nahuli na nakapatong sa babae at talaga naman abot-abot ang hiya ko dahil dito.
"Hindi ka gumaya sa Tito Migz mo, hindi babaero!" tukoy niya pa sa nakababata niyang kapatid.
"Ma, hindi ka sure." At tumawa pa ako nang malakas. Me and Tito Migz are very close to each other dahil hindi naman halos nagkakalayo ang edad naming dalawa.
"Hayyyy! Mababaliw ako sayong bata ka! Pupunta ako sa restaurant mo at kakain ng kahit ano, libre!" bulalas niya pa habang naglalabas ng mga platito mula sa cabinet.
"Ma, akala ko ba ay ayaw mo sa restaurant ko?" pang-aasar ko pa lalo sa kanya.
"Oo nga, pero sabi ng mga co-teacher ko ay masarap ang pagkain doon." Nakairap niyang sagot.
Kaya naman napangiti pa ako mula sa sinabi niya. At saka ako nagpatuloy sa ginagawa ko.
Matapos kong lutuin lahat ng putahe ay umakyat muna ako sa dati kong kwarto upang maligo. Mamaya kasi ay darating ang mga bisita ni Mama. At iba namin kamag-anak. Hindi mahilig sa malaking party ang Nanay ko kaya naman simpleng handaan lang ang inihanda namin para sa kaarawan niya. Ayaw niya kasi ng maingay.
Isang black shirt at chino short lang ang napili kong isuot ko at saka ako nag-spray ng pabango. Hindi na rin akong nag-abala pang magsuklay. Nang makita ko sa salamin na ang gwapo ko na ay nagmamadali na akong bumaba.
Lihim pa akong napangiti nang lahat ng bisita sa ibaba ay nakatingin sa pagbaba ko.
Samantalang napapailing naman ang Nanay ko. Mukhang highblood na naman siya makita niya na halos lahat ng co-teacher niya ay nakatingin sa akin.
"Good afternoon, po " magalang ko pang bati sa kanila.
"Mrs. Fuentes, siya na ba yung bata na kasama mo noon? Ang laki na pala ng batang ito!" bulalas pa ng may kaedaran na teacher. Langya, pati yata sa matanda ay wala akong ligtas! Parang hindi na ako natutuwa.
Ngumiti naman ako sa kanya at tumango.
"Good afternoon, Misis," bati ko.
At mukhang kinilig naman siya at bahagya pa akong pinalo sa braso. "Ms. Sevilla, hindi pa ako Misis," may landi pa ang pagkakasabi niya. Napatingin pa ako kay Mama at muli naman niya akong pinandilatan ng mga mata kaya naman natawa na lang ako.
"I'm sorry, Ms. Sevilla." Sabay kindat. Naihi pa yata siya sa kilig.
Gusto ko lang asarin si Mama dahil masyadong seryoso. Isa-isa pa akong bumati sa mga co-teacher niya pero may isang new hired teacher ang pumukaw sa atensyon ko. Bed shít! Ang hot naman kasi. Una kong napansin ang balakang niya at dibdib. Hindi ko tuloy maiwasan na mag-imagine ng mga bagay-bagay. Mukha rin siyang mahiyain dahil napakadalang niyang magsalita. Kaya naman nilapitan ko siya habang kumukuha ng pagkain.
At tila namimili pa siya sa mga putahe na nakahain. "Try this one." Sabay sandok ko ng chicken pastel sa plato niya. Nagulat pa siya pero kalaunan ay ngumiti na rin sa akin.
"Thank you, Mr. Fuentes," kimi niyang bati.
Tumawa naman ako upang mawala ang tension na nararamdaman niya. "Sounds that your calling my father, Ms. Jade, right?" biro ko pa. Sabay tawa. Pati tuloy siya ay natawa at lumabas pa ng dimple niya sa magkabilang pisngi. "I'm sorry," sambit niya pa.
"No worries. But call me Zachary or Zach, it will be better." Ngumiti pa ako nang ubod ng tamis sa kanya. "Okay, Z-Zach," nahihiya niya pang tawag sa akin. Pangalan ko pa lang ang tinatawag niyo pero parang may nabubuhay na sa katawan ko.
Pero sa kabilang banda ng utak ko ay may kontra na naman.
Well, maganda si Teacher Jade kaya sure ako na hindi siya magaling pagdating sa kama. Ewan ko ba, ilang beses ko nang napatunayan ito sa lahat ng mga nakatalik ko.
"How is it?" tanong ko nang tikman niya ang pagkain na nilagay ko sa plato niya. "Hmmm…good!" sambit niya pa. Saka muling sumubo. "Tama nga si Mrs. Fuentes, magaling kang chef." Mabilis akong kumuha ng tissue at pinunasan ko ang gilid ng kanyang labi. "T-thank you," nahihiya niya pang sabi. Tumango-tango lang naman ako. "Really? Sinabi ni Mama na magaling akong chef?" Natawa pa ako habang nakatitig pa rin sa mukha niya.
"Yes. And totoo naman pala talaga. Ang sarap nito," papuri niya sa pagkain.
"You know what, Ms. Jade, kulang ang sinabi ni Mama sa'yo—kasi bukod sa magaling na ako, masarap din ako…." Naubo pa siya dahil sa sinabi ko.
"Masarap magluto, I mean." Kinagat ko pa ang aking labi habang nakatitig sa mga mata niya. Bigla tuloy siyang namula. At hindi maintindihan ang iaasta sa harap ko.
"Y-yes, m-masarap nga" tanging nasabi niya na lang. At saka nag-iwas ng tingin.
"Ms. Jade, pwede mo ba akong turuan
?" Mukhang nagulat pa siya.
"About saan ba, Zach?"
"Turuan mo ako kung paano kita makalimutan, kasi ngayon pa lang parang nahihirapan na ako…." Tumawa pa siya at bahagya akong hinampas sa braso.
Marami pa kaming napag-usapan at nalaman kong wala na siyang boyfriend. At inimbitahan niya ako sa apartment niya dahil magpapaturo raw siya kung paano magluto ng Chicken pastel.
Hindi niya alam na iba ang ituturo ko sa kanya. Hanggang tawagin ako ng Nanay ko. Istorbo talaga si Delia Fuentes! Kung kailan naman nasa exciting part na kami ay saka ako tatawagin.
"Excuse me, Ms. Jade, I mean, Jade." Tumawa pa ako. "Babalik agad ako sa'yo," pahabol ko pa.
At saka ako naglakad papunta kay Mama. At hindi pa ako halos nakakalapit ay isang masakit at madiin na kurot agad ang natanggap ko mula sa kanya.
Hindi na talaga ako natutuwa sa nanay ko! At kinakabahan na naman ako sa irereto niya sa akin. Wish me luck!