"Malandi ka talaga! Naku, Zachary Fuentes, wag na wag! Kung hindi ay malilintikan ka sa akin!" banta niya pa sa akin. Kulang na lang ay magbuga ng apoy ang nanay ko sa galit. Wala pa nga akong ginagawa ay highblood na agad siya.
"Ma, wala naman akong ginagawa. Magkakainan lang naman kami—aray!" muli kong daing dahil pasimple na naman niya akong kinurot sa tagiliran. Ang nanay kong may lahing alimango rin pala, hindi ko pa nabanggit kanina.
"Anong magkakainan ang sinasabi mo? Bastos ka talaga!" Nanlalaki pa ang kanyang mga mata kaya naman mas lalo pa akong natawa sa reaction niya.
"Magkakainan lang naman ng lulutuin namin.
Ma, naturingan pa naman kayong laging nagsisimba pero ang bastos ng utak niyo. Bad 'yan, Ma, tsssk." Umiling-iling pa ako habang hinahaplos ang aking tagiliran na kinurot niya. Parang may dugo pa yata.
"Umayos kang bata ka. Wag na wag ang co-teacher ko, Zachary! Kung ayaw mong itakwil kita bilang anak!" mahina ngunit mariin ang bawat kataga. "Ma, sayang— hindi na," pagsuko ko pa ng manglisik ang mga mata niya. Pero sayang talaga si Jade.
"Saan mo ba ako dadalhin, Ma?" reklamo ko pa.
"Ayusin mo ang itsura mo at ipapakilala kita kay Eva–" Bumunghalit ako ng tawa nang sabihin niya ang pangalan ng ipakikilala niya sa akin. Pangalan pa lang ay kakabahan ka talaga ng malala! At mapapadasal ka bigla ng Ama Namin.
"Anong nakakatawa, huh?" kunot-noo pang tanong ni Mama sa akin. Tumigil ako sa pagtawa at pinilit kong magseryoso kahit tawang-tawa pa rin ako.
"Nothing, Mom," pang-aasar ko pa. At nagpatuloy kami sa paglalakad.
As expected babaeng nakapalda na kasing haba ng traje de boda ang suot niya.
At ang blouse niya ay mahihiya si Tandang Sora, sa sobrang luma. Nakasuot din siya ng makapal na salamin sa mata. Mahaba ang kanyang buhok. At hindi siya kasing ganda ni Jade. Kahit gusto kong isipin na magaling siya sa kama dahil basehan ko ang itsura pagdating sa ganitong bagay. Pero hindi ko magawa dahil sa ayos niya ngayon. "Delia, ayan na ba ang anak mo? Ang gwapong bata!" papuri pa ng nanay ni Eva. At bilang mabait at magalang na bata sa harap ng maraming tao ay binati ko rin siya. "Eva, si Zachary nga pala, anak ko." Turo pa sa akin ni Mama. Kaagad ko naman inabot ang kamay ko kay Eva. "I'm Adan," biro ko pa kaya naman muli akong nakatikim ng kurot na hindi nakikita ng ibang mga tao at Nanay ko lang ang nakakagawa niyan. "Zachary," pakilala ko pa. Inabot naman niya ang kanyang kamay. "I'm Eva," bed shìt! Pati na naman boses niya ay tunog banal din. Parang napaso ako bigla nang kamayan ko siya.
"Mukhang matutupad na ang pagiging magbalae natin, Delia!" biro pa ng Nanay ni Eva. Pati ang nanay ko ay kinilig samantalang ako ay nangilo. Hinding-hindi ako magpapatali kahit kanino! Kahit anong mangyari! By hook or by crook!
Gusto ko pang magwala nang iwan kaming dalawa ni Eva para raw makilala namin ang isa't-isa. Ni hindi ko alam kung anong sasabihin kong banat dito dahil masyadong mahiyain at tahimik pa.
Kaya naisipan ko na lang na tapatin siya. Para matapos na rin ang problema ko.
"Eva, I'm sorry huh, but wala akong balak matali kahit kanino. Kaya kahit anong sulsol ni Mama sa akin, impossible na maging tayo," prangka kong pahayag at bigla siyang napatingin sa akin.
"Huh? Anong ibig mong sabihin?" tanong niya. Huminga pa ako nang malalim at saka ako umayos ng upo.
"Eva, listen to me. When you like the flower you flucked it. But when you love the flower you watered it.
Parang babae lang 'yan, hanggang kama ko lang sila kayang dalhin. Wala akong balak na magmahal o magpatali kahit kanino. Hindi para sa akin ang kasal. Kaya mas okay na humanap ka ng iba…" mataman kong sambit. Mas mabuti nang alam niya ang totoo para hindi niya ako gustuhin pa. Magsasalita pa sana siya nang bigla akong tawagin ni Mama at sa loob na lang daw namin ituloy ang kwentuhan. At talagang may gusto pa silang ituloy!
Kaya wala akong nagawa kundi sumunod. Hindi ko na rin pwedeng pormahan si Teacher Jade dahil malalagot ako kay Mama. Pero kung hindi naman malalaman ni Mama, why not? Rawr!
"Tumigil ka, Zachary!" Sigaw pa ng kabilang utak ko.
Nagkatinginan pa kami ni Teacher Jade pagpasok namin sa loob ni Eva.
Pero mabilis siyang nag-iwas ng tingin sa akin nang makita niya si Eva. Gusto ko man siyang lapitan ay hindi ko magawa.
"Zachary, alam mo bang magaling din magluto si Eva? At saka magaling din siya sa paghahalaman, parang ako!" pagbibida pa ni Mama sa akin.
"Okay," walang gana kong sagot saka ako sumandal. "Birthday ko ngayon, kaya makisama ka…." bulong ni Mama at gumana na naman ang kamay niya. "Ma, mukhang hindi naman marunong humawak 'yan. Hindi ako titigasan dyan…" bulong ko rin sa kanya.
Kaya naman maging si Mama ay natawa na rin. "Tumigil ka dyan." At muli niyang binalingan si Eva at ang Nanay nitong si Aling Mary. Siguro, Joseph ang pangalan ng Tatay niya. Naisip ko lang naman.
"Pasensya na Mars Mary, may sinasabi lang ako sa anak ko. Nasaan na nga tayo." Natatawa pang tanong ni Mama.
"Yung date nila Mars Delia, di ba matagal na natin napag-usapan ito?" Natampal ko pa ang noo ko. "Oo, Mars Mary. Zachary, nagpa-reserve na ako sa isang restaurant para sa date niyo ni Eva bukas," tila kinikilig pa si Mama. Bukas na bukas talaga? Parang gusto kong magpalit ng Nanay!
"Matagal na po pala, bakit hindi na lang kayo ang nag-date dalawa?" hindi na ako nakatiis pa. Samantalang mukha naman napahiya bigla ang magkumare dahil sa sinabi ko at sabay pa silang nagkatinginan sa isa't-isa.
Nagulat ako nang tumayo si Mama at hinawakan ang tenga ko at hinila paakyat ng kwarto habang nagtatawanan ang ibang bisita at mga kamag-anak namin dahil sa eksena namin mag-ina.
Saka niya lang ako binitawan nang makapasok na kami sa loob ng kwarto. "Ma, naman! Nakakahiya talaga kayo! Ang tanda ko na! Nababawasan ang pagiging lalaki ko sayo, Ma!" reklamo ko habang hinihimas ko ang tenga ko na nasaktan. "Ikaw na bata ka! Puro kalokohan ang nasa isip mo! Sa ayaw at gusto mo ay makikipag-date ka kay Eva, tapos ang usapan!" pinal niyang sabi.
"Ma, babaero ang anak mo—yes, makikipag-date na ako!" Sigaw ko nang makita ko ang tsinelas niyang mabigat na ibabato sa akin.
"Good. Bumaba ka na!" Nakasigaw niya pang utos sa akin. Kaya naman halos magkandarapa pa ako sa paglabas.
Ganyan din ba ang mga nanay niyo? Yung mabait sa harap ng maraming tao pero kapag kayo ang kasama ay parang dinosaur?
Kakamot-kamot pa ako ng ulo habang naglalakad pababa ng hagdan.
Pambihira naman buhay na ito! Nababawasan ang angas ko sa mga babae dahil sa Nanay ko. Muli akong tinungo kung saan ko iniwan ang mag-ina. Nilibot ko muna ang paningin ko at mukhang wala na si Teacher Jade. Mabilis kong kinuha ang phone ko nang bigla itong tumunog.
Umuwi na ako. Pasensya na at hindi na ako nakapag-paalam pa sayo. I have an emergency sa school.
Natawa pa ako dahil sa dahilan niya. Nakalimutan ata ni Teacher Jade na Sunday ngayon. Mabilis akong nagtipa para sagutin ang text niya. Mabuti na lang at binigay ko ang number ko sa kanya kanina.
Teacher Jade, it's Sunday today, hmm...If you need help, I'm just one call away.
I'm willing to help you.
Tukoy ko pa sa chicken pastel na pinag-uusapan namin kanina. Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at mabilis kong binalik sa bulsa ang aking cellphone nang makita ko na pababa na ang Nanay ko.
"Eva, let's have a date," mabilis kong bigkas nang muli kaming makaupo sa sofa.
Tumili pa ang Nanay ko at Nanay ni Eva buhat sa sinabi ko.
Akala ata nila ay tagumpay ang plano nila, wait but there's more. Lihim pa akong napangisi habang nakatitig lang naman si Eva sa akin at parang ayaw pang maniwala sa sinabi ko. "S-sigurado ka ba?" tanong niya pa habang nakatitig pa rin sa mukha ko. Mukhang napipilitan lang din naman siya, eh.
"Yes. I will pick you up at 7 pm tomorrow. Is that okay for you?" seryoso kong tanong sa kanya. Ayaw ko nang pahabain pa ang argumento namin tungkol sa bagay na ito. Pagbibigayan ko lang si Mama dahil birthday niya. Pero after nito ay wala na siyang aasahan pa mula sa akin. Hindi para sa akin si Eva.
Tumayo ako na ako matapos kong masabi ang gusto ko.
Nagpaalam akong pupuntahan ko lang muna ang iba kong mga pinsan. Mabuti naman pumayag si Mama. At gusto niya pa talagang isama ko si Eva para raw ipakilala sa mga pinsan ko. Pero mariin akong tumanggi sa gusto niya. "Ma, maiilang lang si Eva, puro kami lalaki sa likod-bahay," kontra ko pa.
"O-okay na po ako rito, Tita Delia," sabad pa ni Eva. Mabuti naman at nakaramdam siya.
Ngumiti pa ako sa kanya at saka ako humakbang palayo sa kanila. Pakiramdam ko ay para akong sinasakal sa mga plano ng dalawang matandang babae. Pati anak namin ay may plano na rin sila. Marunong pa sa mga semilya ko!
First and last date na mangyayari ito!