CHAPTER SIXTEEN
LUCAS
"You know what, we need to celebrate. Kasi bukod sa iyong successful business, may bago ka palang secretary. Isn't great?" Ralph know me well. Alam niyang hindi agad ako nagpapalit ng secretary and my former secretary was 5 years with me. Kaya hindi ko siya masisisi kung ganito ang reaksyon niya ngayon.
"Ralph, I'm busy. Lalo na ngayon at magbubukas na next week ang Splash of Red sa ibang bansa. About that, I will be there."
"Ano namang kinalaman ng next week sa ngayon ako nag-aaya?"
"I have a lot of paper works, men."
"Paper works ba? Kayang-kaya mo naman 'yan nang hindi ka nagrereklamo but, Lucas, I know sometimes you are a lazy businessman." Nagpigil ako ng tawa sa sinabi niya.
"Ano ba talaga ang sadya mo dito?" Lumabi ako. Tila nagbago ekpresyon ng mukha ni Ralph sa tanong ko.
"Ang totoo nyan. Uutang ako."
"What?!" Halos umusok ata ang ilong ko. Pagala-gala lamang ang kanyang tingin sa paligid.
"Uutang ka sa yaman mong 'yan?" Dahan-dahan siyang tumango saka ngumiti.
"Yes. But, don't get me wrong. Hindi lang yun ang pinunta ko dito."
"So, may iba pa?" Walang sabing umupo siya sa mahabang lamesa kung nasaan ang mga tauhan kanina.
"Wala akong mapapautang sa 'yo. You arrived here just to borrow a money?"
"Aww, magbabayad ako."
"Alam ko. Nakapagtataka lang dahil uutang ka. May pera ka naman ah."
"Aba syempre. Milyonaryo ata kaibigan mo. Kailangan kong umutang sa 'yo dahil hindi ko mabuksan lahat ng bank accounts ko." Nanlaki ang mga mata ko habang nakatitig sa kanya na may pagtataka. "Yeah. Nakipag-hiwalay si Von sa 'kin." Yumuko ito. Poor Ralph.
"Ano'ng kinalaman ni Von dito? Teka nga ba't ba kayo naghiwalay. Lintik na 'yan. Ano'ng ginawa mo sa 'Hindi ko kayang mawala ka, Von.'? mo." Gusto kong tumawa ngunit hindi ko magawa dahil sa pinapakita niyang kilos. Ngayon ko lang napansin na mugto ang kanyang mga mata tsaka parang namumutla.
"Akala ko kasi siya na. Ang corny alam ko haha." Bumuga siya ng hangin saka tumingin sa akin. Ako naman ay hindi kumukurap sa kanatatayuan. Umubo muna siya bago nagsalita. "Kay Von nakapangalan lahat ng bank account ko."
Ngayon na ako humagalpak ng tawa sa narinig. I can't imagine doing that for a girl. Idiot.
"Ilang taon na nga kayo?" I grinned.
"Months." Pagtatama niya kaya napanganga ako. I didn't expect that. "Five months."
"Five months tapos binigay mo agad yung lahat ng pera mo?" Naihilamos ko ang mga palad ko sa aking mukha. Seryoso?
"Patay tayo diyan." Tumingin ako sa malayo habang iniisip ng solusyon kahit na hindi ko naman alam kung paano.
"You better call her."
"She blocked me in every social media account, kahit phone number ko." He's so hopeless. "Paano na 'to? Tinangay niya pera ko." Katulad ko ay naihilamos niya ang mga palad sa kanyang mukha.
Tumingin siya sa akin na parang nagmamakaawa, nakikita ko sa mata niya na tulungan ko siya. "Kahit huwag na siyang bumalik, kahit yung pera ko nalang."
"Nai-report mo na ba 'to sa police?" Umiling siya.
"Why would I?"
"Huwag mo sabihing hindi mo siya kakasuhan. You don't deserve that girl, Ralph."
"I can't."
Bumuntong-hininga ako. "Alam mo, bumalik ka nalang sa Dubai. Inaabala mo ako."
"Come on, uutang nga ako 'diba?"
"Magkano?"
"50 million."
"Tangina ka, akala mo naman barya ang 50 million. Magtrabaho ka dito sa Pilipinas."
"Ako? Saan?"
"Sa kompanya ko."
"Ano'ng gagawin? Taga ubos ng alak?"
"Pwede naman. Basta bayaran mo."
"Tangina, wala akong pera."
"Edi magtrabaho ka nga."
"You're talking nonsense." Pumusngak ako ng tawa. Kitang-kita ko kung paano magbago ang awra niya.
"Anyway, kalahati lang ng hinihingi mo mapapautang ko," sabi ko. He changed his position and a silent moment visited.
"I'll get that."
"Siguraduhin mong magbabayad ka ah." He nodded.
"Lucas Roshan Sandoval," laking taka ko nang tawagin niya ako sa buong pangalan ko.
"Bakit mo pinaalis si Franco?"
"Palpak kasi."
"Yun lang? Magaling naman yun ah." May kung anong nais iparating ang tono ng pananalita niya. "O baka naman gusto mo lang yung bagong secretary mo?" Agad akong umiling.
"I saw a potential on her. Yun lang." Tumigil ako sa pagsasalita. Inalala ko ang dahilan kung bakit ko siya itinakas. Kung bakit siya...nandito.
"You're lying." Dinuro niya ako. Ralph really know me well. Compare doon sa kambal naming kaibigan, dahil magbangayan lamang ang alam nila.
"Anyway, I have to go." Tumayo siya nang tuwid saka niya sinuntok nang mahina ang aking dibdib. "Bye, broom!" Tila umigting ang tenga ko nang marinig ang pang-aasar niya. Damn you, Ralph!
Ayaw na ayaw kong tinatawag sa gano'n. Damn it!
Sasapakin ko sana siya ngunit mabilis itong nakalabas.
I hate you, Ralph. Suddenly, I felt pain in my chest. Why this thing keep in my mind?