CHAPTER FIFTEEN
LUCAS
“God job, Mr. Sandoval. We're happy to hear the news. Big congratulations!" Matapos ang presentation ay labis ang pagbati nila sa akin.
Sandoval's Splash of Red Inc. now has additional 4 branches in United States. Bukod sa 7 branches dito sa Pinas ay dumagdag ito.
"Thank you, Mr. Alleje." Lahat sila ay binati ako. Nang makaalis ang lahat ay agad kong pinuntahan si Eliana sa likod. Nakangiti ito habang pinapanood akong naglalakad.
"Congratulations, Lucas!" Bati niya kasabay ng matamis na ngiti.
"Thanks."
"Congratulations, man!" There was a familiar voice. Paglingon ko ay tumambad sa akin ang nakangiting si Ralph. Wait?
Ralph?! "Hey, what are you doing here?" Nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha at napalitan ito ng pagkunot ng kanyang noo.
Nang makalapit siya ay tinapik ako nito sa balikat. "I thought you're in Dubai. Man, ba't ka umuwi?" Medyo nagulat ito sa tanong ko kaya napalakas ang pagtapik nito sa braso ko.
"Why not? Hindi mo ako namiss? You're unbelievable. Bakit, ayaw mo bang makita ko ang mga chicks mo dito sa Pilipinas? I think you and Melody br---" hindi ko na 'to hinayaang makapagsalita dahil baka kung ano pa ang masabi niya.
I don't give a damn on that girl anymore.
"Ow, excuse me. Let me introduce my secretary, Ms. Eliana Anatola Addison." Alam ko kung ano ang tumatakbo sa isip ni Ralph ngayon. He knew me, he’s my bestfriend.
"Hi, I'm Ralph Lauren. You can call me babe, baby, or, sweetheart." Gumuhit lamang ang ngiti sa mukha ni Eliana matapos sabihin iyon ng aking kaibigan. Kahit kailan talaga basta maganda ang nasa harapan.
"Just shut up, Ralph. I am here to kill you."
"Lucas, akala ko ba wala kang balak magpalit ng secretary. What happened?" Bulong nito, sakto lang na hindi maririning ng aking kasama.
She's staring at Eliana na parang hindi makapaniwala. Alam ko ang tumatakbo sa isip niya at hindi ako papayag na maging magkaibigan sila ni Eliana. No way!
"It's none of your business, Ralph." Sagot ko dahilan upang mapamaang siya.
"Poor Lucas. You're not the same boy now. Ano ba ang problema mo at hindi ka natutuwang dinalaw kita?" Inilibot nito ang paningin sa paligid.
"Hindi ka pa rin nagbabago, Ralph Lauren. Ang hilig mo sa surprise 'no?"
"Sa tingin ko, ako ata ang na-surprise. Look at her." Tumawa siya nang mahina ngunit sa palagay ko ay narinig ito ni Eliana kaya agad kong tinakpan ang bibig niya. I took a glance on her. Nakatulala lang siya at parang malalim ang iniisip.
Not my girl, Ralph.
"Loko ka pa rin, Ralph. At sa sobrang loko mo, iiwan ka rin ng girlfriend mo." Natawa siya sa huli kong sinabi. Nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya at napalitan ito ng malungkot niyang awra.
“Lucas..." Bigla akong natauhan. Agad kong nakalimutan ang presensya ni Eliana kaya agad akong tumingin sa kanya. "Pwede na ba akong umalis?" Tanong niya habang nakatingin sa kaibigan ko. Why?
"Ah, of course. Ihahatid na kita sa office."
"Ah hindi na, you should talk to your friend first. Kaya ko ang sarili ko."
"Are you sure?" Nakangiti itong tumango at nilipat ang tingin kay Ralph na sumisipol-sipol sa kawalan.
Kinuha niya ang kanyang bag tsaka tumungin sa amin sabay ngiti. Kumunot naman ang noo ko nang makita kong nagkatitigan ang dalawa kasabay pa ng pagkaway ni Ralph sa kanya.
"What was that for?" Tanong ko kay Ralph nang makalabas na si Eliana. Nagtiim-bagang lang ito at tila walang narinig.
“I admire your new secretary, I’m sure she’s hardworking. Huwag mo masyadong pahirapan ‘yan, ah. Mahirap maghanap ng ganyang klaseng secretary,” he said while looking at Eliana; she’s about to open the door but Ralph immediately grab the door to assist my secretary going out. I know him, he likes Eliana. Alam ko ang mg kilos ng kaibigan ko sa tuwing may nagugustuhan ito.
“What was that for, again?” Sa akin na ang tingin niya.
“Ang bagal mo kasi kaya tinulungan ko na,” pagrereklamo niya.
“May gusto ka ba sa secretary ko?”