CHAPTER 14

1063 Words
CHAPTER FOURTEEN ELIANA I heard the noise coming from the bar. Nasa labas na kami ng mga kasama ko at hindi ko alam bakit ang bilis ng t***k ng puso ko. First time ko kayang pumunta sa ganito! “Hoy! Eliana, ayos ka lang ba?” Kinalabit ako ni Kate at sinuri ako mula ulo hanggang paa. “Oo naman. Tara na?” “Mukha kang balisa, may problema ba?” nag-aalalang tanong niya. Umiling naman ako ngunit parang hindi siya kumbinsido. Humawak na ako sa kanyang braso saka kami tumungo sa loob. Parang mababasag ang tenga ko sa lakas ng tugtog. Inilibot ko ang paningin sa bar at namimilog pa ang mga mata ko tuwing may nakikita akong naghahalikan. Ang wild ng mga tao. “Eliana, let’s go!” malakas na sigaw ni Kate, nakasunod naman ang mga kasama namin na sina Chloe, Tala, Mariz, Sandra, and Rica. Agad naman kaming nagbayad sa counter para sa aming table and drinks. “It’s been a months, nakapunta rin sa bar,” ani Chloe at nilagok ang wine. “Kaya siguro tayo hindi nagkakaroon ng jowa kasi puro tayo trabaho.” Napunta naman ang tingin ko kay Mariz na nagsalita. “True, sis. Kaya nga niyaya ko si Eliana dahil baka dito niya makilala magiging jowa niya, hindi ba?” maarteng segunda ni Kate. “Wala ka ba talagang boyfriend? Sa ganda mong ‘yan?” Natawa naman ako sa sinabi ni Chloe. “Wala akong boyfriend ngayon. Ayoko rin, eh,” nahihiyang sabi ko kaya sumimangot naman siya. “Alam mo, sis, mag boyfriend ka na. Sayang ka,” si Tala. Sumang-ayon naman ang lahat maliban sa akin. “Ano ba kayo, hindi naman ako nagmamadali.” Ininom ko ang natitirang wine sa baso ko at kumuha ulit sa tower. Simula noong nagtrabaho ako sa kompanya ni Lucas ay hindi na ako naging inosente pa. Akala ko noon kapag nakainom ka lang ng alak ay malalasing ka na agad. “They are here!” sabay na sigaw nina Sandra at Rica. Halos maibuga ko ang iniinom ko nang makita ko kung sino-sino ang paparating. Pitong lalaki na matitipuno ang katawan, hindi maitago dilim sa kanilang mukha na animo’y may ginawa kaming kasalanan. “Hi, girls!” Sabay-sabay nilang bati hanggang sa walang sabi-sabing umupo sila sa tabi ng mga kasama ko! Agad akong lumunok nang mapagtanto ang susunod na mangyayari. “Ethan, why can‘t you join Eliana. Come on! Sit beside her.” Sumikdo ang puso ko nang tumitig sa akin yung sinabing Ethan. Hindi mawala ang dilim sa kanyang tingin habang nakatikom ang mga labi. Set up ba ‘to? Halos lahat sila ay may kanya-kanyang partner, kaya ayokong pumunta sa bar eh. “May I sit beside you?” sabi nung Ethan habang tumuturo sa tabi ko. Wala naman na akong nagawa kaya tumango na lamang ako. “Thanks.” Nakita kong nag apir-an silang lahat maliban sa amin nitong Ethan. What was that for? Nilingon ko naman ang katabi ko at nakaramdam ako ng kaba kahit nakangiti lang naman siya sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit lumalabo na ang paningin ko kahit ilang shots pa lang naman ang nainom ko. “Are you guys want to dance?” masiglang tanong ni Kate habang sumasayaw-sayaw pa sa gitna namin. Nagsitawanan naman ang lahat maliban sa akin, mukhang tumama na ang beer sa kanya. Agad naman silang nagsitayo maliban sa amin nitong Ethan. “Sumasayaw ka ba?” inosente nitong tanong. Tumingin pa ako sa likod ko dahil baka hindi naman ako ang kausap niya. “Hey, Eliana. Ikaw ang kausap ko.” natatawa nitong sabi kasabay ng pagwagayway ng kanyang kamay. I smiled awkwardly. “I can’t dance.” Pagkasabi ko no’n ay agad itong tumayo at inilahad sa harap ko ang kanyang palad. “Let’s dance. Tuturuan kita. Ang ganda ng tugtog oh.” I looked at his palm, napakaputi nito at parang napakalambot. “Sige na, ang ganda-ganda mo kaya, dapat sa ganda mo ay pinapakita,” panghihikayat niya. Nakahihiya naman kung tatanggi ako. Hindi ba magagalit si Lucas? Bakit ko ba naisip yun? Hindi naman kami. Ngumiti lamang ako kay Ethan at iniabot ko ang kamay ko. Agad naman kaming pumunta sa gitna. Noong una ay nakikita ko pa ang mga kasama kong sumasayaw ngunit makalipas ang ilang minuto ay hindi ko na sila mahagilap. Malakas at nakakagana ang music. Hindi ako sanay sa mataong lugar kaya medyo naiilang pa ako. “Come on, I’ll guide you.” Napansin niya ata ang pagkailang ko. Sino ba naman kasi magiging komportable agad sa taong nakikilala mo pa lang? Lucas... Bakit ba siya ang naiisip ko sa sitwasyong ito? “What’s wrong? Are you okay?” tanong ng lalaking kasama ko. Mababakas sa kanya ang pag-aalala. “I’m okay,” kaswal kong sagot. Tumango naman ito. Napaigtad ako nang maramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bewang ngunit malayo ang tingin kasabay ng pag-inom niya ng vodka. Pasimple ko itong tinatanggal ngunit mahigpit ang kapit ng kamay niya sa bewang ko. “Ang ganda mo, Eliana. Sobrang ganda mo,” komento nito at pinasadahan ako mula ulo hanggang paa. Napalunok ako nang huminto ang kanyang namumungay na mga mata sa aking dibdib; ang kanyang kamay ay naramdaman kong pinipisil ang aking bewang. Agad akong natauhan. Inis ko siyang tinulak dahilan upang siya ay matumba. “Bastos ka, ah!” nanginginig na sigaw ko. Halos pumiyok ako nang sabihin iyon. Malakas ang tugtog kaya walang nakapansin sa amin pwera sa mga taong natamaan niya nang tinulak ko siya ngunit walang pakealam kahit nasasaktan na ang mga ito. Hindi siya natinag, akmang hahawakan niya ulit ako ngunit agad akong nakaiwas. Agad akong umalis sa dance floor at bumalik sa table namin para kunin ang bag ko. Agad kong hiniling na sana ay hindi ako sundan ng Ethan na yun. Nang makuha ko ang bag ay nagbabaka-sakaling hinanap ng aking tingin ang aking mga kasama. “Bwisit!” singhal ko habang palabas ng club. Dismayado akong nilisan ang lugar na iyon. Agad akong pumara ng taxi at inis na pumasok. Nang makaupo nang maayos sa loob, kinuha ko ang aking cellphone para i-chat si Kate na umuwi na ako. Alam ko naman na mamaya niya pa mababasa ang chat ko kaya napagdesisyunan kong ilagay na lamang ito sa bag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD