CHAPTER THIRTEEN
ELIANA
"Are you ready?"
I felt my body’s trembling in a bit. I wear a blue skin tone fitted dress and three inches pointed heels to still look elegant.
"Kinakabahan ako, Lucas," I said while looking at him.
"Relax. You're beautiful, Eliana. Ba't ka kakabahan?" He touched my cheek and suddenly kissed my forehead.
He glanced at the door so I felt a nervousness in my chest.
"Let's go?" He lend my hand to me. I just stared at his palm and checked it and then looked at hem and smiled. I sighed.
I also grabbed my miserable palm. I am really nervous because of my cold and wet hand, and I think he already noticed it.
"Ipapakilala pa lang kita. Pwede namang next week ka magsimula pagkatapos ng team building."
"Hindi pwede iyon, Lucas. Now, I'm ready." Gulat siyang tumitig sa akin nang hilahin ko siya papunta sa elevator. I’m wearing a heels but I know I’m really good on it.
Nang makapasok kami sa elevator ay hindi ko inaasahang iisang tao lamang ang nasa loob.
Sumulyap muna ako kay Lucas bago tumingin sa babaeng kasama namin. She's wearing a casual clothes at naka-sumbrero na dahilan kung bakit hindi ko siya mamukhaan pero ang galaw at pagtayo nito ay pamilyar.
Tumunog ang elevator sa 3rd floor kaya alam kong lalabas siya. Ipinagtaka ko lang ang magaspang nitong galaw habang lumalabas sa elevator ngunit hindi ko yun masyadong pinagtuunan ng pansin.
Nang makarating na kami sa meeting room ay naroon na ang ibang members. They greeted us before we start the meeting.
Iba rin pala ang atake kapag naging isang secretary ng CEO ng napakasikat na kompanya.
“Welcome to the family, Eliana.”
Isa lamang yan sa mga naririnig ko galing sa mga empleyado ni Lucas. Yung iba ay nakipag-kwentuhan pa sa akin at yung iba naman ay niyaya akong mag bar mamaya.
“Hindi ako nag-ba-bar eh,” sagot ko habang nakangiti kay Kate, she’s one of the junior accountants of the company.
“Sige na, minsan lang naman. Tsaka, single ka naman ata, maraming igop doon,” nanghihikayat na aniya. Tinapik niya pa ako nang mahina sa aking balikat.
“Sige, gusto mo, eh.” Lumawak ang kanyang pagngiti sa sinabi ko kaya napangiti na rin ako.
“Goods! Excited na ako, isama natin sila Tala ah,” naniniguradong aniya. Sumilip naman ako sa nagkukumpulan na grupo sa kabila saka sila nginitian. Si Tala ay isa rin sa mga Junior accountant na kasama ni Kate.
Tumango na lamang ako bilang sagot. Matapos ng usapan na iyon ay napadpad ang tingin ko kay Lucas na katatapos lang kausapin ang isa sa mga business partner niya, napag-usapan din kasi sa meeting ang tungkol sa pagbubukas ng ibang branch ng Splash of Red.
“So, what are your feelings being a secretary or should I say, my secretary?”
“Boring,” simpleng sagot ko kaya nakita ko ang pagkunot ng noo niya, dumilim din ang kanyang mukha saka umigting ang panga.
“Am I boring to you? What if I kiss you?” Bahagya siyang lumapit sa akin kaya napalunok ako ng laway.
“Stop being that, Lucas. Hindi nakakatuwa.” Alam kong namula agad ang aking pisngi dahil sa medyo pag-init nito.
Kasiyahan niya talagang asarin ako, eh!
“Bakit parang ang saya mo tuwing inaasar mo ako?”
“Mas gusto ko kasing sinusungitan mo ako, Eliana.” Naroon na naman ang pilyo niyang ngiti kaya inirapan ko siya. “Ganyan nga, Eliana, sungitan mo pa ako.”
“Ano ba? Hindi ako maka-focus, Lucas,” I hissed. I bit my lower lip when I felt he’s glaring at me.
“Mas lalo kang gumaganda sa paningin ko tuwing nababalisa ka dahil sa akin,” he said in a seductive tone. Hanep na lalaking ito, may plano ba siyang akitin ako?
I felt my knees trembling. Bakit ba nanghihina ako sa napaka-simpleng bagay? Si Lucas lang naman kausap ko.
He took a sigh. After that, he went to my front to face me; to have an easy access to see my face. I can see his whole face now, he’s glaring at me addictively. The anticipation comes when he looked at my lips while biting his lips. I hold my breath in a seconds and I can’t look straightly in his eyes.
“Anyway, narinig ko ang usapan niyo kanina ni Kate, and I’m sorry. Are you going?” May pag-aalala sa tinig ng boses niya at hindi ko alam kung bakit.
Medyo lumayo na siya nang kaunti sa akin saka humalukipkip. Naghihintay sa sagot ko. Tanging pagtango lamang ang ginawa ko ngunit nakita ko na lamang siyang tuluyang lumayo sa akin saka parang nag-iisip nang malalim.
“Bakit? May nasabi ba akong mali?” Para akong nakikipag-usap sa hangin nang wala akong sagot na matanggap. Sinuri ko ang kanyang kabuuan, nananatili lamang siyang nag-iisip na parang may pina-plano.
“Nothing, Eliana. Enjoy for tonight.”
Ayon na lamang ang sinabi niya saka ako iniwan mag-isa sa meeting room. Hahabulin ko sana siya ngunit tuluyan niya nang naisarado ang glass door.
Did I do something wrong? Nagkibit-balikat na lamang ako saka pinulunpon ang mga papel na hawak ko kanina. Pagkatapos no’n ay agad kong nilisan ang lugar na iyon saka tahimik na naglakad papunta sa opisina ni Lucas.