ELIANA
"Lucas..."
"Hmmm," sagot nito.
"Ano nga ba ulit ang tinatrabaho sa kompanya niyo?" Alam kong nakakahiya man na tanungin ngunit kailangan.
Tumikhim siya bago nagsalita. Sa ngayon ay nasa akin na ang atensyon niya at isinara ang laptop.
"Our family managing a sole proprietorship business: Sandoval’s Splash of Red.
"Actually, my family's business ruined 5 years ago. My mistake." Yumuko ito at parang inaalala ang lahat ng nangyari sa nakaraan.
Ikinwento nito na nasunog ang bodega noong isang taon pa lang ang magulang nila sa pagnenegosyo kaya marami rin ang nawala. Lahat ng pera at gamit sa kanilang tindahan noon ay nasunog. Alak ang negosyo nila kaya naman hindi maiiwasang magkalat agad ang apoy. At siya ang may kasalanan sa nangyaring sunog na iyon. Hindi niya man sinasadya ang nangyari ngunit hindi niya masisisi ang kanyang ama kung bakit hanggang ngayon ay galit pa rin ito sa kanya.
"Gano'n kalaki ang nasayang? Grabe naman."
"Umiinom ka ba?" Tanong niya.
"Oo, tubig at juice." Nakita ko na lamang na kumunot ang noo niya nang sabihin ko iyon.
"Softdrinks pa." Dagdag ko.
"Kung umiinom ka kako ng alak."
"Hindi."
"Why? Napakabait mo naman." Halos magpigil ako ng tawa. Inilagay ko ang kamay ko sa aking bibig para hindi niya mahalata.
"Are you laughing?" Umiling ako kahit sa mga oras na ito ay mamamatay na ako sa pagpigil ng tawa. Hindi ko rin alam kung bakit ako natatawa o sadyang abnormal lang ako.
"Tubig dagat iniinom ko." Pagbibiro ko ngunit sa palagay ko ay naniwala siya.
"What? How? Paano ka nakaiinom ng maalat na tubig?" Tuluyan nang kumawala ang tawa ko. Halos napuno ng halakhak ang buong opisina at nang tignan ko siya ay nakatitig lamang ito sa akin habang blangko ang mukha.
"Masyado kang seryoso, Lucas."
"Eliana," agad akong natigilan nang tawagin niya ako sa ma-owtoridad na boses.
"Sorry po, sir."
Naalala ko tuloy yung unang pagkikita namin. Lasing na lasing ba naman ang isang Sandoval na may-ari ng mga alak.
Ilang minuto ang nakalipas at tila mabingi kami sa katahimikan.
Naisip kong itanong ang sinabi niya kanina tungkol sa team building, at sa lugar pa namin kailangang ganapin? Sigurado akong makikita ako ng napakagaling kong tiyahin.
"Lucas..." Umurong ata ang dila ko nang tinapunan niya lang ako ng tingin saka binalik ang atensyon sa kanyang ginagawa. Hindi ko napansin na maraming papel pala ang nasa mesa niya.
Hindi siya sumagot. Nanatiling sa papel lamang ang tingin nito. "Itatanong ko lang kung sa Mariveles ba talaga natin gaganapin ang team building?" Tumigil ito sa pagbabasa at nasa akin ulit ang atensyon.
"Yes." Simpleng sagot ngunit maraming ibig sabihin iyon.
"Bakit doon? Alam mo naman na roon ako nakatira. Kasabay ba nito ang gusto mong umuwi na ako?" Agad siyang umiling kaya nagtataka ako. Hinawakan niya muna ang kamay ko bago magsalita.
"Nothing, Eliana. Don’t make me wrong. Maganda ang lugar niyo, why not?"
Sa totoo lang. Naiinis ako. Why Lucas can't understand about my situation? Ayoko na bumalik do'n.
"No. Kung gusto niyong mag-team building, go. Hindi nalang ako sasama."
"Sasama ka."
"Wow, desisyon ka." Nag-init ang ulo ko dahil sa sinabi niyang sasama ako.
"Hindi ka pwedeng tumanggi, Eliana."
Umarko ang kabilang kilay ko kasabay ng pagkuyom ng aking kamao.
"Pwede."
"I'm your boss, Eliana. Marami ang kailangang gawin na activity sa team building, it's not about the business, but the bond with the employees."
"I want to stay here."
"Here?" He asked while pointing the whole office.
I nodded.
"Eliana, kapag hindi ka sumama ay mapipilitan akong samahan ka dito at huwag nang pumunta. Just the two of us." His voice became husky and his gaze became serious.
"Hindi na kailangan, Lucas." Hindi siya nakinig at tumayo. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa lumabas siya at hindi ko alam kung saan pupunta.
I rolled my eyes. Ilang minuto ang lumipas nang bumalik siya na may dalang isang malaking backpack.
"I'm ready about the team building. Pero, binigyan mo ako ng dahilan para hindi umalis."
"Lucas, imposibleng hindi ka umattend. Ikaw ang kailangan do'n." Umiling siya. Bakit ba hindi na lang siya makinig?
"I'm the CEO, kailangan man ako o hindi kung ayaw man o gusto ko, ako pa rin ang masusunod."
"Hindi ka sasama dahil sa akin? Can't you imagine the employees without the boss?"
Natawa siya na ipinagtaka ko.
Tumango ito saka naglakad palabas ng office. Seryoso talaga siya? Napabuntong-hininga na lamang ako saka sumunod sa kanyang lumabas.
Ngunit agad kong naitakip ang dalawa kong kamay matapos kong masilip na nakaboxer lang ito at walang suot pantaas.
"Ano ba 'yan, Lucas, magtakip ka nga."
"Hindi na kailangan, nakatakip ka na man na ng kamay, 'diba?" pilyong aniya.
"I said, cover your body!" Nanatiling nakatakip lang ang kamay ko sa aking mukha nang mahina siyang tumawa. Naramdaman kong humakbang siya saka huminto, similip ako nang kaunti at nakita kong isinusuot na niya ang alam kong mamahaling short. Nahiya naman ako sa damit kong galing ukay.
"Satisfied?" Sa puntong ito ay nakagat ko ang aking labi dahil sa inis. Kung makatingin siya ay parang inaaliw ako nito at pawang gusto niyang pagmasdan ko lang siya. No way!
"Hindi ako masasatisfied sa 'yo, Lucas?" walang emosyon na ani ko.
Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa ugali namin kapag kami ang magkasama. Pakiramdam ko ay naninibago ako sa pakikitungo niya.
Hindi ako yung Eliana na kahit may problema ay nakangiti pa rin.
Hindi ako yung Eliana na handang makinig sa mga taong nakakasama ko.
Hindi ako ito.
"Yes, I can." Agad itong lumapit sa pwesto ko habang ang tingin niya ay nakatitig lamang sa akin.
Ilang beses akong lumunok ng laway nang mapagtanto kong nasa harap ko na siya na may malagkit na titig.
"Mamili ka. Sasama ka sa team building o I'll satisfied you. Now."
"Ang baduy mo talaga, Lucas. Wala ka sa trip ko." Inaamin ko naman na gwapo siya at hindi naman talaga siya baduy.
I just can't imagine what will happened next.
"Really?" Mas inilapit pa nito ang mukha niya sa mukha ko at alam kong kaunting galaw lang ay hindi imposibleng magdikit ang mga labi namin.
I want to breathe...
But I couldn't breathe because of the tension between the two of us. I almost took my breath away even though I didn't explore the sun.
In just a few seconds I could feel him clinging to my beard and I was closer to him. I feel like I'm in an inexplicable thing now that no one can answer.
"Huwag na tayong pumunta. We'll stay here or do shopping." Napairap ako sa harap niya.
Really? Hanggang ngayon yun pa rin ang pinaglalaban ng lalaking 'to. Tsk.
Ilang buntong-hininga ang aking ginawa bago magsalita.
"Fine. Sasama na ako." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko ngunit mas nabigla ako sa bagay na kanyang ginawa.
Halos hindi ako makahinga sa yakap niya kaya hindi nagtagal siya rin ang kumalas.
Nakikita ko ang galak sa kanyang mga mata. Para siyang bata na natupad ang gusto.
Nanatili pa kaming nasa gano'n na posisyon kaya agad ko siyang tinulak. Agad siyang natulala kaya natigilan ako.
"You‘re a good girl, Eliana," tumango-tango pang aniya sabay kinalikot na lamang ang kanyang laptop at nanahimik.