CHAPTER ELEVEN
ELIANA
Tinapunan ko ng tingin si Lucas habang abala sa kanyang laptop.
Naalala ko ang nangyari kahapon. Sino ba si Melody? Bakit ba gano’n siya kay Lucas at gano’n si Lucas sa kanya?
Gusto kong tanungin ngunit baka isipin niya ay nangingialam ako.
But, it bothers me.
Siguro sa susunod na lang. May mas importante akong gagawin ngayon.
"Lucas." Lumingon siya sa akin. Nasilayan ko na naman ang kanyang ngiti.
"Hmmm?" Sagot niya habang abala sa pagtitipa sa kanyang laptop.
"Hindi ko naman maintindihan itong gagawin ko mamaya. Talaga bang isasama mo ako sa meeting?" Bigla niyang tinigil ang pagtitipa at nasa akin na ang atensyon niya ngayon.
"Alin ang hindi mo maintindihan? I will make it clear. Sorry, I'm just having a bad day." Tumingin siya sa labas ng office, napansin kong hindi siya mapakali.
"Kanina ka pa balisa. May problema ba?" Nag-aalalang tanong ko. Bumuntong-hininga muna siya ng tatlong beses bago nagsalita.
"I decided to have a team building next week. As what I have said, you are my secretary now, so, you need to bond with my employees." Mukhang iniiwasan niya ang tanong ko. Tumango na lamang ako bilang sagot saka itinuon ang sarili sa ginagawa.
"Saan?" Nakaramdam ako ng kaba kaya agad akong nagtanong.
"Sa Mariveles." Agad akong natigilan.
Bakit doon pa?
"Sasama ka sa meeting ko mamaya." Pagkasabi niya no'n ay lumakas ang t***k ng puso ko hindi dahil sa kaba kundi sa excitement dahil ito ang unang araw ko bilang secretary.
"Handa ka na?" Handa na ba ako? Tumingin ako nang may pag-aalinlangan sa kanya.
Sa puntong iyon ay nagkatitigan kami. Malalim. Tila may nais ipahiwatig.
"Just listen to me. Sa ngayon, manonood ka lang muna. Ipakikilala muna kita." Mas lumapit pa siya sa akin kasabay ng paghawak ng aking pisngi. "You can do it." Nakangiting sabi ni Lucas at marahan niya itong pinisil.
Nasa gano'n kaming sitwasyon nang tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko ay halos atakihin ako sa nerbyos nang makita ko kung sino ang tumatawag.
Halos mabitawan ko ang cellphone ngunit ilang segundo lamang ang itinagal nang sagutin ko ito. Pigil hininga ko itong sinagot at isang ingay kaagad ang aking narinig.
"Hoy, Eli! Mabuti naman at sumagot ka na, saan ka ba ngayon? Dalawang araw ka nang wala at hindi man lang magparamdam, saan ka ngayon?" Kung nagkasama lang kami ngayon ay alam ko na ang itsura ni Celestine. Alam kong umuusok na ang kanyang ilong sa inis at kung kasama niya ako ay kanina pa ako binulyawan.
"Tinay, listen," mahinahong sabi ko. Narinig ko pa siyang bumuntong hininga sa kabilang linya. I took a glance at Lucas. May tanong sa kanyang mga mata ngunit hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin. "I will explain everything, pagbalik ko." Narinig ko siyang sumigaw na parang nagmamaktol. Naalala kong sabado nga pala ngayon at may pasok kami.
"Ano na, Eli? Nasaan ka ba ngayon?" Siguro kung kasama niya ako ngayon ay tinadyakan na ako nito. Bumuga muna ako ng hangin bago magsalita.
"Manila," sagot ko.
"Tar*ntado, ba't nandiyan ka?!" Halos mabingi ako dahil sa sigaw niya.
"Gusto ko. Nakakapagod diyan, alam mo."
Nanatili akong kalmado dahil nahihiya ako sa kasama ko. Ayokong makita niya akong masyadong problemado sa buhay.
Inilayo ko nang kaunti ang cellphone sa aking tenga saka tumingin kay Lucas.
"Ahmm...Lucas," tawag ko at kaagad naman siyang lumingon. "Can I excuse my self for a while?" Ngumiti at tumango naman siya bilang sagot saka ako nagpasalamat. Umalis ako sa office niya at pumunta sa isang mahabang upuan.
"Teka nga, hindi ko maintindihan. Sino kasama mo? Ano'ng ginagawa mo? Eli, basta ka na lang bumigla ah. Alam mo ba 'yang tiyahin mo, pumunta pa sa bahay namin, kapag nakita ka raw niya ay papatayin ka niya." Ano pa nga ba ang aasahan ko? Talaga namang una palang ay gusto nilang mamatay na ako eh.
"Tinay, babalik ako. Hindi ko lang alam kung kailan."
"Sino kasama mo? Paano ka mabubuhay diyan? Eli naman oh!" Nakaramdam ako ng lungkot dahil sa sinabi niya.
Pero paano naman ako? Mas pakiramdam ko nga ang buhay ko dito kesa sa lugar na kinalakihan ko.
Bakit parang ang hirap ng buhay?
"Sam, I'm with someone, he—"
"Ano? Sino? Lalaki ba 'yan? Jusko, Eli, magpapamilya ka na ba?" Napasinghap ang nang malalim. Ngunit hindi ko naman masisisi kung bakit siya nagkakaganito.
"Ang OA mo naman. Hindi. May balak ba ako mag-asawa? Syempre wala. Sakit lang sa ulo 'yan." Yes. I don't want to have a family in the future. Wala eh, binigyan ako ng masakit na buhay ng mundo, ang mag-isa at matakot sa sariling pamilya.
"Ayos ka lang ba diyan?" Ramdam ko ang lungkot sa tono ng pananalita niya. I understand her. Sa aming lima, siya lang ang malakas makiramdam lalo na kung may problema.
"I'm super okay, Tinay. Thank you for asking." Ngumiti ako kahit alam kong hindi niya nakikita.
"Mabuti naman." Matapos niyang sabihin iyon ay may narinig akong ingay mula sa kabilang linya.
"Sino ang kausap mo? Wala pa ba si Prof?" May nagsalita sa kabilang linya ngunit hindi ko masuri kung kaninong boses galing yun.
Hindi ko alam kung kailan ako makakabalik at paano ko ba sasabihin sa kanila ang lahat ng nangyari.
"Tine, huwag mo ipagsasabi kahit na kanino, please?" Gusto kong makasiguro sa bawat lumalabas sa bibig ko. Gusto kong magkaroon ng dahilan kung bakit ko nga ba ito ginagawa.
"Ah wala, pinsan ko lang." Narinig kong sagot niya sa kaklase naming nagtanong.
"Tine, sa susunod na lang tayo mag-usap. Kailangan ko nang bumalik sa ginagawa ko." Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Hindi ko na siya hinintay magsalita saka pinatay ko ang tawag. Bumalik ako sa office ni Lucas habang gulong-gulo ang utak ko.
"Are you okay?" Tanong nito kaya napatingin ako sa kanya. Abala pa rin siya sa pagtitipa ngunit nagawa niya pang tanungin ako.
"Yeah. May tumawag lang. So, ano nga ulit ang gagawin ko?" Pinilit kong abalahin ang sarili ko ngunit nakararamdam ako ng takot. Matapos ng tawag na iyon ay hindi ko alam ang gagawin dahil kahit pagbaliktarin ang lahat ay kasalanan ko pa rin.
Kasalanan ko naman lagi.
"Sa ngayon magpahinga ka muna."
"Bakit naman? Hindi pa nga ako nagsisimula sa trabaho magpapahinga na agad ako? Dati ka bang adik?"
"Para naman ma-relax ka. Bukas ka na lang magsimula. Sa ngayon, manonood ka lang." Nakakahiya naman kung gano'n. Wala na ngang kahirap-hirap ang pagpasok ko sa kompanya na ito, magrerelax pa ako. Buhay prinsesa 'yan?