CHAPTER 10

964 Words
CHAPTER 10 ELIANA “Stay here." Umigting ang kanyang panga at madiing usal niya ngunit napako ang kanyang tingin sa pinto nang may kumatok doon. Sa oras pa naman ngayon, akala ko ba nagsi-uwian na ang mga empleyado niya. "Lucas!" Tawag sa kanya mula sa labas ng opisina. Sa tono na iyon ay hindi maipagkakaila na babae ang sumigaw. "Not now, Melody. Busy ako at wala akong oras sa 'yo." Kumunot ang aking noo dahil sa kanyang sinabi. Sarado ang pinto ngunit habang tumatagal ay palakas nang palakas ang katok na gawa ng babaeng nagngangalang Melody. Kapagkuwan ay sumulyap muna siya sa pinto bago tumingin sa akin. Sunod-sunod ang kalabog sa pinto dahilan upang siya'y mapasinghap at tila'y umusok na ang kanyang ilong. Sa halip na pakinggan ito ay pumunta na siya doon at binuksan ang pinto. Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay isang sampal agad ang sinalubong ni Lucas galing sa babaeng ito. Napahawak ang mga kamay ko sa aking bibig nang masaksihan iyon. Naguguluhan ako sa nangyayari at hindi ko alam ang gagawin ko. Nakita kong nakalagay lang ang isang kamay ni Lucas sa kanyang pisngi dahil sa sampal ng dalaga. Sino ba siya? Baka siya ang girlfriend ni Lucas. Siya ba ang tinutukoy ni Mrs. Sandoval noong dumating kami? Pero bakit ba ang rude niya sa girlfriend niya? "I told you to fetch me, Lucas! May party tayong kailangang puntahan. Dapat nandoon tayong dalawa." Sermon nito na tila ay napakalaking kasalanan na iyon ni Lucas sa kanya. "Melody, you're not my priority." Hindi ko alam kung paano aalis sa sitwasyon na ito. If she is Lucas' girlfriend, dapat hindi ganyan ang trato sa kanya. Omg, kailangan ko na talaga umalis. "Lucas, I need to go." "Sa oras na 'to, Eliana? No, you stay here." Ngunit nagmatigas ako saka kinuha ang mga gamit ko sa sala at bumalik kung nasaan sila nag-uusap. Ayoko madamay sa gulo. Lalo nang binawasan ko pa ang napkin ng girlfriend niya, nakahihiya. "You're putting me in this situation, Lucas, aren't you?" I was about to react when suddenly she turn her gaze to me. Silently judging me as I see in her eyes. "Who's this?" Tanong niya kay Lucas ngunit sa akin pa rin ang tingin. "She's my secretary, Melody." Pakilala niya sa akin sa babae. Pinagmasdan ko lamang ito kaya hindi naging madali sa akin ang hindi niya pagiging komportable habang narito ako. "Secretary? Sa oras pang ito may balak ka pang pagtrabahuhin ang isang secretary? Lucas you're not like that." "Umuwi ka na." Malamig ni tugon ni Lucas habang umiigting ang kanyang panga. "Pero pupunta tayo sa party. My parents are there. They will scold me if you‘re not with me!" "Melody, hindi ako pupunta at mas lalong hindi naman ako pumayag na samahan ka." "What the hell, Lucas! Dahil ba sa kanya?" Tumingin ito nang masama sa akin habang dinu-duro ako. "Sino'ng secretary ang kailangang magtrabaho sa oras na ito? It's time to relax, Lucas." Dagdag niya. "Lucas, hindi ba't delikado kapag hindi mo siya sasamahan?" Nilipat niya ang tingin sa akin saka kumunot ang kanyang noo. Pinandilatan ko siya ng mata kaya bumaling siya sa babae. "Baka mamaya mapahamak siya." Naiilang man ay hindi ko mapagilang sabihin iyon kay Lucas kaya napatingin sa akin ang babae at taas baba akong tinignan habang nakangisi. "Well, tama naman ang sinabi mo dahil responsibilidad ako ni Lucas pero ba't kailangan mong makisawsaw sa usapan?" Natikom ang aking bibig. Inisip ko ang sinabi ko kanina at wala naman akong naalalang mali. Concern lang ako. "Babae rin ako. We need protection. Kung mag-iisa kang aalis ay baka kung ano ang mangyari sa 'yo. I'm sorry but I'm just concern." "Whatever." Tinarayan lamang ako nito kasunod ang walang sabi-sabing naglakad sa kabuuan ng opisina. "Seriously, Lucas? Umalis lang ako ng tatlong buwan at pagbalik ko ibang-iba na ang office mo?" Bakit? Ano ba ang dating design ng opisina ni Lucas? At bakit parang may malaking kasalanan talaga si Lucas sa kanya? "Melody, lahat ng nangyari ay nakalimutan ko na. There's no reason to talk about it." Bakit ba sa sitwasyong ito ay nagawa niya pang kumalma? "Ano ba'ng namamagitan sa inyong dalawa ni Lucas?" Lumunok ako ng laway dahil sa ngayon ay sa akin na siya nakatingin. "Melody!" "Why, Lucas? Ginawa mo siyang secretary para mahalin ka niya, at pagkatapos ay iiwan mo? Gano'n ba?" "Melody, shut up!" Umigting ang panga ni Lucas kasabay ng pagdilim ng kanyang mukha. "Akala ko ba hindi ka magha-hire ng babae? Pero ngayon, oo na. At sa isang mukhang hampaslupa." Tila nagpintig ang aking tenga sa narinig ko. Agad kong kinuha ang buhok niya gamit ang isang kamay ko saka siya kinaladkad papunta sa labas. Hindi ko na ko hinintay si Lucas. "Eliana!" Hindi ko siya pinansin. Narinig ko siyang nagmura pero wala akong pakialam. Sinagad ng babaeng ito ang pasensya ko kaya hindi ko siya palalampasin. "Do I know who are you?" Tanong ko. Sa sobrang inis ko ay mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa kanyang buhok. "Let me go, b***h!" Ngumiti ako. "Ha? Sino'ng b***h? Ikaw?" Sumigaw siya nang sumigaw. "Eliana, bitawan mo na siya. Please." Sa sinabing iyon ni Lucas ay binitawan ko na nga. Bumungad sa akin ang mukha niyang puno ng pawis at magulong buhok. "Don't underestimate me, Ms. Melody." Pagkasabi ko no'n ay kinuha ako ni Lucas papunta sa loob sabay isinara ang pinto. Sa hindi malamang dahilan ay pareho kaming hingal na hingal at sabay sumandig sa pinto. Tumingin ito sa akin sa nakamamanghang titig. "You're amazing." "Of course, I am." "Haha you're already my girl, I swear." Abot tainga ang kanyang ngiti na kulang nalang ito' y mapunit. "WHAT?!" Napuno ng halakhak namin ang silid. Bagay na matagal ko nang hindi nagagawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD