CHAPTER NINE
"I want you to be my secretary."
Hindi ko alam kung magugulat ba ako o magsasaya sa mga oras na ito dahil sa kanyang sinabi.
"Teka nga, akala ko ba hahanapan kita ng secretary mo? Oh, bakit ako?"
"Kasi nahanap ko na sa 'yo." Umirap ako sa kawalan. Walang kwentang sagot.
"I thought you want to stay here in my office?" Dagdag niya saka umupo sa couch habang lumalagok ng wine.
"Yes. Pero huwag naman yung may trabaho. Sabi ko nga kain, nood, at tulog lang ako dito, 'diba? Tsaka next week maghahanap ako ng trabaho." Natawa siya ng mahina dahil sa inasal ko.
"Seriously? Next week pa? Pwede naman simula bukas ah. Alam kong maboboring ka lang kapag 'yan ang ginawa mo dito," sabi niya saka inilapag ang baso at humarap sa akin.
I rolled my eyes. "Ba't ako maboboring sa kain at tulog eh normal na buhay ko yun? Sa klase nga ay natutulog ako. Alam mo kung award lang ang pagtutulog edi sana c*m laude ako." Napamaang siya sa sinabi ko.
"Besides, hindi ka naman mamomroblema sa akin dito. Alam ko ang gawaing bahay." Ngumiti ako sa kanya nang buo. Yung ngiting hindi mababahiran ng pagpapanggap.
"Ang gusto mo lang ay parang maging kasambahay?" Ang gwapo ng lalaking ito pero bakit ang bobo?
"Wala akong sinasabing ganyan ah." Tanggi ko kaya napapikit na siya nang mariin na siyang ikinairap ko sa kawalan. "Kaya, no. Bakit ba hindi ka maka-gets?"
"Dahil yun ang bagay sa 'yo. You need to work for your own. 'Diba 'yan ang sabi mo sa akin noong nasa isla tayo?" Natigilan ako sa sinabi niya. Oo nga naman. Gusto kong makarating sa Manila kaya nga narito na ako ngayon ngunit bakit ko pa sasayangin ang pagkakataon?
Tumango ako. Tumikhim siya kaya marahan akong tumingin sa kanya. Nakita kong nakatingin ito sa akin nang may pangungumbinsing tingin.
"I just wanted to be free. Laging may limitasyon ang buhay ko eh." Mahina kong sabi.
Ilang segundo lang ay lumapit siya sa akin. Tumitig ito sa aking mga mata na animo'y naiintindihan ang lahat ng problemang narito.
"Noong unang kita ko palang sa 'yo, napansin ko nang may mali." Nagbago ang awra ng kanyang mukha at napalitan ng pagkaawa.
"Hindi ko alam kung bakit sila gano'n sa 'kin." Panimula ko. Hindi ko alam kung makakaya ko bang ikwento sa isang 'to ang pinagdaanan ko simula nang mawala si mama. "Parang...parang hindi nila ako pamilya." Hindi ko alam kung tama bang magsabi nang gano’n sa kanya. Ilang araw pa lang kami magkasama at hindi ko pa siya lubusang kilala.
"Lagi nilang sinasabi na...na sana namatay na lang din ako kasama ng magulang ko." Sa ngayon ay nahihirapan akong huminga. Tila napako na ang aking tingin sa sahig at hindi ko na magawang tingnan si Lucas. Umalis siya sa harap ko, napansin kong may pinindot siya sa speaker at nagsimula na ang kanta. Bumalik naman agad siya sa harap ko.
Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko saka ipinatong niya iyon sa balikat niya.
Pakatapos ay biglang nag-play ang kanta ni Christina Perri na A Thousand Years.
"Para mawala kahit papaano ang lungkot mo. Sasayaw tayo." Nakangiting aniya. Gulat akong tumingin sa kanya at nakita ko ang malamlam niyang mga mata. Animo'y hinihikayat akong sumayaw kasabay ang bawat ritmo ng musika.
Ang isang kamay ko ay inilagay niya rin sa kabila niyang balikat at ang kanyang mga kamay ay dumako sa aking bewang.
Malumanay ang kanta. Kaya damang-dama ko ang bawat pagtitig niya. Para akong nasa ulap sa mga oras na ito.
"Eliana..." Umaangos na tawag niya kaya mas tumuon ang sarili ko sa kanya.
"I want us to enjoy tonight," usal niya at mas naging marahan ang bawat galaw. Lumunok ako ng laway.
"Lucas, ako hindi lang ngayon ang gusto ko mag-enjoy." Malumanay na sabi ko. Nanatili lamang siyang nakatitig sa akin kaya nagpatuloy ako.
"Hindi ako gagawa ng isang bagay na hindi ako magiging masaya."
"At hindi ako gagawa ng isang bagay na hindi ka magiging masaya," he said. Sa puntong iyon ay lumaban na ako sa mga titig niya. Ngunit sa halip na maging malumanay ang bawat kilos namin dahil sa kanta. Naging mabilis ito dahil sa hindi ko malamang dahilan.
"Lucas, step gentle," anas ko.
Sa puntong ito ay ngumiti lamang siya at sinasabayan ang kanta.
Lumunok ako ng laway dahil sa mga titig niyang nakatutunaw.
Tumikhim siya kasabay ng pagngiti at pinaikot niya ako sa kanyang harap habang hawak ang aking mga kamay kasabay ng ritmo ng musika.
"Eliana," tumingin ako sa kanya.
"Ang ganda ganda mo," lumunok ako ng laway matapos niyang sabihin iyon. Medyo lumuwag ang kapit ko sa kanyang kamay at balikat dahil inuunahan ako ng kaba.
"Lucas, stop talking about that." Yumuko ako para hindi niya makita ang kanina pang namumula kong pisngi. Hindi ako sanay sa ganitong sitwasyon.
"Why? You're beautiful, Eliana. Pareho ng pangalan mo. Hindi mo ba alam yun?" Sa pagkakataong ito ay puno ng pagkamangha niyang sabi. Tumigil siya sa pagsayaw kaya tumigil din ako. Bumuntong-hininga ito sabay ngiti. And the next thing he did is holding my hand and guide infront of the mirror.
Ipinatong niya ang dalawang kamay sa magkabila kong balikat at tumingin sa akin mula sa salamin.
Malaki ang salamin niya kaya kitang-kita ko ang kabuuan namin.
"Do you know what's more beautiful?" Nagsitayuan ang aking mga balahibo hindi dahil sa kanyang tanong, kundi dahil sa ginawa niyang pagbulong sa aking tenga ng mga salitang iyon.
"For being you. Inside and out." Dagdag niya kaya umiling ako.
"You don't know me, Lucas." Dahil sa hindi ko na kinakaya ang tensyon sa pagitan namin ni Lucas, kusa na akong umalis sa kanyang harap ngunit dahil sa kanyang alerto kamay ay napigilan niya ako sa lugar kung saan sana ako pupunta.
Dahil sa pagkabigla niya ay nakaramdam ako ng paghapdi ng aking braso dahilan para siya ay matauhan.
"I'm sorry...I'm so sorry, Eliana." Nakita kong nanginginig ang kanyang kamay na naka hawak sa aking braso. Dahan-dahan niya naman itong inalis saka itinaas ang dalawang kamay na para bang sumusuko ito sa pulis.
"May gusto ka ba sa 'kin, Lucas?" Panunukso ko. “Kaya mo ba ako hinalikan kanina?” Umiwas ako ng tingin ngunit alam kong nakatitig pa rin siya.
"Yes. Halata naman 'diba?" Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi nito. "I do like you."
"Mamatay man?"
"Sinong mamamatay?"
"Ikaw, malamang."
"Ba't ako? Saan mo natutuhan 'yan? Gusto kita pero required ba na mamatay ako?"
Tila mapunit na ang aking labi dahil sa kanyang huling sinabi.
"Hindi naman. Yun ay kung gugustuhin mo." Simpleng sagot ko ngunit tila hindi siya makatingin ng deritso akin kasabay ng pananatiling nakadilat lamang ang kanyang mga mata at hindi kumukurap.
"Hoy, ayos ka lang?" Habol ang hininga kong tanong habang nakatakip ang kamay sa aking bibig dahil sa hindi ko makayanan ang reaksyon niya sa aking sinabi.
"No, I'm not okay. Ang sabi mo mamamatay ako." Doon na ako humagalpak ng tawa sabay hawak sa tiyan at nang tignan ko siya'y parang nakalunok ito ng harina dahil sa sobrang puti ng kanyang mukha.
"Ano ba, biro lang yun. Masyado kang seryoso sa buhay." I heard him smirk, suddenly he turned his gaze to the window.
"Being serious is one of the things you need to act when you're with someone you don't know the whole them." Diretso lamang ang titig nito at walang kahirap-hirap ang hindi pagkurap sa kanya.
"Look, I don't know your whole you, Eliana. But I know being my secretary and staying here would probably take advantage to know you more. I want to know every details of you."
"Magagastusan ka lang sa akin. Siguro uuwi na lang ako." Hindi ko alam kung saan ko ba nakuha ang mga katagang iyon. At kahit siya ay nagulat sa inasal ko. Hindi mo ugaling magpabebe, Eliana!