CHAPTER 8

999 Words
CHAPTER EIGHT ELIANA Pumunta ako sa sala at inabala ang sarili sa panonood. Ipinagpatuloy ko ang movie kanina. "Let's eat together, Eliana." Napalingon ako. Nakita ko siyang nakamasid sa akin habang nakangiti. "Sige na, please?" Sa sinabi niya wala man lang malambot na tinig akong narinig. Ang boses na aking narinig ay puno ng maangas ngunit maginoong lalaki. "Ayos ka lang ba?" Tanong niya habang kumukuha ng kanin saka sinalin sa kanyang pinggan. Ang bilis naman ng pang-amoy nito. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maiwasang isipin ang nangyari kanina. Dapat kasi hindi nalang ako pumasok doon. "Oo naman. Gutom lang siguro ako," I lied. Tumango lamang ito ngunit alam kong hindi siya nakuntento sa sagot ko. Ngumiti lamang ako saka nagpatuloy sa pagkain. "Ang sarap ng luto mo." Papuri nito kaya nginitian ko lang siya. "Gusto ko pa." Natawa ako sa reaksyon niya na parang bata na humingingi ng pagkain sa nanay dahil paborito niya ang niluto. Kinuha ko ang mangkok para sana lagyan ng caldereta ang pinggan niya ngunit inagaw niya ito. "Bakit mo naman nilalagyan yung akin? Ako dapat naglalagay sa 'yo. Thank you sa pagluto." Gaya nga ng sinabi niya ay nilagyan nito ng dalawang saldok ng ulam ang aking pinggan. "Ang dami naman, kaya ko kayang ubusin 'yan?" "Oo naman. Alam ko naman na food is life ka." "Pa'no mo nalaman?" "Dahil magaling ka magluto," sabi niya sabay subo ng patatas. Nagkibit-balikat na lamang ako at hindi na nagsalita. Wala namang espesyal, basta mahal ko ang pagluluto, yun lang. "What if mag business ka? For sure papatak 'yan." Nagtataka akong tumingin sa kanya. "Business? Anong business naman?" "Ito. Magluluto ka. Magtatayo tayo ng isang restaurant." Seryoso ba siya? Mas maganda magtrabaho sa opisina niya eh. Gusto ko nga manirahan nalang dito. "Lucas, hindi ako mahilig sa business. Lalo na sa pagtitinda." Walang ekspresyon ang mukha niya. Tila pinakiramdaman ako. Totoo naman, ayoko magtinda. "Pwede ka magtinda habang nandito ka sa opisina ko." Medyo nabingi pa ata ako sa kanyang sinabi. Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang matamis nitong ngiti. "Imposible ang sinasabi mo," bulalas ko sa kanya kaya napakamot siya sa sintido. "Look, I can hire a cook, diswasher, and waiter for you. Gusto mo isa ako sa customer mo." This man is insane. "Hoy, sarili mo ngang secretary hindi mo mahanapan, tapos nag-ooffer ka pa sa akin na ikaw ang maghahanap ng tauhan ko? Gago ka ba?" He smirked. He looked at me straightly. Umiwas ako ng tingin. "Well, wala namang masyadong problema do'n. Ikaw ang bahala bukas." Kampanteng aniya. Umirap nalang ako sa kawalan saka tumayo at kukuha sana ng juice. "Eliana, you need to cook next time carefully. Pati sa pwet mo kumalat yung tomato sauce." Natigilan at nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Huwag niya sabihing...napapikit na lamang ako. "H-hindi 'yan tomato sauce." Nanginginig na sabi ko. "What? I'm seeing a red spot there. It looks fresh and delicious. Buti na lang hindi kulang yung nilagay mong sauce sa caldereta." Fck! Nakakahiya! Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Parang tumigil ang oras at nawalan ako ng lakas humakbang at hanapin kung saan ako pupunta. "Eliana, are you okay?" Naguguluhang tanong niya kaya mas lalo akong kinakain ng kaba. "I need to go to the bathroom." Hindi ko na siya hinintay makapagsalita at tinahak na ang banyo. Hindi ko na rin maintindihan ang huli niyang sinabi dahil sa labis na pagkataranta ko. I hate this feeling. Bakit lalaki pa ang nakakita na may regla ako? Gosh! Nang makapasok sa c.r ay dali-dali akong naghanap ng napkin. Paano ako makakahanap eh ang laki ng c.r, sa sukat nito ay pwede na 'to gawing kwarto. Oh men, where's the napkin in here? Napairap ako sa sobrang katarantahan. Napasabunot ako sa sariling buhok at inisip kung gaano ako katanga, dahil doon lang pumasok sa isip ko na lalaki pala ang may-ari ng opisinang ito. Paano magkakaroon ng napkin dito? "Here. Can you open the door?" Mas lalo akong kinabahan nang marinig ko ang tinig niya. "No. Huwag kang papasok, may ginagawa ako," matigas kong sabi. Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya sa labas. "Wala ka namang gagawin diyan kung walang napkin sa c.r. Here, take this." Gulat akong napatingin sa pinto ng banyo. Bumili siya? Nakakahiya ka talaga, Eliana! "Di-Diyan mo nalang sa labas. S-Salamat." Naramdaman kong may inilapag nga siya saka umalis na. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, at nakita sa baba ang——MGA NAPKIN?! Iba’t-ibang brand ng napkin! Natutop ko ang bibig ko saka inisip kung bakit napakarami. What if sa girlfriend niya pala yun? Oo, baka nga sa girlfriend niya. Alangan namang siya ang gumamit no’n. Wait, baka naman kay Melody ‘yan? Yung binanggit ni Mrs. Sandoval noong naroon kami sa bahay nila. Baka nga awayin ako no’n dahil gagamitin ko ang napkin niya. Pero, wala na akong choice kung hindi gamitin ito. Kukunin ko na sana iyon nang makita ko siya sa harap ko. He's wearing a smile that expose his innocent look. Unti-unti siyang lumapit sa akin kaya ako naman ay paatras nang paatras. Napansin kong pareho na kaming nasa loob ng banyo. "T-Teka, L-Lucas. Magpapalit ak---" I was stucked. Naramdaman ko na lamang na dumampi ang kanyang labi sa labi ko. It gives me a warmth now. The moment his lips close to mine take me to have unconscious act. My hands are shaking. Unti-unti niyang humiwalay ngunit napatanga pa rin ako. Mahigit limang segundo lamang itinagal ang halik na iyon ngunit parang nakalapat pa rin ang kanyang mga labi. That was only a smack, but full of affection. Gosh, I know my face is turning red right now. I can't look at him. Gusto kong umiyak. Pero hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit ako iiyak. "L-Lucas..." bigla nalang sambit ng bibig ko. Tumungin siya sa akin. "Ba't mo ginawa yun?" Tanong ko. Nanginginig pa ang mga kamay ko at ang buong katawan ko at tila naparalisado.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD