CHAPTER 7

1012 Words
CHAPTER SEVEN ELIANA "Ano'ng gusto mong luto bukod sa Kaldereta?" Tanong ko kay Lucas habang hinahanda ang lahat ng sangkap. Siya naman ay abala lang sa panonood sa aking ginagawa. "Nothing. Only Kaldereta is my thing, kumakain din naman ako ng ibang putahe, pero walang papantay sa kaldereta," he said. Naramdaman kong nakatingin pa siya sa akin kaya tumigil ako sa paghihiwa ng karne. "Kahit anong klaseng kaldereta?" Paniniguro ko. Baka kasi mamaya mali pala ang mapili kong karne. "Beef only." Tumango-tango na lamang ako saka bumalik sa ginagawa. Tama naman pala ang kinuha ko sa fridge dito sa office niya. Ibinalik nito ang panonood kaya tumigil ako sa aking ginagawa. "Hindi ka ba titigil diyan?" It feels awkward now. Bakit kanina wala naman akong naramdamang ganito? "What? I'm doing nothing, Eliana." He smirked while holding a knife. "Put that knife down, baka mamaya saksakin mo ako." Tumingin siya sa akin habang hawak pa rin ang kutsilyo. "Kailangan ko maghiwa ng patatas at carrots. Para hindi ka na mahirapan." "Lucas, I can manage." "Ehhh baka mahiwa ka." Nag-aalalang sambit nito. "Eh kung ikaw ang hiwain ko. Diyan ka lang at huwag kang magulo." Medyo napalakas ang paghiwa ko ng patatas kaya tumilapon ito sa sahig. "Sorry..." Agad akong umalis sa pwesto para kunin ito nang bahagya siyang humarang kaya sumubsob ako sa kanyang dibdib. Sa lakas ng pagkakasubsob ay napansin kong nakahawak na pala siya sa aking likod. Agad akong tumayo nang maayos at bumalik kung saan ako magluluto. Itinuon ko na lang ang sarili sa paghiwa ngunit hindi ko pa rin maalis sa isip ang paglapit ng katawan ko sa kanya. Nakita kong inilagay niya ang patatas sa mangkok tsaka walang sabing pumunta sa sala. Narinig ko pa ang pag-upo niya dahilan para mag-on ang T.V. Galit? Iwinaksi ko ang naisip na iyon. Matapos kong ihanda ang paglulutuan ay nakangiti akong nagluto. Tumingin ako sa oras at alas sais na pala ng gabi. Grabe, parang ang bilis naman ata ng oras ngayon. Medyo maaga ata akong nagluto ngunit kahit papaano ay hindi ako magugutom. Food is life kaya. "Tapos na ako magluto!" Sigaw ko matapos ang mahigit isang oras ng paghahanda at pagluluto. Pinakiramdaman ko kung papunta ba siya rito ngunit nabigo ako nang mapansing walang taong bumungad sa harap ko. Napabuntong-hininga ako bago alisin ang apron saka pumunta ng sala para sabihan si Lucas na kakain na. Ngunit laking gulat ko nang makitang wala siya sa sala. Inilibot ko ang aking paningin saka naglakad patungo sa banyo. Ngunit nang makarating dito ay wala akong nakitang Lucas. Tumingin din ako sa kabila ng banyo na makikita ang bath tub at shower ngunit kahit isang patak ng tubig ay wala akong narinig. Wala sa sala, banyo, at, kusina. Isa na lamang ang nasa isip ko. Nagdadalawang-isip pa ako kung pupuntahan ko ba ang lugar na ito ngunit tila hindi na nga ako mapakali kaya pumunta na ako sa mismong opisina niya. Nang makarating sa pintuan ay dahan-dahan kong kinatok ang pinto. Ngunit napansin kong hindi ito naka-lock. He let the door ajar! "Hi, may I come in?" Dahan-dahan akong pumasok, sumalubong sa akin ang malamig na hangin na nagmumula sa kanyang opisina. Unang pumukaw sa aking paningin ang malaking painting sa taas ng kanyang kaliwang table. That painting is familiar! Mukhang mamahalin ito at parang may nais talagang iparating ang painting sa akin. Tila nabalot ng kuryusidad ang buong pagkatao ko nang maisip iyon. Iwinaksi ko ang bagay na iyon at ibinalik ang paghahanap kay Lucas. "Lucas?" Mahinang tawag ko ngunit sigurado akong maririnig niya ako. Nagpatuloy ako sa pagtawag ngunit walang Lucas ang sumagot sa mga oras na ito. "Lucas?" Nagbabakasakaling baka sumagot siya. Ngunit nawalan na ako ng pag-asa nang makumpirma kong wala talaga siya. Inisip ko na lamang na baka lumabas at hindi ko lang napansin dahil abala ako sa pagluluto. Ilang minuto ang itinagal ko sa office niya nang maisipan kong umalis na. Nang humakbang ako ay biglang bumigat ang pakiramdam ko na tila'y may ibang bagay akong pasan. Kumirot ang puson ko kaya napahawak ako sa lamesa. I can feel the pain inside, nakaramdam ako ng hilo at panlalamig. Sa sobrang sakit ay wala akong ibang naisipan kundi ang lumabas sa office. Dali-dali akong humakbang hahang nakahawak sa tiyan ngunit sa sobrang pagmamadali ay nasagi ko pala ang vase na nasa mesa ni Lucas at nahulog. Nasapo ko ang aking bibig nang makitang basag na iyon. "Oh gosh!" Sa sobrang lakas ng aking sigaw ay umalingawngaw ang boses ko sa buong opisina. Ang nabasag na vase ay dahan-dahan kong pinulot ang mga piraso nito. "Ang tanga tanga mo kasi, Eliana!" Umirap ako sa kawalan matapos kong sambitin ang katagang iyon na puno ng gigil mula sa aking kalooban. "Hey, what happened?" I heard someone approaching towards me. He quickly grab my arm and suddenly turn his gaze at me. "Huwag mong hahawakan ang bubog, masusugatan ka. Sh*t!" Lucas is acting concern now. Napatitig ako sa kanyang maamong mukha habang nag-aalala ang kanyang tingin sa akin. Bumuntong-hininga ako bago nagsalita. "I'm sorry, Lucas. Nabasag ko yung vase mo, I'm sorry babayaran ko na la---" "Shhhh, don't make any noise, Eliana." Idinampi nito ang kanyang daliri sa aking mga labi. The moment his finger layed on my lips and makes me warmth in a seconds. Ilang segundo ang lumipas bago siya tumikhim saka nagsalita. "Ready na ako kumain, Eliana." Tumingin siya nang may namumungay ang kanyang mga mata habang kagat ang labi. Lumunok ako ng ilang beses at pilit kong sinisink-in sa isip ko ang kanyang sinabi. May kung anong kilabot ang naramdaman ko matapos niyang sabihin iyon. Nagwawala ang isip ko kung bakit gano'n ang salitang sinabi niya sabayan pa ng mga titig na nakatutunaw. "A-Ahh haha sige. T-Tara," pinipilit kong maging kalmado ngunit hindi ko kaya dahil sa mataas na tensyon habang kaharap siya't nakatitig pa. Ngunit hindi ako nagpatinag, sa halip na makipagtitigan lang sa kanya at madala sa mga titig niya, tumalikod na ako sabay hakbang palabas ng opisina at hindi na siya nilingon pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD