CHAPTER SIX
ELIANA
Nang makaupo ako sa sofa ay may narinig akong sunod-sunod na katok sa pinto kaya napatingin ako doon.
"Boss?" Tawag nito habang kumakatok.
"Pasok!" Sagot ni Lucas habang abala sa kanyang laptop.
Tumingin naman ako kay Lucas. Ewan, naiinis pa rin ako sa ginawa niya kanina.
Narinig ko ngang tumunog ang pinto. "Mabuti naman at nakauwi ka na, boss." Panimula nito. Medyo may kalambutan ang boses niya. Alam kong hindi niya pa ako nakikita dahil sa sobrang laki ba naman nitong sofa.
Wala akong narinig na salita kay Lucas kaya narinig kong tumikhim ang lalaki.
"It's thursday tomorrow, you have an appointment with Mr. Montecarlo at 9o'clock in the morning and a meeting with Ms. Hidalgo at 2 o'clock in the afternoon." Ang sabi ng lalaki. Secretary niya ata ito.
"What about Mr. Villanueva?" Kalmado nitong tanong. Sa pagkakataon na ito ay humarap na siya sa kausap.
Gusto ko sanang makita ito ngunit hindi ko maigalaw ang katawan ko.
"Boss..." Ramdam ko ang panginginig ng kanyang boses.
"What? Ano'ng sabi niya? Kailan ang meeting namin?" Nanlalamig na tanong ni Lucas sa kausap.
"Boss, kasi...hindi pumayag si Mr. Villanueva kasi mali raw ang propo---"
"Lintik ka kasi! Anong ginawa mo? You made a mistake, Franco! Sinabi ko sa 'yo na huwag na huwag mong pakakawalan si Mr. Villanueva. I'm so dissapointed."
"Boss, sorry. Ginawa ko naman laha--"
"Lahat? You mean lahat? But why he didn't chose me to do that project, Franco? Bakit tumanggi siya? EXPLAIN!" Doon na mas lumakas ang tono ng pananalita niya.
"Lucas..." Napansin ko na lamang na nakatayo na ako sa sofa. Dahan-dahang tumingin sa akin ang kausap niya at unti-unting nagbago ang ekspresyon nito.
Makikita ang pagtataka sa kanyang mga mata at sa pagbabago ng kurba ng kanyang labi. Nakataas na rin ang kaliwang kilay na parang ini-eksamin ang buo kong pagkatao.
"Who are you?" Nagtataka nitong tanong saka bumaling kay Lucas na may nakakainsultong tingin. Pawang tinatanong siya kung bakit may babae rito.
"Oh, I'm sorry. Franco, this is Eliana, my friend and Eliana, this is Franco, my....ex-secretary." Ang kaninang galit na galit ay napalitan ng pagiging maamo. Ba't ba ang bilis magpalit ng mood ng isang 'to?
"Hi!" He gave me a fake smile while waving his hands instead of shake hands. It doesn't matter, anyway.
“Boss, what do you mean of 'ex-secretary? Am I f-fired?” He look weak at the moment.
"Cancel all my meetings, Franco." Tumalikod ito sa kausap saka bumalik sa pagkakaupo sa shivel chair niya. Ako naman ay tulala lamang habang tinititigan siya.
"Pero, boss. Kailangan nila kayo bukas. Maaapektuhan ang project natin kung hindi sila makakausap. I'm sorry talaga, boss. Hindi na mauulit." Nakita kong tumingin ito sa akin saka ako inirapan. Ilang beses akong kumurap dahil baka namamalik-mata lamang ako.
"You're always dissapointing me, Franco." Hindi siya humarap sa kausap at nanatiling nakaharap ito sa bintana ng office. "I think it's time to find a new secretary." Sa tono ng pananalita ni Lucas ay naroon ang pagiging sigurado niya sa desisyon. Para bang may nahanap na agad siya.
"Boss naman. Parang yun lang? Mas marami akong nagawang ikinabuti ng kompanya. Hindi mo ako dapat tanggalin, Boss." Nagmamakaawang sabi niya. Medyo natawa pa ako sa isip nang sabihin niya ang huling linya.
"Everyone can replace you, Franco. Besides, matagal ka na rin naman dito, it's time to change a new secretary."
"Boss...NO!"
"Pack your things and leave," utos niya sa kausap.
"Pero, boss, wala na akong trabaho." I can see his eyes was full of tears.
"Huwag mo nang hintayin na tumawag pa ako ng guard." Dahil sa sinabi ni Lucas ay nanginginig na ang kanyang buong katawan kasabay ng pagkibot ng kanyang mga labi. Tumalikod ito sabay bumuga ng hangin at mabilis na naglakad papunta sa pintuan saka lumabas at isinarado iyon.
"Bakit mo naman siya tinanggalan ng trabaho at pinalayas pa? Kawawa yung tao. Hay naku, mga lalaki talaga isang pagkakamali mo lang, aayawan ka na."
"What did you say?" Alam ko namang narinig niya ang lahat ng sinabi ko. Tatanong pa, amp.
"Nothing," sagot ko saka bumalik sa pagkakaupo sa sofa. Binuksan ko na lamang ang TV at itinuon ko na lamang ang sarili ko sa panonood.
"Kailangan ko ng bagong secretary," panimula niya. Grabe talaga kapag mayaman, ang bilis magpalit kapag maraming pera. "Pwede mo ba ako tulungan?" I turned my gaze to him. His face was dealing to me to make me comfortable.
"Ano namang maitutulong ko?"
"Hahanap ka ng papalit kay Franco." Mabilis niyang sagot.
"Then?"
"Then what?" Nagtataka nitong tanong habang seryosong nakatingin sa akin.
"You're trying to say na hahanap ako ng taong magiging secretary mo?" Ang funny ng isang 'to. Balak pa akong pagurin.
"Exactly."
"Kung ikaw kaya ang palitan ko." Natigilan siya sa sinabi ko at agad na nagsalin ng wine sa baso at isahang nilagok iyon.
"Joke lang." I gave him a peace sign but his face turned to red.
"Hoy joke lang. Sige, tutulungan kita."
I smiled. He turn his gaze to me.
"Really?"
"But in one condition..." total, maganda naman dito, masarap ang buhay.
"Anything, basta matulungan mo ako."
"Dito na ako sa office mo titira." Ngumiti ako. Hindi ko napansin na ubos na pala ang chips at popcorn na kinakain namin. Naudlot pa tuloy yung panonood namin dahil sa baklang yun.
"But, no. Hindi ka pwede rito. Sa bahay ka dapat mag stay." Alam ko naman na 'yan ang isasagot niya. But, I want him to surprise, duh.
"At bakit naman? Sarili mo namang kompanya 'to 'diba?" Nakasisiguro ako.
"Tsaka, hello? Yung favor mo, sige ka hindi kita tutulungan. Uuwi nalang ak--"
"Okay okay." Tumigil ako sa sinabi niya saka dahan-dahang ngumiti.
"Edi goods pala." Komportable akong humiga sa sofa. Narinig ko naman siyang bumuntong-hininga. "Sarap buhay. Kain, nood at tulog lang."
"Whatever."
"Bukas, I'm sure na makakahanap ako agad." Naramdaman kong papalapit siya sa akin.
"Are you sure?"
"Yes," walang ganang ani ko. Naramdaman ko naman ang pagngiti niya. Lumapit ito nang tuluyan sa akin sabay niyakap ako nang mahigpit. Ilang segundong blanko ang utak ko bago siya kumalas sa yakap.
"Magdilang-anghel ka sana." Hindi na makapaghintay na sabi niya. Siguro ay bibigyan niya ako ng award kung mabigyan ko siya. Well, kahit hindi na. Basta dito ako tumira, okay na.
"Hindi ako anghel. Masama po ugali ko."