CHAPTER FIVE
ELIANA
"Hindi ka naman ba nagsisisi na sumama ka sa 'kin?" Tumingin ako sa kanya bago sagutin ang kanyang tanong.
"Hindi ah. Bakit ko pagsisisihan ang desisyon ko? Kung alam kong ayaw ko, edi hindi ko na gagawin, 'diba?" Tumango siya bilang sagot.
"Gusto mo na kumain? Let's go, let's have some snack." Tumayo siya saka iniabot ang kamay niya sa ‘kin. Agad ko naman itong inabot saka tuluyan kaming naglakad para maghanap ng makakainan.
"Paborito mo ang siomai?" Tanong niya. Tumango naman ako habang sarap na sarap sa pagkain ng fried siomai. Niyaya niya ako sa mamahaling fastfood ngunit sabi ko dito na lang. Ito na ata ang pangatlong kainan na pinuntahan namin.
"Hindi siya nawawala sa top five favorite food ko simula bata ako." Sumubo ako ng isa saka kumuha ulit ng tatlo at nilagay sa paper plate. Grabe kasi pagpupumulit na pumunta kami at kumain dito.
"Ikaw, anong paborito mong pagkain. Hmmm, sigurado ako sosyal ang paborito mo dahil nga mayaman ka." Ngumiti siya habang abala sa pagkain ng siomai.
"No, not really. Pang mayaman ba ang kaldereta?" Nanlaki ang aking mga mata sabay hampas pa ng lamesa.
"Kaldereta? Kaya kitang lutuan no'n. Siguro bilang pasasalamat na rin." Natuwa siya sa sinabi ko kaya pumayag na siya.
Inubos ko na ang natitirang siomai sa lagayan ko at gano'n din sa kanya.
"For sure, ayaw mo pa naman umuwi."
"So, ano pa gagawin natin dito?"
"Let's go back to the car. May pupuntahan tayo."
"Saan ba kasi tayo pupunta?"
Nakabusangot kong tanong habang sumisimsim ng milk tea.
"No more question, My Lady." Kumunot ang noo ko sa sagot niya.7
"Duh, hindi mo ako pagmamay-ari." Mataray na sabi ko saka siya bumaling sa akin habang nagmamaneho. "I'm just asking. Bawal ba magtanong?"
"Magtatanong ka pa ba kung nandito na tayo?" Agad akong napatingin sa paligid. Ang laki! Namamanghang ibinalik ko ang tingin kay Lucas.
"Anong gagawin natin sa kompanyang ito?" He smirked.
"Bibisita tayo," sabi niya saka ako hinila papunta sa loob.
"Good morning, Sir. Good morning, Ma'am." Napatingin ako sa guard na bumati na hindi mawala-wala ang ngiti.
"Good morning," bati ko dito at ibinaling ang tingin kay Lucas.
Ngunit hindi niya ito pinansin o binati man lang at nagpatuloy lang sa paglalakad. "Ba't hindi mo man lang binati yung guard?" Tanong ko saka siya tumigil sa paglalakad.
"It's not my job." Tila naging maamo ang kanyang dating nang sabihin iyon. Saka siya nagpatuloy. Napasinghap nalang ako nang mapansin kong lahat ng makasalubong namin ay binabati siya ngunit tila hangin lamang ito para sa kanya.
Sa bawat sulok ng lugar ay lahat sila nakatingin sa akin. Nakaramdam ako ng hiya. Yung iba naman ay matalas akong tinitignan saka iirapan. What's going on?
Nang makaliko kami sa isang hallway ay bigla siyang nagsalita.
"'Diba lulutuan mo ako ng kaldereta?" Natawa ako sa tanong niya. Hindi niya talaga nakalimutan.
"U-uhmm, yes. Gusto mo ngayon na agad." Tumigil siya sa paglalakad. Nasa labas ng elevator na pala. Nang makapasok kami ay pinindot niya ang 4th floor.
Tahimik lang kami sa loob ng elevator. Walang iimik at hindi komportable ng eksena.
Wala naman kami nakasabay na tumaas sa 3rd floor dahil siguro ang mga impleyado ay nasa 1st and 2nd floor. At siguro dahil maarte rin ang kasama ko. Nang makalabas ay bumungad sa akin ang isang napakagandang office. Is this the office of the CEO? Ganito kasi lagi nakikita ko sa T.V or kahit sa mga kwento na mabasa ko. Pero, bakit naman nag-iisa lang ito sa 4th floor. Kadalasan kasi ang office of the CEO's ay napapagitnaan ng marketing and sales
office.
"So, you're the CEO of this company?" Sabagay, hindi na rin ako magtataka, sa yaman niya ba naman matapos makita ang mansion. "Edi wow."
So, he is a billionaire?
Lucas own this company!
I was too exaggerated, maybe. Hindi na dapat ako magtataka pa dahil may sarili rin siyang yate at yung mansion nila ay sapat na para sa akin na tawagin siyang mayaman.
Tumingin siya sa akin ngunit hindi ko na siya pinansin dahil abala na ako sa pagmasid sa kabuuan ng office. Hindi lang ito office, kundi parang isang buong apartment na ata 'to sa sobrang laki. There's a living room, kitchen, and room. Parang ang sarap naman tumira dito habambuhay.
“Yes. Pwede ka rin mag apply maging secretary ko,” he said while pointing himself.
“Excuse me? Kaya mo ba ako dinukot dahil gusto mong akong maging secretary?” Ngumuso ako saka tumingin sa kanya nang masama. Narinig ko naman mahina niyang tawa ngunit sapat lamang ang lapit ko sa kanya upang marinig iyon.
“Did I kidnap you? Ang alam ko lang ay kusa kang sumama, hindi ko lang lubos akalain na sasama ka talaga.” Pinagsiklop niya ang dalawang kamay habang nakaupo sa kanyang shivel chair.
Pinandilatan ko na lamang siya saka ibinalik sa paglilibang.
May mga litrato na nakalagay sa kanyang open cabinet. It is a picture of him holding a coconut juice. Naka-topless lang siya kaya sumilay ang kanyang six-pack abs, narinig ko ang sariling paglunok hanggang sa hindi ko namalayang hinawakan ko na pala ito.
“You‘re staring at my picture, huh? So, I’m attractive to you?” Agad kong ibinalik ang kanyang picture sa lalagyan. Sa puntong ito ay gusto ko na lamang lamunin ng sahig na inaapakan ko nang pasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
“Hindi ah! Familiar lang yung place sa picture mo. Sa Mariveles ba yun?” Nilakasan ko ang loob kong tanungin siya kahit alam ko naman na hindi sa Mariveles yun.
“Sa Boracay ‘yan, Eliana. That was two-years ago,” nakakalokong aniya saka sumilay na naman ang kanyang ngiti.
Sunod-sunod na lunok ang ginawa ko nang makita kong papalapit siya sa akin. Para bang nag-iba na naman ang awra niya. Napalitan na naman ng nanunukso ang seryosong tingin kanina.
“Stop that acting, Eliana. I know that you‘re fantasizing me.”
“Ang kapal naman talaga ng mukha mo. Hindi kita pinagpapantasyahan!”
"I want you to be my secretary," seryosong aniya.
Akala niya naman madadala niya ako mga ganyan niya para maging secretary niya ako. Hindi, ano!