CHAPTER 4
ELIANA
I was about to go outside of this mansion when suddenly he grabbed my arm and spoke.
“Eliana pala pangalan mo?” Nakita kong sumilay ang kanyang ngiti.
“Oo, bakit ngiting-ngiti ka diyan?" Nakangusong ani ko.
"Well, your name is not boring, you know. Bagay sa ‘yo." Pang-iinis niya. Naalala ko ang sinabi ko na ang boring ng pangalan niya. Paano naman kasi, ang common talaga.
“Tsk...” Pinandilatan ko na lamang siya.
"I'll call you 'Eliana'." Mahinahong sabi niya.
"Hala! Close tayo?" Nakaiinsultong tanong ko. Umigting ang kanyang panga matapos kong sabihin iyon.
Sa isang iglap lang ay hindi ko inaasahan ang kanyang gagawin. He quickly grabbed my waist. My face flushes as I regain conciousness and to my surprise, I can feel his skin starts heating up because I feel him looking at me.
"Yes. Wanna be more close to me?" He said in seductive tone of his voice until a dangerous smirk appear in his face. I want to pinch my skin to see if it is true.
"L-Lucas, sabi mo aalis tayo. T-Tara na?" Lumunok ako ng laway. Ang sabi niya kasi ay pupunta kami sa isang sikat na mall dito. Nagwawala ang aking isip sa ngayon. Mabuti nalang ay dahan-dahan niya akong binitawan. Umiwas ako ng tingin dahil kung hindi ay baka matunaw na ako sa mga titig niya.
"Oh, I'm sorry. Let's go." Nakahinga ako nang maluwag nang tuluyan niya nang inilayo ang kanyang sarili.
"Tell me about yourself." Hindi pa umiinit ang pwet ko sa upuan ng kotse niya ay yun agad ang tanong na sumalubong sa akin.
"Pwede ba, uupo muna ako nang maayos. Noong nasa yate tayo, ang sabi mo introduce myself tapos ngayon tell me about myself? Ang totoo, teacher ka ba? Well, hello, Sir!" Pabagsak kong inilagay sa harap ko ang aking sling bag. Naramdaman ko namang tumingin siya sa akin habang ni-re-ready ang sasakyan.
"Puro ka naman reklamo. Gusto lang kita makilala nang lubusan. Total, tinulungan mo ako." Nasa harap ang kanyang tingin. Tuluyan nang umandar ang kotse.
"Well, wala namang thrill ang buhay ko pati na rin ang pagkatao ko." Nakatingin ako sa sign sa labas.
Grabe, nakasakay na kami sa kotse pero kalalabas palang namin sa gate ng mansion? Parang pinapamukha talaga ng lalaking 'to kung gaano sila kayaman.
"Edi bigyan natin ng thrill kahit ngayon lang." Nakakatuksong aniya. "What do you mean?" Tanong ko habang nakatingin sa daan.
"Let me show you up, later." Pakasabi niya no'n ay biglang bumilis ang takbo ng sasakyan. Agad akong nalula saka naisipang matulog muna.
“Malayo pa ba tayo?” I asked while rubbing my eyes. Nakatulog ako sa byahe at hindi man lang ako ginising ni Lucas.
“We‘re here.” He parked the car in the parking lot. He immediately went outside to open the door for me.
“Gentleman ka rin pala, ano?” Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.
I watch his hand as he hold my hand for me to go outside.
“So, we‘re here,” he said so I turned my gaze on him. I saw him smiling while looking at the big sign.
“Welcome to Mall of Asia,” he added.
“Wow, ang laki!” Tila umigting ang tenga ko sa lakas ng boses ko. Ganito pala sa Manila, maraming mga gusali ang makikita.
“Let’s go?” Nakangiting sabi niya saka kinuha ang kamay ko. Alam kong nakita niya pa ang pagkagulat ko noong una ngunit hindi niya na lang inintindi iyon dahil mas lamang ang excitement sa kanya.
“Hoy ang daya mo naman! Inuunahan mo ako eh!” Nakabusangot kong sabi kaya tawang-tawa naman siya habang pinagmamasdan akong nagrereklamo. Babatukan ko na sana siya ngunit umilag ito.
“Ayusin mo kasi ang pag-shoot.” We‘re playing basketball here in arcade. Inirapan ko lang si Lucas saka tumira at——yun, hindi naka-shoot.
“Ayoko na nga!” Napakamot siya sa ulo dahil sa pagsigaw ko. Agad akong umalis kaya naramdaman kong dali-dali itong sumunod.
I don’t know where I am going. At nang makalabas ako sa arcade ay dumiretso ako sa katapat na store. Pumasok ako roon kaya mas binilisan niyang maglakad, bakit ba ang bilis maglakad ng lalaking ito? Mukhang maaabutan niya pa ako.
Pumasok ako sa National Book Store saka tumingin ng mga gusto kong bilhin na libro.
“Mahilig ka pala magbasa.” Napaigtad ako sabay lingon sa gawi niya ngunit nagpatuloy pa rin ako sa paghahanap. “If you don’t mind, I love reading, too. Marami akong libro sa bahay at office.”
Agad akong natigilan. Siguro ay nakuha niya ang kanyang interes ko dahil sa sinabi niya.
He stared at my face. Maliwanag pa sa araw ang kanyang mukha. “Talaga?” Tumango siya bilang sagot.
“Gusto mo bang makita? Pwede mo yun basahin lahat. But before that, pumili ka na ng mga libro diyan na gusto mong bilhin.” Nag-iba ang ekspesyon ng kanyang mukha.
“Wala akong sapat na pera para diyan.”
“Ako ang magbabayad.”
“Eh kasi, Lucas, nakakahiya naman.” Kumikibot-kibot pa ang labi ko matapos sabihin iyon.
“I can buy all the books you want. Sige na.” Wala na akong nagawa nang kumuha na siya ng tray na paglalagyan niya.
“Ako rin ang magdadala.” Pinakita niya sa akin ang tray at bigla na lamang akong umiling-iling habang natatawa.
“Okay na ‘yan.” Nakangiting ko niya sabay tinapunan ng tingin ang tray na hawak niya.
“Eliana, hindi pa nga ako nabibigatan. Kumuha ka pa nang marami.” So, he can handle the tray with my one hand. Halos mabigla ako sa sinabi niya.
“Lucas, okay na ‘yan. Sayang ang pera.”
“Ako ang magbabayad. I can buy what you want, Eliana.”
Nang makapagbayad na siya sa counter ay naramdaman kong naiihi ako.
“Lucas,” I called him. Tumingin naman siya sa akin.
Nakakita ako ng upuan sa gilid. “Let me excuse my self.” Tinuro ko ang comfort room. “Stay here, madali lang ako.” Tumango naman siya naman siya umupo at itinabi sa kanya ang mga libro.
Nang tuluyan akong makalabas ay wala na akong nadatnan. Luminga-linga ako sa paligid baka makita siya. Ngunit lumipas ang limang minuto ay walang Lucas ang nagpakita. Nawawalan ako ng pag-asang umupo kung nasaan si Lucas kanina.
But suddenly, there he is, approaching towards my direction. He is holding something. “I’m so sorry. Nainip ka ba?” he asked while holding a necklace.
“I bought this for you.” Ipinakita niya ito sa akin. It is a necklace with a pendant sun design. Tumalikod ako para maisuot niya ito. I smiled while holding the necklace.
“You like it?”
“No, Lucas. I love it.” He smiled after hearing those words. The beats of my heart becomes faster while holding the necklace. “Thank you.” Hindi ko alam kung bakit niya ako binigyan nang ganito ngunit hindi ko naman minamasama; siguro ay pasasalamat niya na lang dahil sa ginawa ko noong lasing siya.
But, I can’t help my self from beating my heart so fast. Kasama ko nga si Lucas, ngunit hindi ko pa naman siya lubusang kilala.
I stared at him and smiled.
“Sana maalala mo ako dahil dyan kapag hindi mo ako kasama,” he said while pointing the necklace.