CHAPTER 3

1048 Words
CHAPTER THREE ELIANA NARITO na kami sa loob ng yate at hindi pa rin ako makapaniwala na nakasakay ako rito. "Hanggang ngayon ay hindi mo pa sinasabi ang pangalan mo." Pagmamaktol niya kasabay ng pagsuot nito ng jacket. Umupo ito sa isang sofa tsaka sumimsim ng kanyang tsaa. Hindi ako sumagot. Nais ko lang damhin ang lamig na nagmumula lamang sa loob ng yate. Gusto kong makita ang dagat ngunit nabigo ako nang maisip kong gabi na pala. "Hindi mo rin naman sinasabi pangala--" "Lucas." Hindi niya na ako pinatapos at binigyan niya ako ng nagagalak na tingin. "Lucas pangalan mo?" Nagtataka ko pang tanong. "Yes, you have a problem with that?" "Ang common naman ng pangalan mo. Walang thrill." Nakabusangot kong sabi sabay humigop ng kape. He smirked. Napatingin naman ako sa kanya. Hindi naman siya nakasagot kaya bumaling ito sa labas. "Can you please introduce yourself?" Tumingin ako sa kanya. Nakita kong nasa labas pa rin siya nakatingin. "Why would I? Nasa school ba tayo? Teacher ka ba para utusan ako nang ganyan?" Inirapan ko siya kahit nakatalikod ito at alam kong hindi naman ako nakita. Tumikhim ito ngunit ibinalik ko ang aking sarili sa pag-inom ng kape. "I just wanna know what name behind that beautiful face you have." Uminom siya ng tsaa. Lumunok ako ng laway. "Sinasabi ko na nga ba at spy ka!" Sigaw ko kaya medyo tumulapon ang tsaa sa kanyang bibig. Tumingin ito sa akin. His gaze makes me silent. "Paano kung sabihin kong spy nga ako, anong gagawin mo?" Inilapag niya ang tasa ng tsaa saka umupo sa sofa. Ngayon ay libo-libong kaba ang aking naramdaman dahil magkaharap na kami ngayon. Sobrang lapit ng aming mukha sa isa’t-isa at kaunting galaw ay pwedeng dumikit ang mga labi namin. Ako na lang ang umiwas at nanahimik sa kinauupuan. ••• Nagising ako sa ingay na nagmumula sa likod. Gosh, nakatatamad bumangon. I groaned. I'm trying to open my eyes and try to move but suddenly my back hurts. I was about to move my body but I fell. Nadoble ang sakit ng katawan ko matapos mahulog sa sahig. Doon lang ako natauhan. Bakit nasa kotse ako?! "Thanks, I felt relieved." Para akong baliw na nakahawak pa sa dibdib nang sabihin iyon. Bumalik ako sa katinuan nang maalala kung nasaan ako. Bakit ako nandito? Sino ang nagdala sa akin dito? Shock! That man! I know I'm with him before. Tuluyan akong bumangon para hanapin ang lalaking kasama ko. Pilit kong inaalala ang pangalan niya ngunit sumakit lamang ang ulo ko. Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang may biglang kumalabog sa likod ng sasakyan. Nang silipin ko iyon ay nakita kong nakatingin ito sa akin at gulat sa nakita. "Whaaa sino ka?" "Sino ka rin? I'm looking for u-uhmm..." What the heck! I can't remember his name. "What's happening here, Margarete?" Isang pamilyar na boses ang aking narinig kaya lumingon ako kung saan nanggaling iyon. "Sir Lucas, may babae po sa kotse. Nagulat nalang po ako nang makita siya." Tinuro niya ako. Tsk...Lucas. Salamat naman at naalala ko na ang pangalan niya. Tumingin sa akin si Lucas nang walang ekspresyon. "Did you sleep?" Mababakas ang pag-aalala nito sa akin. Nakita ko namang sumimangot ang babae kanina. "Yes, at gusto ko pa matulog." "Sure. Let’s go?” "Thanks," simpleng sagot ko. Bumaling naman ang tingin ko sa babae. Naguguluhan man ay nagbigay galang muna ito bago umalis. "Welcome to Sandoval Mansion," matapos niyang sabihin iyon ay napalunok ako ng laway. Nagsitaasan ang mga balahibo ko at parang nanginginig ang aking mga binti na animo'y ayaw humakbang. Mansion. Ang yaman! 'Sandoval Mansion' nga ang nakalagay sa taas ng gate. Nang makapasok kami sa gate ay akala ko yun na ang kanilang bahay. Ngunit napahiya ata ako sa sarili kong naisip dahil hindi ko na alam kung saan na kami patungo dahil sa sobrang laki at layo ng nadadaanan namin. Grabe, kung tutuusin isang subdivision na ito sa sobrang lawak. Hindi ba sila naboboring sa ganitong tirahan? "Anong iniisip mo?" Nasira ang pag-mo-moment ko dahil sa tanong niya. "Nothing. Malayo pa ba tayo?" Umiling ito. Niliko niya ang kotse sa kaliwa at naroon ko nakita ang isang napakalaking bahay. First time ko makakita sa personal ng ganitong kalaking bahay. Makikita talaga sa hulma ng bahay ang pagiging magarbo nito. Mansion na mansion ang datingan. Inilibot ko ang aking mata sa paligid. "Good morning, baby. What happened to you? Ba't umuwi ka agad?" Namilog ang aking mga mata sa babaeng sumalubong kay Lucas. The lady was in mid 50’s, but her beautiful face makes her look like in 20’s. "Mom, I don't want any vacation. I'll stay in my office and I want to work," sabi ni Lucas saka lumingon sa akin. Libo-libong kaba ang aking nararamdaman sa ngayon. Hindi ko alam kung paano ito babatiin at kauusapin. "Ow, there is a lovely girl. Hi! What’s your name?" Nakaawang lamang ang aking bibig habang tinititigan ang magandang babae sa harapan namin ni Lucas. "A-ahh... G-Good morning po. I’m Eliana Addison po." This is an awkward moment and I want to disappear. Nang sabihin ko iyon ay nag-iba ang timpla ng kanyang mukha. Yung ngiti kanina ay napalitan ng pagkunot ng noo. Hindi rin nakatakas sa akin ang kanyang mga mata nang pasadahan ako nito mula ulo hanggang paa nang ilang ulit. What’s happening here? This is totally awkward. Nakahinga lamang ako nang maluwag nang tumikhim si Lucas. Agad itong tumingin sa kanyang anak saka inilipat ang tingin sa akin na parang may mali akong nasabi. Pumunta kami sa dining table dahil sakto ang pagdating namin dahil nakahanda na ang agahan. Tahimik lamang kaming kumakaing tatlo at tanging tunog lamang ng kutsara at tinidor ang naririnig ko. Narinig kong inilapag ni Mrs. Sandoval ang kubyertos. Nilunok ko agad ang nginunguya ko saka marahang tumingin sa kanya na nakatitig na pala sa akin saka ngumiti nang pilit. “Kaya ka ba bumalik dito because of Melody?” Malambing na tanong nito kay Lucas ngunit nasa akin ang kanyang tingin. Who’s Melody? Maybe she’s Lucas’ girlfriend. “Please, don’t talk about her, mom,” walang ganang sabi ni Lucas saka ibinalik ang sarili sa pagkain. Who is Melody in Lucas’ life? Bakit parang gustong-gusto siya ng nanay ni Lucas?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD