CHAPTER TWO
ELIANA
Sabado ngayon kaya agad kong tinipon sa isang tray ang mga labahan. Pati na rin ang mga damit ng aking pinsan. Lagi naman silang nagpapalaba sa akin, hindi naman ako kasambahay.
Bakit ba ganito ang trato nila?
'Kumusta na kaya yung lalaki kahapon? Okay lang ba siya?'
Agad kong iwinaksi ang naisip na iyon. Naiinis pa rin ako sa inasal niya kagabi. Kahit naman lasing siya, alam niya ang ginagawa niya.
“Oh, ito pa!” Narinig ko ang tinig ni Angelica kasabay ng pagbato niya ng labahan sa planggana.
“Bilisan mo! Gagamitin ko ‘yan bukas,” maarteng dagdag niya.
Humigpit ang aking hawak sa damit na sinasabon ko.
Lahat na lamang ginagawa ko. Sawang-sawa na nga ako sa sermon ng tita ko, dagdagan pa ng mga pinsan ko.
Ganito siguro ang buhay kapag nakikitira lang.
Ipinagpatuloy ko na lang paglalaba nang may marinig akong ingay sa labas.
Halos mahulog ako hagdan nang makitang tao.
'May tao!'
'Lalaki?!'
Pamilyar ang lalaking nakatalikod sa bahay ngunit hindi ko matandaan kung saan ko nakita. Sino ang lalaking ito at bakit nandito siya sa bahay?
Nag-uunahang ang tanong sa aking isipan. Kukunin niya ba ako? Kikidnapin? Ayoko!
Muli kong ibinaling ang paningin sa lalaking nasa labas. Dahan-dahan itong humarap at tumingala siya habang nakangiti.
Doon ko napagtanto na ito yung lalaki kahapon. Siya nga! Based on his aura, he’s okay now.
His exquisite smile shown up and makes me anxious.
"Hey! Get down," utos nito habang nakangiti pa rin. Hindi ba siya nangangalay kakangiti?
"Sino ka? Bakit ako sasama sa 'yo, hindi naman kita kilala." Pumusngak ito ng tawa.
Kinurot ko ang sarili dahil baka nananaginip lamang ako ngunit nagsalita ulit ito.
"I thought you want to go in Manila." Tinuro niya ang liwanag na nagmumula sa silangan.
Paano niya nalaman?
"English ka naman nang english, nasa Pilipinas naman tayo, pwede ba mag-tagalog ka nalang?" Inis akong umirap sa kanya.
"Bumaba ka na. Dadalhin kita sa lugar kung saan kakalma ka." Kumurap-kurap ako nang ilang beses. Tila aking pino-proseso ang narinig.
"Anong ibig mong sabihin? Baka iligaw mo lang ako, o kaya kidnap-in. Lumayo ka nalang dito at huwag na babalik." I was about to close the window but he suddenly spoke.
"Oh alam ko takot ka pero, mas masarap kasama ang taong hindi mo kakilala, you know." He pissed me off. Trying to convince me in his words.
Baka nakainom na naman ‘to?
"Paano ako magsasaya kung una palang sa buhay ko ay hindi ko naranasan makiusap sa hindi ko kilala? Hindi ako sumasama sa hindi ko kakilala. Hindi ako sasama sa ‘yo.”
"Talaga? Baka magsisi ka. Alam kong gusto mong makapunta sa Manila." Paninigurado nito.
"Paano mo nalaman?! Walang tao ang nakaaalam nyan maliban sa kaibigan ko. Siguro spy ka, ano? Pinadala ka ng isang sindikato at minamanmanan mo ang mga taong nandito." Nanliit ang mga mata ko habang dinuduro siya.
"Hindi ako sindikato. Hindi ako masamang tao. Halika, bumaba ka at ako'y makikilala mo," he spokes manly. Parang galing siya sa panahon ng mga kastila.
"Ano ka, sikat at kailangan kitang makilala? Hello, isa ka lang namang hamak na bakasyonista."
"Sige. Kung hindi ka sasama sa akin. Mauna na ako ah. Nice to meet you, Lady." Medyo lumungkot ang tono ng boses niya.
May nasabi ba akong mali? Sinabi ko lang naman ang totoo. Hindi ko siya kilala. So, why go with him?
Ano kayang trip ng lalaking ito? Mukha ba akong malandi at naisipan niya na ako ang kunin. Akala niya ata madadala niya ako sa mga salita niya. Bwisit.
Tumingin ako sa susi na aking hawak. Ibabalik ko na sana sa dati ang susi nang mapagtanto kong paano kung susi pala ito ng pinto?
Umiling ako.
Alam kong dala nila ang susi ng bahay.
Unti-unti na siyang lumalayo.
Kasabay ng paghakbang ay ang alon ng dagat na pumapagaspas.
Nalilito ako.
Paano kung totoo nga ang sinabi niya?
Kapag sumama ba ako ay makikita ko na ang matagal ko nang inaasam?
"T-Teka lang..." Agad siyang tumigil sa paglakad ngunit hindi ito lumingon.
Kailangan ko ba talagang sumama. In fairness, may itsura siya, malaki ang katawan at...
"S-Sasama na ako, sa 'yo." Matapos kong sabihin iyon ay agad siyang lumingon. I see the smile in his face. And his eyes dancing like what waves can do.
"Talaga? Tara na." Nawiwiling aniya. Naglakad ito papunta sa bahay.
"Itong susi." Itinaas ko ang susi na aking nakita kanina.
"Para saan?"
"Hindi mo ba napansin? Locked ang pinto sa baba oh." Tinuro ko ang pinto ng bahay kaya agad siyang tumango.
"Give me that." Hindi na ako nagdalawang isip na bitawan ang susi. Luckily, nasalo naman niya ito at agad na pumunta sa pintuan.
Ako naman ay bumaba na papuntang sala. Mas binilisan ko ang kilos ngayon dahil anumang oras ay baka may makakita sa amin.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto. And guess what? Bumungad siya sa akin nang nakangiti....na naman?
"Ba't ba ang hilig mo ngumiti? May saltik ka ba?" Tumawa lang ito habang sinasarado ang pinto.
"Nothing. I just want to thank you for trusting me——and also for saving me yesterday." Ramdam ko pa rin ang ngiti niya habang sinasabi ang katagang iyon. Sumusunod na siya sa akin. Maya't-maya pumantay na ito sa paglalakad.
"Mukha namang maayos ka na ngayon kesa kahapon, tsaka hindi ako nagtitiwala. Gusto ko lang makapunta roon, kung talagang nagsasabi ka nang totoo." Tumingin ako sa dagat. Ramdam ko ang lamig na dumadampi sa aking balat.
"Bakit nga ba gusto mo pumunta sa syudad? May gusto ka bang makita doon? Malaman? Makasama? Makapiling?" Napapikit ako sa kawalan.
"Bakit ba ang dami mong tanong?" Luminga-linga ako. "Saan ang sasakyan natin?" Naiinip kong tanong.
"Ano ba 'yan. Parang ayaw mo akong makausap man lang. Bayad ko na rin sa ‘yo dahil tinulungan mo ako." Tumingin ako sa kanya at siya'y tumigil sa paglalakad.
"We're here," sambit niya at proud na pinakita ang isang yate. Napamaang ako ng ilang segundo bago bumalik sa katinuan.
Bakit ba ang kulit niya?
"Teka? Sa 'yo 'yan?" Tumango siya saka ngumiti. Bigtime!
"Oh ano pang hinihintay mo, tara na." Hinila ko siya papunta sa yate ngunit nagtataka ako kung bakit hindi siya gumagalaw. "Bakit?"
"Hindi ka ba mahihilo sa byahe?"
Umiling ako. "Hindi. Baka ikaw pa ang mahilo dahil lasing ka kahapon, buti hindi ka sumuka."
"I’m so sorry for that, hindi ko napigilan ang sarili kong hindi uminom. Tara na." He's weird.
I’m with a stranger! May kung anong pahiwatig ang nararamdaman ko ngayon; na parang kailangan kong sumama sa kanya.
Lumingon ako sa bahay. Muli kong naalala ang lahat. This time, ako naman. This time, gusto ko maging masaya.
This time, gusto kong maging malaya.
'Paalam, Mariveles.'