CHAPTER 1

1089 Words
CHAPTER ONE ELIANA  Nakatulala lamang ako sa mensaheng s-in-end ko kay Matthew. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan ko pang makipagkita sa kanya matapos ng nangyari. Matthew is my ex-boyfriend for two years. Naghiwalay kami dahil ayaw ng pamilya niya sa akin dahil isa lamang daw akong hampaslupa. What will I expect? They are rich. Sinabi kong magkita na lang kami sa plaza dahil todo talaga siya mangulit. Pagkarating ko sa plaza ay nakita ko siyang nakaupo sa labas ng isang coffee shop. Tumayo agad siya nang makita ako saka iginiya ako sa harap niya upang maupo. Ngunit nanatili lamang akong nakatayo. “Ana, please, come back to me, please.” Bahagya siyang lumapit at hinawakan ang aking braso gamit ang magkabilang kamay. Nagmamakaawang bumalik ako na alam kong hindi ko na gagawin. “Matthew, listen to me,” puno ng awtoridad kong sabi. Medyo lumuwag ang kanyang pagkakahawak at lumamlam ang mga mata niya. “Please, stop bothering me. I want you to stay away from me, Matthew.” “Ayoko, please give me another chance. Ipaglalaban kita sa mga magulang ko,” nagmamakaawang sabi niya. Ngumiwi ako nang narinig ko iyon. “Edi sana noon mo pa ginawa, kung mahal mo ako edi sana hindi mo hinayaang pagtabuyan ako ng mga magulang mo.” Pinigilan kong hindi pumiyok. “Kung alam ko lang na gano’n ang mangyayari ay sana hindi na lang kita minahal,” puno ng pait kong sabi. “Gagawin ko lahat, Ana, ngayon ay ipaglalaban na kita, pangako ‘yan.” Ngumiwi ako sa sinabi niya na halos isuka ko ang lahat ng pangako naming dalawa noon. “Hindi na kailangan, Matthew. Hindi na rin kita kailangan. Kalimutan mo na ako at sana maging masaya ka kahit wala ako, dahil yun din ang ginagawa ko,” nakangiti kong sabi at humakbang papalayo sa kanya ngunit agad niyang kinuha ang aking braso. “Aray ko, Matthew, nasasaktan ako. Bitiwan mo ako!” “Hindi na ikaw ang Ana na minahal ko. Bakit ka ba nagbago, ah? May mahal ka na bang iba? Sa tingin mo ba ay maipagpapalit mo ako sa iba?” Biglang nandilim ang kanyang mukha at bakas sa boses niya ang pagbabanta. Mas humigpit ang kanyang hawak. Tumingin ako sa paligid at lahat sila ay nanonood sa palabas namin ni Matthew. “Huwag na huwag mo akong babastusin sa harap ng maraming tao dahil wala kang karapatan gawin yun at mas lalong hindi na ikaw ang mahal ko!” Agad siyang tumingin sa paligid at ipinagpasalamat ko iyon dahil medyo lumuwag ang kanyang kapit sa braso ko at agad ko iyong natanggal. “Hindi pa ako tapos, Ana! Magkikita pa tayo at sisiguraduhin kong mapapasaakin ulit!” Unti-unting humihina sa pandinig ko ang kanyang sinabi habang palayo ako nang palayo sa pwesto namin. Bumuga ako ng malalim na hininga. That’s unbelievable! Kailang niya pa nagawang saktan ako? Agad akong sumakay sa tricycle na nakaparada sa tapat ng plaza para makauwi na. Ilang beses akong bumuntong-hininga dahil sa nangyari. Hindi ko inaasahang gano’n ang gagawin niya. Pagkababa ko ay bumungad agad sa akin ang magandang Isla ng Mariveles. Kasabay ng sikat ng araw na malapit nang lumubog at ang alon ng dagat malapit sa tinitirahan ko. Ngunit imbis na sa bahay ako dumiretso, pumunta muna ako sa dalampasigan para magpahangin, masyadong kumulo ang dugo ko sa nangyari kanina, hindi ako makapaniwala na gano’n na ako i-trato ni Matthew. Namilog ang aking mga mata matapos lunginin ang isang lalaking pasuray-suray sa hindi kalayuan. May dala itong bote ng alak at nilalagok ito. Agad akong kumaripas ng takbo nang bigla itong natumba, nabasag ang hawak nitong bote dahil tumama sa malaking bato. Nang makalapit ay agad kong inalalayan ito, tinignan ko ang kamay niya na puno ng dugo kagagawan ng nabasag na bote. “Ano ba ‘yan, kung minamalas nga naman.” Hindi ko maiwasang magreklamo. Mabuti na lang ay may panyo akong dala kaya kinuha ko ang kanyang kaliwang kamay saka itinali ito sa dumudugong kamay. “Hoy! Tumayo ka na dyan at aalis na ako.” Niyugyog ko na ang kanyang katawan ngunit hindi pa rin gumagalaw. Hala! Patay na ba siya? Nilakasan ko ang pagyugyog at tila malaglag ang panga ko nang tumambad ang gwapo nitong mukha. Tila na estatwa ako ng ilang segundo, mabuti na lang ay narinig ko ang pagdaing nito at natauhan ako. Lumingon ako sa kubo na malapit sa amin saka naisipang dalhin ang lalaki roon. Agad kong kinuha ang braso ng lalaki. Ngunit parang nagbubuhat ako ng isang higante sa sobrang bigat nito. Puwersahan ko siyang ini-upo sa mahabang upuan ng kubo. Ipinagpag ko ang dalawa kong palad saka pagod na pagod na tumayo. “Mauuna na ako, ha? 6pm na eh, mapapagalitan ako ng tita ko kung babantayan pa kita rito. Wala ka bang kasama?” tanong ko sa kanya na animo’y maririnig niya naman. Suminghap ako saka tumingin sa paligid, nagbabakasaling may mapadaan. Hahakbang na sana ako nang hinigit nito ang kamay ko papunta sa kanya. Halos mapasandal ako sa kanyang braso sa lakas ng paghigit niya sa akin. “Stay here...” Pagkasabi niya no’n ay sumulyap ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko. “Please, stay. Thank you for saving me.” Nakaramdam ako ng awa nang makita ang itsura niya. Halata ngang lasing siya dahil sa namumulang mukha at mapupungay na mga mata. “Kung mananatili rin naman ako rito, ayoko. Sa Manila ko gusto, ano?” Pagtataray ko na animo’y nakikita niya. Ano bang gagawin ko? “Hoy! Hindi ko alam ang gagawin sa ‘yo kaya mauuna na ako, tsaka kasalanan mo naman na nalasing ka!” Akmang tatalikod na ako ngunit agad niya akong hinila papunta sa kanya kaya nasubsob ang mukha ko sa kanyang dibdib. “Aray ko! Nananadya ka ba? Lasing ka na nga, may balak ka pang gahasain ako!” sigaw ko dahilan upang magmulat nang tulyan ang kanyang mga mata. “Thank you, my sunshine,” nanghihinang bulong niya nang bigla na lamang siyang sumandig sa aking balikat. Naiilang kong tinatanggal ang ulo niya ngunit napakabigat nito. Napapikit ako nang mariin at sumigaw nang makita ko kung ano ang ginawa niya. “Bakit ka naman sumuka sa damit ko?!” Inis akong isinandig siya sa kahoy saka nandidiring tumayo. “Alam mo, nananadya ka na, eh. Bahala ka sa buhay mo!” Inis kong nilisan ang lugar kung nasaan siya at tuluyan nang umuwi. Grabeng lalaking yun! Magbabayad siya sa ginawa niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD