Eight years later... "Promise po," nakangiting wika ni Rave habang nakataas pa ang kanang kamay upang mas mapatibay ang pangako nito sa kaniyang asawa at mga anak. Nakabusagot naman ang mukha ni Zack habang pinagmamasdan ang inubos na chocolate graham float ng ama. "I hate you, daddy!" naiiyak na sambit nito dahil hindi pa rin makapaniwalang inubos ni Rave ang pagkaing itinago niya sa pinakailalim na parte ng fridge. Natawa naman si Fin nang excited na tumakbo si Zerene papunta sa kaniyang ama. Madali niya itong niyakap ng mahigpit habang nakatingin sa kapatid. "You're such a crybaby, Zack. Mommy will make tons of that. Di'ba, mommy?" pangungulit nito sa kaniyang mommy gamit ang medyo maarteng tono. Lumapit naman si Fin sa kinatatayuan ni Zack na naiiyak na dahil sa sinabi ng kapatid

