[Infinity's POV] Minsan ko nang nabasa ang mga katagang, "Second chances are not given to make things right but are given to prove that we could be better after we fall. Our strength lies in the deepest part of our soul, somewhere we can't see or touch. Yet, we can feel it and make other's feel it. Love is truly magical and amazing." at palagi ding sinasabi sa mga teleseryeng napapanood ko, "Love is sweetest the second time around." Nagawa kong magbingi-bingihan sa lahat ng 'yon dahil sa sakit na dinanas ko noong nagkalamat ang aming relasyon ni Rave. I assumed too much. I thought our paths will never cross again, mayaman man ang aking ex-boyfriend pero sapat na ang effort na ginawa ko at ng aking pamilya upang matahimik na ang aming mundo. Nangarap lang ako, isang pangarap na hindi nam

