Pinangatawanan ni Fin ang sinabi sa kaniya ni Rave. Gusto nitong maging parte siya ng lahat ng desisyon na gagawin ng asawa kaya kelangan nitong makinig sa kaniya kung paano ang magiging treatment nila sa magkapatid na mag-aalaga ng kanilang resort. Masayang ngumiti si Fin sa magkapatid habang hawak pa rin ang kamay ng asawa. Napag-alaman nilang beneficiary pala ng isang programang itinaguyod sa Pilipinas ni Mr. Minamoto si Caleb, dahil dito utang na loob ng binata sa Japanese investor na nagawa nitong makapagtapos sa kolehiyo, makakuha kaagad ng marangal na trabaho at matulungan ang pamilya nito. Ang pagma-manage ng resort ng mag-asawa ang pinakamalaking challenge na ibinigay dito ng benefactor kaya naman sinabi ni Caleb sa harapan nilang dalawa na wala itong balak biguin si Mr. Minamo

