Hindi nakapagsalita si Fin nang makita nitong pumasok ang kaniyang asawa na may hawak na breakfast para sa kanilang dalawa. Ngumiti lang si Rave dito habang pinagmamasdan ang maganda niyang misis na tila dyosang nakahiga sa malawak at malambot nitong kama. "How are you feeling, my Infinity? Masakit ba ang katawan mo?" nag-aalalang tanong nito kay Fin. Tipid namang ngumiti si Fin at nahihiyang sumagot. "Hindi naman masyado, Rave." Maiksi nitong sambit. Lumapit sa kaniya ang asawa at inilapag ang hawak nito. Tiningnan naman ni Fin ang nakahandang tapsilog sa tray na nasa harapan, naging sosyal at mamahalin talaga ang dating ng mga pagkaing nasa harapan dahil mukhang mamahalin ang tapang pinili at may side dish pa itong kasama. Dahan-dahang naupo sa kaniyang tabi si Rave at masuyo itong

