CHAPTER 01: It's Thisa Marie's 7th Birthday

2086 Words
Dumating na ang araw ng aking kaarawan, ang matagal na pinaghahandaan nina mommy at daddy para maging special ang araw na ito. I saw my beautiful reflection in front of the mirror, then I smiled with confidence. Everything seems to be perfect, and tonight will be so special. I'd rather be the Queen for every guest in my elegant costume of Queen Elsa. "You really look like me baby, very pretty. A beautiful Queen Elsa of Arendelle," papuring saad ni mommy habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. This is what I love about my mom, she always make me feel so special. Kahit na lagi niyang inihalintulad ang kagandahan naming dalawa. It's still a compliment. A big compliment from my beloved mother. Not that, na kontra ako sa kanya, hello! That's my mom and she's beautiful inside and out, walang halong biro iyan. Proof of evidence ba ang gusto ninyo? Just look at me and you'll realized, how beautiful I am. No need to asked, kaya nga gandang-ganda ako sa sarili ko, dahil iyan sa genes ng mga magulang ko. I'm so blessed for what I have now. Maraming katangian ang nakuha ko sa aking mommy, isa na doon ang pagiging confident niya sa lahat ng bagay. I'm always confident and proud sa lahat ng ginagawa ko and I know that my parents are also proud of me in all aspects. That's why I don't want them to get disappointed in me. Aside from beauty, I also have a brain, and I've been a consistent honor student since nursery up to now. Kaya nga sa edad kong 7 years old, I'm accelerated to Grade 4 already. Kaya nga proud na proud sila sa akin dahil nagkaroon ng isang maganda at matalino na anak. Ito ang kanilang regalo sa akin ang siguraduhin na bongga at masaya ang aking 7th Birthday, kasama ang mga kaibigan at kaklase ko. Binalingan ko si mommy at nginitian, "Of course mom, mana-mana lang po iyan." At sabay na kaming nagtatawanan sa loob ng aking kwarto. Today is my special day, to be exact it's my 7th Birthday. Sabi pa nga ni Teacher Ynah, debut na ito sa pagiging bata. I'm so happy sa aking nalaman because I'm already a grown up child and not a kid, na laging tinatawag sa akin ng lalaking iyon. Sa tuwing nagkikita kami sa school, "kid" ang laging tawag niya sa akin. Natigil ang paglalakbay ng aking isipan ng biglang pumasok si daddy at maging si mommy ay nagulat ng biglang yakapin siya nito mula sa likuran. Nakita ko kung gaano kamahal ni dad si mom, makikita mo sa bawat ngiti at pagtitinginan nila sa isa't-isa. "Hey! You two, my beautiful ladies. Mamaya na kayo mag chikahang mag-ina. They're all waiting for you outside, my princess." Sabi nito saka niya inalalayan si mom na tumayo at sabay silang lumabas ng aking kwarto. Tumingin muna ako sa salamin at inaayos-ayos pa ang buhok kong kulay puti na nakatirintas. Kinuha ko ang maliit na clip hugis paru-paro na may maliit na kumikinang bato at nilagay sa may tali ng tirintas. Mas lalong lumutang ang kanyang simpleng kagandahan dahil sa kumikinang na bato. Nakangiti akong tumayo at paikot-ikot na parang prinsesa sa harap ng salamin. Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa aking labi at kumikinang ang mga mata habang nangangarap. "Well, I’m a princess now and a beautiful Queen Elsa with my Disney costume." My mom chose the Disney Princess theme for my Birthday Party. And now, I'm wearing one of my favorite Disney character's gowns. This is one of my dreams, aside from going to Disneyland and meeting with my favorite Disney Princess characters in person. I dreamt of becoming a princess, even though my dad always called me 'my princess'. I want to be like a real princess, dress up like a princess, and act just like what a Disney Princess does. But today, It's like a dream come true, I'm already wearing a blue shiny long gown with a patch of Snow flakes around and matched with glittering see-through cape. I am now Queen Elsa of Arendelle. She's famous in the Disney movie entitled 'Frozen', one of my favorite movies ever. Excited na akong bumaba ng hagdan at kaagad naman na sinalubong ako ni mommy para tulungan na bumaba sa staircase. While my dad is looking at me with so much admiration in his eyes. He's feeling so blessed and proud of me as his only daughter. Napangiti ako sa naging reaksyon ni dad. He's speechless and I need to tick my fingers just to let him focus, “Daddy! Am I that pretty?” tanong ko dito ng makalapit kami sa kanya. “Of course you do my princess, you’re one of the prettiest Princesses in your Birthday ball," masayang saad nito sabay abot ng kanyang kamay na kaagad kung tinanggap. I want my dad, to be my escort for tonight but mommy insisted, na dapat may sarili akong Prince Charming. That was her surprise for me and part of her special birthday gift, kaya hindi ko alam kung sino ang magiging Prince Charming ko ngayon. Nasa magkabilang gilid ko sina mom and dad habang tinatahak namin ang garden kung saan gaganapin ang party. Dito kasi ang gusto ni mommy na i-celebrate ang aking birthday dahil maluwag na naman ang garden namin at perfect for the theme na napili niya. She organized it by herself, since my mom is a retired event organizer pero tumulong din naman sa kanya ang mga kilalang event organizer na mga kumare rin nito. Naririnig ko na ang instrumental music na nanggagaling sa labas, 'Let it go' ang themesong ng movie na 'Frozen'. "I'm so excited to meet my friends and to see their gowns, too. I remember that time, sinabihan ko sila about sa theme ng party ko and they’re all excited." Now, I'm excited as well to see them in their favorite Disney Princess characters. I first saw Micah, who's wearing Arielle's gown. Mas lalong lumutang ang simpleng kagandahan sa kasuotan nito. Samantalang si Tasha naman ay inspired sa gown ni Belle ang kanyang isinuot. Ang ganda nito sa kanyang gown, hindi mo akalain na ang dating boyish sa school ay ganito pala siya kaganda kapag nag-aayos at nagsusuot ng magandang damit. Ang ganda ng mga kaibigan ko pero syempre ako ang celebrant, kaya dapat lang na ako ang pinakamaganda sa lahat. "I am beautiful, isn't it?" I asked myself. "Wow..ang ganda mo Tasha! Pero syempre mas maganda ako sayo noh!" She said proudly. "Well, thank you, Marie! I'll take that as a nice compliment," Tasha smiled at her. "Teka lang beshy, maganda rin naman ako sa suot ko ah!" singit naman ni Micah at humaba pa ang kanyang nguso. "Jusmiyo! Waley ang mga beauties niyo sa akin dahil ako lang naman si Prince Henry, kahit ayoko. Owemgi!! It's so hot and I want to wear something revealing," reklamo ni Shawn at ginawa pa niyang pamaypay ang kanyang kamay. Lubos na sana ang aking kaligayahan dahil kumpleto ang kanyang mga kaibigan pero may kulang pa pala dahil muling bumalik sa aking isipan ang crush ko. I really wanted to invite him on my special day but I failed to give the invitation to him. Dahil nahihiya akong ibigay ito sa kanya kasi naman palagi nitong kasama si Stephany, ang reigning campus queen ng DVU. Kahit nasasaktan ako pero hindi nawawala ang paghanga ko sa kanya. Inaasam pa rin ng musmos kong puso na balang araw mapapansin niya rin ang kagandahan ko. Hindi man ako isang campus queen, but I'll make sure that I'm his Princess in the end. And this is it, I'm the Princess for tonight but without a Prince, so sad to say. Ngayon tanaw ko na ang garden at nakikita ko na ang kasiyahan mula sa mga bisita at kaibigan. Nang tuluyang makalabas ay natuon agad sa akin ang kani-kanilang mga mata. “Prince and Princess, let's all welcome our lovely Queen Elsa of Arendelle, the Birthday Princess— THISA MARIE ADRIANTE!” Nakangiti kong iginala ang aking mga mata para hanapin ang mga kaibigan ko na bumalik din kaagad sa kanilang upuan. Hindi naman ako bigong makita agad dahil nasa harapan sila mismo ng mini stage na pinagawa ni mom. Maugong na palakpakan at nakangiting nakatingin sa akin ang aking mga kaibigan at bisita. Pero hindi buo ang kasiyahang nararamdaman ko kahit pa nakikita kung kumpleto ang aking mga kaibigan dahil hinahanap ng puso ko ang isang taong mahalaga rin sa akin, si Mike. Ngunit malabong makakapunta siya rito, kasi hindi ko naman na ibigay sa kanya ang imbitasyon. Kaya kahit nalulungkot, pinilit pa rin niyang ngumiti dahil mahalaga ang gabing iyon para sa kanya. Kaso isang magandang sorpresa ang nagparamdam sa akin ng labis na kasiyahan habang nagpatuloy sa pagsasalita ang host. “Together with his Prince Charming— MIKE HANSEN JUSAWEE!” Gulat as in nagulat ako sa aking narinig at kaagad kong hinahanap ito sa paligid. “Am I just dreaming?” Mahinang bulong ko sa aking sarili pero sumisigaw naman sa galak ang puso ko. "Si Mike ba talaga ang Prince Charming ko?" Napatulala ako sa aking narinig at tinititigan si Mike habang naglalakad ito palapit sa akin. Hinanap ng mga mata ko si mommy pero sinalubong lang ako nang matamis nitong ngiti. Binalingan kong muli si Mike at matamis itong nakangiti sa akin na parang nang-aakit ang mga mata. I'm mesmerized by his charm. Mike Hansen, looks like a real Prince. He's wearing a white with blue accent long sleeves na may buttons sa dibdib pababa. Blue pants na pinaresan niya ng black knee high boots. Para siyang isang totoong prinsipe na madalas kung napanood sa dvd tape or movies. Hindi ko lubos akalain na pupunta siya sa birthday ko at lalong hindi ko ini-expect that he’ll be my Prince Charming for tonight. Ako na yata ang pinaka maswerteng babae este bata pala, dahil nasa tabi ko ngayon si Mike, ang ultimate crush ko sa school namin. “Mommy knows best talaga!” At palihim akong napangiti sa kanya. Sino bang hindi magka-crush sa isang Mike Hansen Jusawee? 'The Mysterious Guy', sa school namin at higit sa lahat kilalang-kilala sa pagiging consistent honor student. According to Shawn, who is his classmate and my beke friend too, he’s already 12 years old. His favorite color is blue. He loves playing basketball and badminton. His favorite ulam is pork & chicken adobo, one of our specialties at 'Ang Kusina Na'Ton' and he also loves to read fantasy books. "See—? Hindi naman ako ang stalker niya, sadyang may kaibigan lang din ako na kanyang kaklase. At siya lang naman ang naging source of information ko about Mike Hansen." Napabalik lang ako sa huwisyo nang bigla akong tapikin ni dad sa aking balikat at nakangiti itong tinititigan siya. “Baby—" agad ko naman itong tiningala. “Yes dad?” Tiningnan lang ako nito at binalingan ang lalaking nasa harapan ko na nakalahad ang kanyang kamay. Matamis ang aking ngiti na tinanggap ang kanyang kamay. “For the 3rd time, birthday girl. Shall we go now to the table? So that you can blow your cake candle?” Pukaw nito sa akin at inaanyayahan akong pumunta na sa table pero may himig ng pagka-inis sa boses nito. Dismayado akong sumagot, “Sure.” Kaagad kong sambit at nag-abrisyete ang aking kamay sa braso nito at binalewala ang seryoso nitong mukha. Wala akong pakialam sa mga taong nandoon dahil ang nasa isip ko lang ay kaming dalawa ang magkasama buong gabi. “Tss!” Tanging sagot lang nito at sabay kaming naglakad sa gitna ng nakalatag na red carpet. Ngumisi lang ako sa kanya, daan para ngumiti na rin ito sa akin. Isang masayang ball ang aking kaarawan, ito na yata ang pinaka-memorable sa mga nagdaan kong kaarawan dahil syempre, special ang regalo ni mommy sa akin. It was Mike Hansen Jusawee, my mysterious Prince Charming. Tila isang panaginip lang ang lahat, na kasama ko ngayon ang lalaking tinatangi ng aking puso. Kung pwede lang sana huwag nang matapos ang gabing ito. Ngunit iyon na pala ang huling gabi ng aking kasiyahan dahil pagkatapos ng birthday party ko hindi na muling nagpakita si Mike. Nabalitaan ko nalang sa mga tsismosa kung mga kaibigan, nag-migrate na pala ang family nito sa Canada. Ang hindi lang namin alam kung babalik pa sila or for good na ang family nila sa Toronto, Canada.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD