Nakarating na rin kami sa restaurant at kaagad kung nai-park ang kotse sa parking lot. Naunang pumasok sina Vaughn at Micah dahil kinausap ko muna ang Security on duty. "Good afternoon po Ma'am Marie!" magalang na bati ng guard sa akin. "Guard, ano ba ang nangyari kanina dito? Bakit walang report na nakarating sa amin?" "Ma'am hindi ko po alam ang buong detalye reliever lang po ako ngayon. Si De Leon po ang on duty ng mangyari ang incident po kay Sir Ythan," "Okay, salamat." Pumasok na rin ako sa loob at kaagad na lumapit si Ysay sa akin. "Ma'am Marie?! Good afternoon po." "Anong nangyayari dito kanina, Ysay?" sagot kung tanong sa kanya. "Ma'am Marie, kasalanan po ni Meryl kasi nagmamagaling po sa pag-serve ng pagkain," nagsusumbong kaagad si Ysay. "Please call Meryl and Cathy

