bc

The Lost Hier of the Canvas

book_age12+
6
FOLLOW
1K
READ
revenge
dark
kickass heroine
heir/heiress
blue collar
kicking
campus
city
office/work place
small town
childhood crush
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Taglay ni Katrina ang pambihirang kagandahan at kabutihan ng puso. Minahal siya ng mga madre at ng lahat ng batang kasama niya sa ampunan. Para sa kanila, si Katrina ang kanilang ate laging handang umalalay, magbigay ng lakas ng loob at mag-alaga sa mga mas bata.Sa murang edad, natuklasan niya ang kanyang kakaibang talento sa pagpipinta at pagguhit. Tuwing dapit-hapon lagi siyang nakaupo sa tabing-dagat habang ipinipinta ang kanyang mga pangarap. Sa bawat obra, iisa ang laman ng kanyang puso ang pag-asang balang araw ay makikita rin niya ang kanyang tunay na mga magulang.

chap-preview
Free preview
Kabanata-1
Unti unting sumikat ang araw sa maliit na bayan ng San Isidro Habang dahan dahang nagliliwanag ang kalangitan nagsimula na ring magising ang mga batang naninirahan sa St Mary Home for Children Isang simpleng bahay ampunan na naging tahanan ng maraming batang iniwan ng kanilang mga magulang. Maagang bumangon si Katrina Valdez tulad ng kanyang nakagawian agad niyang inayos ang kanyang higaan bago lumabas ng kanyang maliit na silid. Huminga siya nang malalim habang pinagmamasdan ang bakuran ng bahay ampunan.Isa na namang panibagong araw ang kanyang haharapin. Magandang umaga Ate Katrina, masayang bati ng isang maliit na bata habang mahigpit siyang niyayakap Napangiti si Katrina at marahang hinaplos ang buhok nito. Magandang umaga rin Nica, nakapagdasal ka na ba opo ate gutom na po ako sandali na lang maghahanda na tayo ng almusal. Pumasok si Katrina sa kusina at nagsimulang magluto habang hinihiwa niya ang mga gulay ay isa isa namang dumating ang ibang mga bata, masaya silang nagtatawanan habang tinutulungan siya sa paghahanda ng pagkain. Hindi man marangya ang kanilang buhay sapat na ang simpleng tahanan at pagmamahal na ibinibigay ni Sister Gemma upang maramdaman nilang may pamilya sila Katrina!! Napalingon siya nang marinig ang tinig ni Sister Gemma lumapit siya at magalang na hinalikan ang kamay ng madre. Magandang umaga po sister ngumiti si Sister Gemma ,habang pinagmamasdan ang dalaga. Hindi ka na naman nagpahinga nang maayos anak. Ayos lang po Sister Marami pa pong kailangang gawin napabuntong hininga si Sister Gemma, Palagi mo na lang inuuna ang iba Kailan mo naman iisipin ang sarili ngumiti lamang si Katrina. Kayo po ang nagpalaki sa akin kayo ang nagturo sa akin kung paano magmahal Kung may pamilya man akong maituturing kayo po iyon, Naluha si Sister Gemma sa narinig Hindi alam ni Katrina na hanggang ngayon ay itinatago pa rin niya ang katotohanan tungkol sa nakaraan nito. Dalawampu't dalawang taon na ang nakalipas isang malakas na ulan ang bumuhos nang gabing iyon may narinig siyang katok sa pintuan ng bahay ampunan pagbukas niya ay wala siyang nakitang tao. Ngunit sa may hagdan ay may isang basket sa loob nito ay isang bagong silang na sanggol na mahimbing na natutulog. May kasama itong maliit na kumot at isang kuwintas na may hugis ng paintbrush mayroon ding isang maikling sulat. Pakiusap iligtas ninyo ang anak ko, iyon lamang ang nakasulat mula noon ay itinuring na niyang sariling anak ang sanggol. Pinangalanan niya itong Katrina Valdez. Hindi rin niya kailanman sinabi sa dalaga ang tungkol sa kuwintas na maingat niyang itinago sa loob ng isang lumang kahon Matapos ang almusal ay nagtulungan silang linisin ang buong bahay ampunan habang nagwawalis si Katrina ay maririnig ang masasayang tawanan ng mga bata masaya siyang nakatingin sa kanila. Kung mayroon man siyang pangarap iyon ay ang makita silang magkaroon ng magandang kinabukasan pagsapit ng hapon ay lumapit siya kay Sister Gemma.Sister Pupunta lang po ako sa dalampasigan ngumiti ang madre magpipinta ka na naman anak? Opo!! Alam kong balang araw makikilala rin ang talento mo salamat po Sister!! bitbit ang kanyang lumang canvas mga pintura at brush ay naglakad si Katrina patungo sa dalampasigan ito ang paborito niyang lugar tahimik,mahangin at dito niya nararamdamang malaya ang kanyang puso. Umupo siya sa ilalim ng malaking puno at inilatag ang puting canvas pumikit siya sandali bago nagsimulang gumuhit. Hindi tanawin ang kanyang ipininta kundi isang masayang pamilya may isang mapagmahal na ama may isang mapag arugang ina at isang batang babae na masayang nakayakap sa kanilang dalawa huminto ang kanyang kamay unti unting bumagsak ang kanyang mga luha sa canvas Bakit ninyo ako iniwan? bakit hindi ninyo ako hinanap! ako ba ay hindi ninyo minahal. Tahimik niyang sinabi iyon habang mahigpit na yakap ang kanyang sketchbook hindi niya alam na sa kabilang bahagi ng kalsada ay may isang mamahaling sasakyan na huminto. May isang matandang lalaki ang tahimik na nakatingin sa kanya nanlaki ang mga mata nito hindi maaari bulong nito! kamukhang kamukha niya si Bella.. tahimik na nakatayo ang matandang lalaki habang nakatingin kay Katrina hindi niya maalis ang tingin sa dalaga Ang mahabang buhok nito ang mapupungay nitong mga mata at maging ang paraan ng paghawak nito sa brush ay nagpapaalala sa kanya ng isang batang matagal na niyang hindi nakita hindi maaari, mahina niyang bulong. Nagkamali lang siguro ako? napabuntong hininga siya bago sumakay muli sa sasakyan unti unting umalis ang sasakyan nang hindi man lamang namamalayan ni Katrina na may taong nagmasid sa kanya Paglubog ng araw ay maingat niyang inilagay ang natapos na pintura sa kanyang lumang bag. Muli niyang tinanaw ang dagat balang araw makikilala rin ako bilang isang pintor hindi ako titigil hanggang hindi ko natutupad ang pangarap ko ngumiti siya sa sarili bago naglakad pauwi sa bahay ampunan kinabukasan maagang nagising si Katrina upang tumulong sa paglilinis ng bakuran Habang nagwawalis siya ay biglang narinig ang sigawan ng mga bata. Ate Katrina! Ate Katrina! Bilis po may sikat na painter sa telebisyon nagtakbuhan ang mga bata papunta sa maliit na sala kung saan nakalagay ang luma nilang telebisyon lumapit din si Katrina habang nakangiti pagbukas ng telebisyon ay bumungad ang isang napakalaking art gallery Punong puno ito ng mga mamahaling painting may mga banyagang bumibili ng obra at may mga mamamahayag na kumukuha ng larawan nanlaki ang mga mata ni Katrina. Napakaganda parang panaginip lang ang magkaroon ng sariling art gallery unti unting lumabas sa screen ang isang elegante at magandang babae nakasuot ito ng puting bestida at maayos ang pagkakatali ng buhok may kakaibang lambing ang kanyang mga mata kahit halatang may malalim siyang dinadala sa ibaba ng screen ay lumabas ang kanyang pangalan, Maggy Victoriano World Renowned Painter. Napangiti si Katrina, ang ganda niya at ang gaganda rin ng mga obra niya darating din ang araw magiging katulad din ako sa kanya magkakaroon din ako ng sarili kong art gallery biglang nagsalita ang reporter, Maggy Victoriano, Isa na po kayo sa pinakatanyag na pintor sa buong mundo Ano po ang sikreto ninyo kung bakit napakaganda ng inyong mga obra. mm Ngumiti si Maggy ngunit mabilis ding nawala ang ngiti sa kanyang labi tahimik ang buong paligid, marahang huminga si Maggy, ang bawat painting na ginagawa ko ay para sa isang taong matagal ko nang hinahanap Napatingin ang reporter sa kanya sino po ang taong iyon? Unti unting namuo ang luha sa mga mata ni Maggy, ang anak ko ang nawawala kong anak Si Bella!! natahimik ang buong studio Maging ang mga batang nanonood sa bahay ampunan ay napatingin sa telebisyon. Napansin ni Katrina, ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ni Maggy, hindi niya maintindihan kung bakit tila may kung anong kirot na bumalot sa kanyang dibdib. Pakiramdam niya ay nasasaktan din siya nagpatuloy sa pagsasalita si Maggy. Dalawampu't dalawang taon na akong naghihintay araw araw akong umaasa na buhay pa ang anak ko.hindi ako titigil sa paghahanap sa kanya, kung nasaan ka man Bella.. Mahal na mahal ka ni Mommy!! Biglang tumulo ang luha ni Katrina,hindi niya alam kung bakit, parang may kung anong humihila sa kanyang puso mahina niyang hinawakan ang kanyang dibdib. Bakit parang ang sakit sakit napatingin si Sister Gemma, kay Katrina, napansin niyang nanginginig ang mga kamay nito habang nakatitig sa telebisyon. May kakaibang kaba ang naramdaman ni Sister Gemma. Pakiramdam niya ay malapit nang mabunyag ang lihim na ilang taon niyang iningatan ngunit sa kabilang lungsod sa loob ng isang napakalaking mansyon. May isang babaeng galit na galit na pinatay ang telebisyon hindi ko hahayaang mangyari iyon hindi kailanman makakabalik si Bella, mahigpit niyang kinuyom ang kanyang kamao habang nakangisi at ang babaeng iyon ay si Selena. Malakas na bumagsak ang remote control sa marmol na sahig ng napakalawak na sala ng Victoriano Mansion. Galit na galit si Selena habang mabilis ang kanyang paghinga hindi ko hahayaang bumalik si Bella, hindi ko hahayaang maagaw niya ang lahat ng mayroon ako pumasok sa sala ang kanyang ama na si Raymond Ventura. Tahimik nitong pinulot ang remote control bago tumingin sa anak ano na naman ang ikinagagalit mo tumingin si Selena, sa telebisyon na ngayon ay nakaimprenta pa rin ang mukha ni Maggy Victoriano, Hanggang ngayon hindi pa rin siya sumusuko aaw- araw pa rin niyang hinahanap ang nawawala niyang anak napangisi si Raymond Hayaan mo siya hindi na niya mahahanap ang batang iyon. Dalawampu't dalawang taon na ang lumipas kung buhay man siya malabong malaman pa niya ang katotohanan ngunit hindi kumbinsido si Selena, paano kung bigla siyang bumalik, paano kung makilala siya Ano ang mangyayari sa akin, lumapit si Raymond, at hinawakan ang balikat ng anak Makinig ka sa akin, ikaw lang ang magiging tagapagmana ng Victoriano, pinaghirapan kong mabuo ang planong ito.Hindi ko hahayaang masira ang lahat unti unting gumuhit ang malamig na ngiti sa labi ni Selena, kung ganoon sisiguraduhin kong hindi na siya makakabalik kahit kailan,samantala sa bahay ampunan ay tahimik na nakaupo si Katrina sa kanyang kama.Paulit ulit na pumapasok sa isip niya ang mga sinabi ni Maggy sa telebisyon kung nasaan ka man Bella, Mahal na mahal ka ni Mommy!! Hindi niya alam kung bakit paulit ulit iyong umaalingawngaw sa kanyang isipan. Napahawak siya sa kanyang dibdib, parang gusto niyang umiyak, pero hindi niya alam kung bakit? May marahang kumatok sa pintuan Anak. Mahina ang boses ni Sister Gemma pumasok po kayo Sister, dahan dahang umupo ang madre sa tabi niya napansin kong tahimik ka simula kanina may iniisip ka ba? Ngumiti si Katrina, kahit halatang pilit wala po naaawa lang po ako kay Miss Maggy. Napakasakit sigurong mawalan ng anak tahimik na yumuko si Sister Gemma may kung anong kirot ang dumaan sa kanyang puso.Kung alam mo lang anak huminga siya nang malalim ngunit hindi na niya itinuloy ang sasabihin, sa halip ay hinawakan niya ang kamay ni Katrina. May mga katotohanang kusang nagpapakita sa tamang panahon huwag kang mawawalan ng pag asa hindi ka nag iisa sa mundong ito Napatingin si Katrina sa madre, hindi ko man nakilala ang tunay kong mga magulang. Masaya na po ako dahil kayo ang naging nanay ko, hindi napigilan ni Sister Gemma ang mapaluha mahigpit niyang niyakap ang dalaga. Kung darating ang araw na malaman mo ang buong katotohanan sana mapatawad mo ako kinabukasan habang nagdidilig si Katrina, ng mga halaman sa bakuran ng bahay ampunan ay may isang itim na mamahaling sasakyan ang huminto sa harapan ng gate. Napatingin ang lahat ng bata isa isang bumukas ang pinto ng sasakyan lumabas ang isang matandang lalaki na may marangal na tindig, kasunod niya ang dalawang bodyguard .Tahimik niyang pinagmasdan si Katrina Hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang nakikita,lumapit siya kay Sister Gemma. Magandang umaga Sister! Ako si Don Victoriano, may gusto sana akong itanong Biglang nanlaki ang mga mata ni Sister Gemma nang marinig ang apelyidong Victoriano.naramdaman niyang tila huminto ang kanyang mundo,sa isip niya ay bumalik ang alaala ng isang madilim at maulang gabi dalawampu't dalawang taon na ang nakalipas, Mahigpit niyang kinuyom ang kanyang rosaryo hindi maaari paano nila ako nahanap, Habang nakatayo si Katrina sa di kalayuan ay wala siyang kaalam alam na ang pagdating ng matandang iyon ang magsisimulang bumago sa kanyang buong buhay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Heartless Don's Angel

read
78.7K
bc

Secretly Living With My Boss | SPG

read
833.8K
bc

Red Lady Is Now Live! (SPG)

read
11.9K
bc

In Bed With Kuya Red

read
46.8K
bc

A Kiss With The Mafia Lord

read
245.2K
bc

Owned by an Arrogant Billionaire- Montenegro Obsession 1

read
58.0K
bc

The CEO's Babymaker

read
70.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook