Chapter 8

2318 Words
Nagising ako dahil sa tapik sa may balikat ko. Unti-unti akong dumilat, at may bumungad sa'kin na mukha ng isang lalaki kaya agad akong nagising nang tuluyan. "Sino ka po?" tanong niya na nakakunot ang noo. Nakita ko naman agad lumapit ang isang matandang babae at binatukan 'yung lalaki. "Ano ka ba naman, Leo. Ba't mo naman ginising ang dilag na ito?" suway ng matanda. Leo? Parang narinig ko na ang pangalan na 'yon, somewhere. Inayos ko ang sarili ko at umupo nang tuwid. Lumapit ang matanda sa'kin at umupo rin sa tabi ko. "Anong ginagawa mo rito, hija?" tanong niya. Bigla naman akong nahiya dahil mukhang sila na pala ang pamilya ni Manang Fe. "A-ako po si Raven. Friend po ni Manang Fe. Ako po 'yung tumawag sainyo." pakilala ko. Nakatingin sila sa'kin na parang inoobserbahan ang mga salita't galaw ko. "Ahh ikaw pala 'yung tumawag sa'min. Maraming salamat sa'yo, hija. Ako nga pala si Flor, kapatid ko si Felicidad." pakilala naman niya. Siya pala 'yung panganay na kapatid ni Manang Fe. Magkamukhang-magkamuha sila. Parang kambal pero mas maliit lang siya kaysa kay Manang Fe. "Ito naman sina Leo at Rachel, mga anak ni Fe." turo niya r'on sa lalaking gumising sa'kin, pati r'on sa babaeng ngayon ko lang napansin. Nakasandal ito sa pader, malapit sa C.R. "Nice to meet you all." magalang kong bati. "Kaibigan mo si mama Fe? Ba't parang sobrang bata mo pa? May boyfriend ka na?" sunod-sunod namang tanong ni Leo. Sa pagkakatanda ko ay 17 years old pa lang 'to, ah. "Hoy Leo, umayos ka nga." suway ni Aling Flor. "Mukhang mayaman ka, ah. Pa'no mo naman nakilala ang mama namin?" saad ni Rachel na ngayon lang nakisali sa usapan. Naramdaman ko agad sakanya na hindi siya friendly, or sa'kin lang? "Uh, nagbabakasyon kasi ako rito sa San Imperial at si Manang Fe ang naka-assign sa villa ko." paliwanag ko. "Ah, so housekeeper mo si mama. Pwede mo namang sabihin 'yun. Dami mo pang paliwanag." pambabara niyang saad. Natahimik naman ang lahat. I admit, nainis ako sa sinabi niya. "Kung gan'on, salamat po dahil kahit pati rito ay sinamahan mo ang kapatid ko. Nako, sobra talaga kaming nag-alala n'ong tumawag ka at ikwinento ang nangyari." saad ni Aling Flor. "Walang anuman po, by the way, nainform na po ba kayo sa kalagayan ni Manang Fe?" saad ko. "Malamang. Iyon kaya ang una naming inalam pagkatapos naming makita si mama." saad ni Rachel. Bumuntong-hininga ako. Hanggang ngayon ay nagpapahinga pa rin si Manang Fe. Siguro ay sobrang napagod lang siya, dahil sinabi nga niyang hindi siya nakakain ng halos maghapon. Mabuti na rin at nagpapahinga na siya ngayon. Sana nga hindi totoo 'yung mga nakita ko. Ilang oras nga at tuluyan ng naging umaga. Sinabihan nila ako na umuwi na muna para naman makapagpahinga. Wala naman akong nagawa kun'di sumunod. Dahil medyo hindi rin maayos ang tulog ko. Kaya nagpaalam na ako at bumalik sa villa ko. Pagbalik ko naman doon ay kinamusta sa'kin si Manang Fe ng ilang mga staffs at kasamahan niya sa villa resort. Sinabi ko ang kalagayan niya ngayon. Mukhang karamihan din sakanila ang nag-aalala sakanya. Siguro halos lahat ng kasamahan niya rito ay close rin niya. Pagpasok ko naman ng villa ko ay agad akong naligo at nagpalit ng damit, nagpa-room service para kumain na rin. Then naglinis din muna ako panandalian at pagkatapos n'on ay natulog na. *** Nagising ako, mga hapon na rin. Kahit papaano ay nakapagpahinga rin ako. Iniisip ko naman kung pupunta ba ako sa hospital or bukas na lang? Pero sa huli ay napagpasyahan ko na ring pumunta ng hospital. Nag-extend din pala ako ng isang araw sa villa resort. Ewan, feel ko lang talagang mag-extend pa. Nang makarating sa hospital ay may itatanong sana ako about kay Manang Fe, 'yung mga result ng tests at other information about sa sakit niya. Nacucurious kasi ako. "Uhm hello po, doc?" tanong ko sa isang doktora na busy sa may counter. Parang familiar siya, ah. Ay oo, siya 'yung narinig kong sumigaw kagabi. Bago pa niya ako harapin ay may dumating naman na nurse. "Ay, Miss. Psychiatrist 'yan. Ano ba kailangan mo?" sabat ng nurse. Napatingin naman 'yung doktora sa'kin, ngumiti ito at pagkatapos ay bumalik sa ginagawa niya. Binaling ko na ang tingin ko sa nurse at sinabi ang sadya ko. Chineck naman niya ang information ni Manang Fe at sinabi ito sa'kin pero sinabi rin niya na dapat 'yung mismong doktor ang kausapin ko para mas maliwanagan ako. Nagpasalamat naman ako. "Nurse, kumusta na 'yung patient sa Room 404?" sabat naman nung doktora nang matapos akong kausapin ng nurse. "404?" tanong ng nurse at inisip pa kung sino ang pasyente na naroon. "Yes. 'Yung kapatid ko." saad ng doktora. "Ah, sa wakas nga after 4 weeks ay tuluyan na siyang nagising. Pero nagrerecover pa rin ang katawan niya." paliwanag ng nurse. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakikinig sakanila. Hindi ko alam kung bakit bigla akong naging parang chismosa tungkol d'on. Siguro dahil nakita ko 'yung kapatid nung doktora? Tuluyan na akong umalis at pumunta sa room ni Manang Fe. Kumatok ako at pinagbuksan naman ako ni Leo, nagulat pa sila dahil akala nila ay hindi na ako bibisita. Inilapag ko ang mga prutas at ilang mga pagkain para sa lahat.May dinala rin pala akong mga gamit na baka kakailangan ni Manang Fe at ng pamilya niya para rito sa hospital. "Kanina ay nagising siya. Ikwinento ko ang mga nangyari, katulad ng kwento mo. Natanong ka nga rin eh, kaso wala ka rito. Sayang lang at kung kailan nandito ka ay nakatulog naman itong si Fe." kwento ni Aling Flor. Sina Leo at Rachel naman ay busy sa panonood ng T.V. habang kumakain ng pagkaing dinala ko. "Sabi ng doktor, pwede na raw siya lumabas ng hospital kapag natapos na niyang inumin lahat ng gamot. Baka bukas ng gabi ay pwede na siyang makauwi." dagdag pa niya. Tumango naman ako. Ilang sandali pa ay lumabas ako ng room para sana magpahangin. Napansin ko ang katabing room. Room 404 Bumukas ang pinto nito at lumabas ang babaeng naka-hospital gown. Dire-diretso itong naglakad. Sa pagkakaalam ko ay iyon ang tinutukoy na kapatid nung doktora. Parang kagabi lang ay medyo malala pa ang mga sugat at pasa niya. Ba't ngayon naman ay parang wala siyang iniinda? At dahil nacucurious na naman ako ay sinundan ko siya. Ilang sandali ko siyang sinundan paakyat, hanggang sa nalaman ko kung saan siya papunta. Sa rooftop ng building na ito. Naghintay ako sa hagdanan nang ilang seconds bago tuluyang pumasok sa rooftop. Hinanap ko siya baka kasi kung anong gawin niya rito. Kinakabahan ako sa paghahanap, hanggang sa nakita ko siya sa may dulong part ng rooftop. Nagulat pa ako dahil nakaupo siya sa edge ng rooftop na parang normal lang umupo roon. "Kanina mo pa ako sinusundan, ah." saad niya habang nakatalikod sa'kin. Napasinghap ako nang sabihin niya iyon. Kahit natatakot ay lumapit pa rin ako sakanya, at nakiupo rin doon sa edge ng rooftop. Hindi naman ako takot sa heights pero sobrang nakakalula lang kasi talaga. Nang mapansin na umupo rin ako ay nahalata ko ang gulat sa mukha niya. Ngayon naman ay nakita ko na ang hitsura niya. Bakas ang ganda sa mukha niya, pero ang mga mata niya... It shows a lot of emotions, yet it seems so empty. "Hi," bati ko. Hindi naman siya kumibo pabalik para batiin ako. "Akala mo siguro ay magpapakamatay ako 'no?" saad niya. "Hindi naman. Nacucurious lang ako sa'yo." diretso kong tugon. "Ako nga pala si Raven." pakilala ko kahit alam kong hindi siya kikibo. Natatakot ako sa pagswing ng mga paa niya. "Eh ikaw ba, pwede ko bang malaman ang name mo?" maingat kong tanong. Hindi rin ako makapaniwala na nag-eeffort talaga ako para lang makilala siya. Ewan ko ba, feel ko lang na gusto ko siyang kilalanin. "Hindi ko alam." kibit-balikat niyang tugon. Kumunot naman ang noo ko. "Kahit ako, hindi ko naman talaga kilala ang sarili ko eh." tuloy niya. Tahimik lang akong nakinig. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. "Hindi ka ba natatakot sa'kin? Dapat nga ay hindi ka na lumalapit sa'kin eh." saad niya. Bakit ano bang meron sakanya? "Huh? Ba't naman ako matatakot sayo?" tawa kong saad. Halata namang nagulat siya dahil sa sinabi ko. "Pumapatay ako." diretso niyang saad. Napasinghap ako. Maya-maya'y hindi ko napigilang tumawa. Kumunot ang noo niya nang mapansin ang pagtawa ko. "Bakit ka tumatawa? Hindi ka naniniwala?" tanong niya. "Naniniwala." tipid kong sagot. Nakita ko namang mukha siyang nagulat sa sinabi ko. Marahil ay walang naniniwala sakanya noon. Kahit na hindi kapani-paniwala 'yung sinasabi niya, maniniwala na lang ako. Syempre lalo na't ngayon ay hindi rin naman believable 'yung situation ko. "So hindi ka natatakot na baka patayin kita ngayon?" tanong niya. "Kung papatayin mo ako, dapat kanina mo pa ginawa." tugon ko naman. "Matapang," she amusingly commented. Wow, is that a compliment or what? Hindi naman ako nagsalita. Ilang sandali kaming nanahimik. I just felt the cold breeze of the air, and watched the sunset. "Pagkagising ko rito, masyado akong naoverwhelm." saad niya. Napalingon naman ako sakanya. "Hindi ko alam na ito pala ang realidad ko." tuloy niya. Patuloy lang ako sa pakikinig. "Tinawag ako nung doktor na 'Havy', kahit hindi naman 'yun ang alam kong pangalan ko." kwento niya. Kumunot ang noo ko. Matagal kong inisip kung anong kondisyon niya. Naalala ko na pinakilala ng nurse ang kapatid niya bilang Psychiatrist. Siguro ay may kinalaman sa gan'on ang kondisyon niya. "Ipinaliwanag sa'kin kung ano 'yung kalagayan ko. Kung bakit ganito mga nangyari sa katawan ko." iling niyang kwento. "Ayokong paniwalaan lahat nang sinasabi nila sa'kin. Pero hindi ko alam saan ako pupunta, sa mundong alam kong talo na ako o sa mundong hindi ko naman nakasanayan?" tuloy niya. "Ano sa palagay mo?" tanong niya, pagkatapos ay ibinaling ang tingin sa'kin. Medyo napressure ako dahil hindi ko masyadong nagets ang kwento niya. "Hindi ko man alam ang mga pinagdaanan mo, pero kung ako ang tatanungin, doon ka sa mundo kung saan ka makakapagpahinga at gagaling nang tuluyan." sagot ko. Nang marinig niya ang sinabi ko, dahan-dahan siyang humarap sa direksyon niya. Tinitigan ko siya, inoobserbahan ang mga galaw niya. Nararamdaman ko na paiyak na siya. "Hindi mo ako naiintindihan." saad niya. "Katulad ka lang nila, walang nakakaintindi sa'kin. Sa tingin mo, paano ko magagawang mamuhay sa ganitong mundo na puro panghuhusga, puro kalungkutan, at pag-iisa? Mabuti pa sa nakasanayan kong mundo, kayang-kaya kong kontrolin lahat. Lahat ng gusto kong gawin, nagagawa ko. Kung gusto ko man ng maraming kaibigan, magkakaroon ako. Kung gusto ko ng may magmamahal sa'kin, mararamdaman ko. Eh dito? ayon, nakakulong ako sa isang kwarto. Masyado akong nasasakal, sabihin mo nga sa'kin, paano ako gagaling niyan? Mas mabuti na lang na hindi ako gumaling, kaysa maranasan kong mamuhay sa realidad." saad niya. Naawa ako sakanya. First time kong makausap nang mentally disabled. And I didn't knew she felt this much. Akala ko kapag baliw, baliw na talaga. Walang iniisip, walang pakialam sa kung anong ginagawa nila. And yet, she only wants freedom. Freedom from pain and loneliness. Tahimik akong nakinig. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ako tutugon sa mga sinabi niya. "Naiintindihan ko. Pero kahit naman anong mundo ang piliin mo, may pangit pa ring side na mararanasan. Havy, kung hindi mo pipiliin ang realidad at hindi mo gugustuhing tuluyang gumaling, mas lalo ka lang maghihirap." saad ko. "We may not have the same experiences, but I know we all have secret battles we've been fighting for so long. And I'm sure you're fighting for years. Sana ngayon mo maisip na tapusin at ipanalo ang sarili mong laban. I know, it's not easy but you can try." ngiti kong advice sakanya. Nakatitig siya habang kinakausap ko. "Hindi tayo magkakilala. Pero alam ko, maraming taong nagmamahal sa'yo rito. Lalo na 'yung kapatid mong doktor. Hindi naman sa chismosa ako, pero narinig ko siya na humahagulgol at sinisisi ang sarili niya dahil sa tingin niya ay kasalanan niya ang nangyari sa'yo. Sa tingin ko, gustong gusto ka niyang tulungan." tuloy ko, at marahan kong ipinatong ang aking kamay sa balikat niya habang nakangiti. "Oh My God, Havril! I've been looking for you everywhere!" sigaw ng isang babae kaya parehas kaming napalingon. Tuluyan nang gumabi, bukas na ang city lights dito. Pati ang ilaw dito sa rooftop. Sa tingin ko ay kapatid niya na ito. "Huwag kang gagalaw, please. D-don't.." naiiyak niyang sigaw nang mapansin na nakaupo kami sa edge ng rooftop. Walang pasabi namang tumayo si Havy. Kaya napasigaw kaming dalawa. Hindi siya natinag, akala ko tatalon siya. Kaya kahit hindi kami magkatabi ay hinarang ko ang mga kamay ko sakanya. Medyo nanginginig pa ako dahil baka ako naman ang mahulog. Tumalon siya sa sahig ng rooftop. Nakahinga ako nang maluwag nang bumalik na siya. Maya-maya ay nakita ko ang kamay niya na nakataas. In-offer niya ito para tulungan akong tumayo. Ngumiti ako at tinanggap ito. Wala naman siyang pasabing umalis doon sa rooftop. Naiwan kami nung kapatid niya na tiningnan pa akong nagtatanong kung anong nangyari sa kapatid niya. Pagkatapos ay umalis din ito at sinundan ang kapatid. Kaya naiwan akong mag-isa rito. "Muntikan ka na r'on." narinig kong may nagsabi n'on. Napalingon naman ako sa likod ko. Nakita ko ang babae na nasa panaginip ko. Teka, ba't siya nandito? "Paano ka nakapunta rito?!" gulat kong tanong. "Alam mo bang delikado ang ginawa mo?" saad niya, hindi niya man lang sinagot ang tanong ko. "Huh, bakit ano namang ginawa ko?" "Mas lumalakas ka na, hindi mo ba napapansin?" saad pa niya. Ako, lumalakas? Sa paanong paraan naman? "Nakatakdang mamatay ang babaeng iyon. Pero napigilan mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD