"May dala po akong pagkain dito. Baka gusto niyong kumain atsaka samahan muna po ako?" maingat kong tanong. Ang reaction naman niya ay halatang gulat. Siguro first time rin na may mag-aya sakanya na pinagsisilbihan niya.
Pero ilang sandali ay napangiti na lang siya. Agad ko naman hinanda ang pagkain. Tumulong din siya. Buti na lang talaga at nagtake-out pa ako ng sobrang pagkain, kung sakaling magutom ulit ako. Pero masyado naman itong marami para sa'kin kaya ishashare ko na lang din.
"Nako, napakabait mo namang bata." komento niya. Napangiti na lang ako. Wala pa kasing nagsasabi niyan sa'kin.
Puro ang naririnig ko lang ay masungit, snob, walang pakialam, mataray, at kung minsan pa nga'y maldita pa. Gayong hindi naman nila ako kilala. Pero hindi ko na lang din pinapansin. I'm used to it.
Sa terrace kami tumambay at kumain. Hindi pa ako masyadong nagugutom dahil kakakain ko lang naman, kaya uminom na lang ako ng iced coffee.
"Ayos lang naman po na magstay kayo rito, right?" tanong ko naman.
"Ayos lang, hija. Sa tingin ko rin naman ay gusto mo ng makakausap." saad niya. I felt caught off guard, haha. Pero actually, hindi naman... sige, sakto lang. Ano ba 'yan!
"Matagal na po ba kayong nagtatrabaho rito?" tanong ko. Nacucurious lang ako dahil sa tuwing nakikita ko siya, parang ginagalang na siya ng mga staffs dito.
"Oo. mga 8 years na rin. Minsan na ring naging Manager dito. Pero ngayon ay mas pinili ko na lang na maging housekeeper. Hindi ko na rin naman kasi gusto 'yung nagtatrabaho sa ibang paraan. Mas gusto ko pa rin ang paglilinis at pagsisilbi." kwento niya.
"Eh 'di ba mas mahirap po 'yun?" tugon ko.
"Oo. Pero ayos lang. Pagka-60 ko naman ay magreretiro na ako at uuwi na lang doon sa Las Espadas. Siguro, magtatayo na lang ng karinderya o sari-sari store." magiliw niyang saad.
"Saan po 'yung Las Espadas?" tanong ko.
"Iyon 'yung huling bayan dito sa San Imperial." paliwanag naman niya. Ay, oo naalala ko.
"Ay! Meron d'ong dagat, malapit lang din sa'min. Baka gusto mong dumayo." saad niya.
Las Espadas?
"Sasamahan niyo po ba ako?" tanong ko.
"Ayon lang, hindi ako sigurado. Mayroon kasi akong trabaho." saad niya at halata ang panghihinayang sakanyang mukha.
"Okay lang po, Manang Fe. Marami pa naman pong mga susunod na pagkakataon eh." tawa kong tugon.
Napalingon naman ako sakanya, mukha na namang may bumabagabag sakanya.
"Bakit po?" tanong ko.
"Namimiss ko lang ang pamilya ko roon sa Las Espadas." saad niya.
"Kahit dalawang oras lang naman ang biyahe ay hindi ko pa rin sila madalaw-dalaw man lang." kwento niya.
"Matagal niyo na po bang hindi nakikita ang pamilya niyo?" tanong ko.
"Mag-iisang taon na rin." sagot niya.
"Ilan po ang mga anak niyo?" tanong ko naman. Tumawa siya, kaya nagtaka ako.
"Lima." sagot niya. Napasinghap naman ako dahil sa sagot niya.
"Hindi sila sa'kin mismo nanggaling. Pero lahat sila ay kinupkop ko simula mga musmos pa lang ang mga iyon, haha." kwento niya. Mas lalo akong nagulat dahil sa kwento niya.
Kahit 'yun pa lang ang nakukwento niya ay namangha na agad ako sakanya. Hindi biro ang magpalaki ng limang anak, partida kinupkop lang sila.
"Sorry to ask po pero, may asawa po ba kayo?" tanong ko.
"Wala. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makapag-asawa." saad niya at ramdam ko ang panghihinayang at lungkot sakanya.
"Bakit naman po?" tanong ko.
"Pito kaming magkakapatid, at pangalawa ako. Magkalapit lang ang edad namin ng ate ko kumpara sa mga sumunod kong mga kapatid. Magkaiba na kasi kami ng ama n'ong mga nakababata naming kapatid." panimula niya.
"Ang kapatid kong si Flor ay maagang nag-asawa. Bilang ako ang sumunod na pinakamatanda, ako ang nagsilbing panganay. Ako ang nagtaguyod sa pamilya, lalo na't mahirap lang naman kami. Ang ginagawa ko, sumasali ako sa mga beauty pageants at mga singing contests, haha. Naglalako ng mga kakanin, katulong sa mga karinderya, at nagbebenta sa mga palengke. Pinilit ko rin makapagtapos ng high school para sana makapasok sa isang kompanya na tumatanggap ng kahit high school graduate. Nakapag-OFW na rin ako, pero hindi katulad ng karamihan na pinalad. Pero dahil sa anim na taon kong pag-OFW ay nakapagtapos ang panganay kong si Robert. Pagkatapos n'on ay bumalik na ako rito sa San Imperial para ipagpatuloy ang pagtatrabaho para sa mga anak ko. Hindi man ako nakapag-asawa, masaya ako dahil nabiyayaan ako ng limang anak na kahit hindi man nanggaling sa'kin, ay lumalaki namang mabubuting tao." kwento niya. Tahimik lang akong nakikinig sakanya.
Ito ang first time kong makarinig ng totoong istorya. Dati kasi napapanood ko lang sa mga telenobela ang mga ganito eh.
"Manang Fe, you're such an amazing woman." I proudly said. Ngumiti naman siya.
"Sus nambola ka pa, hija." tugon niya. Halata namang kinilig siya sa sinabi ko eh.
"Eh ikaw ba, anong kwento mo?" bigla niyang tanong. Medyo kinabahan ako at the same time, natakot.
'Yung buhay ko ay walang pa-hirap kumapara sa mga dinanas niya, kahit hindi niya kwinento lahat ng sakit at sakripisyo niya, alam ko kung gaano siya nagpursigi. Ano namang maipagmamalaki ko sa buhay ko?
"Wala naman po. Walang wala pa nga po ang mga paghihirap ko sa dinanas niyo eh." nahihiya kong paliwanag.
"Hija, magkakaiba tayo ng kwento. Magkakaiba rin tayo ng hirap at sakit na dinaranas. Kaya kung sa tingin mong huhusgahan kita dahil lang sa tingin kong may pribilehiyo ka, hindi ako gan'ong tao. Alam kong may sarili kang pinagdadaanan, may sarili kang kwento." saad niya habang nakatitig sa'kin.
I started to feel being emotional.
"Nagbakasyon po ako kasi n'ong una ay gusto kong tumakas. Tumakas sa pagiging mag-isa at sa mga bagay na hindi ko na nakokontrol. Pero ngayon, gusto ko rin sanang hanapin ang sarili ko. Kung sino ba talaga ako." kwento ko.
Dati, para sa'kin ay isang kalokohan kapag sinabi ng isang tao na hindi pa nila kilala ang sarili nila kaya hinahanap nila ito. Nakakatawa kasi like duh, hindi mo ba nakikita ang sarili mo? Then look in the mirror.
But now, I felt dumb. Ito pala 'yung feeling na, kilala mo naman 'yung sarili mo- your ambitions, goals, interests, pero bakit parang may kulang pa rin? bakit parang walang-wala pa rin ako? Like I feel empty and lost.
Ilang sandali kaming nanahimik.
"Naiintindihan ko, Raven." saad niya.
"Kahit 'yan lang ang binigkas mo, nararamdaman ko na naguguluhan ka sa mga nangyayari sa'yo ngayon. Ganiyan talaga ang buhay. Pero naniniwala ako sa tamang panahon, makikilala mo rin ang sarili mo. Basta magtuon ka ng panahon at tiyaga na mahalin at kilalanin ang sarili. Makakamit mo rin ang kapayapaan." ngiti niyang payo. Biglaang gumaan ang pakiramdam ko nang marinig ko ang mga tinugon niya.
Like nagkaroon ako ng pag-asa, maybe it's true. 'Yung mga sinabi ng babae sa panaginip ko, paulit-ulit ko lang din naririnig sa iba't-ibang tao. Hindi kaya ito na rin ang mga mensaheng pinapahiwatig sa'kin? Maybe the universe wants me to work on these things.
I laughed when I thought of this. Parang kailan lang na ayaw na ayaw ko talagang iniisip ang mga ganitong bagay, ayaw ko rin paniwalaan. Pero ngayon, sinusubukan ko na. Parang ang bilis lang.
Naramdam ko kahit papaano na maswerte ako, at naramdaman ko rin ang kasiyahan dahil kahit hindi ko man kwinento ang buong buhay ko, naranasan ko na may nakaintindi sa'kin at hindi ako hinusgahan.
Ilang sandali pa at nag-usap kami ni Manang Fe tungkol sa iba't-ibang bagay. Pinakilala niya ang lima niyang anak. Si Robert, ang panganay na 27 years old na ngayon, sumunod si Isagani na 24 years old, si Rachel na 19 years old, si Leo na 17 at si Ningning na 13 years old. Ang bunso pala'y teen na. Wala nang chikiting sa mga anak niya. Kaya siguro todo kayod din si Manang Fe dahil puro high school at college na ang mga anak niya. May sariling pamilya na kasi si Robert kaya ang katuwang niya ay si Isagani na kakatapos lang ng pag-aaral sa kursong Architecture. Habang sila Rachel, Leo, at Ningning ay kasalukuyan pa ring nag-aaral.
Ikwinento rin ni Manang Fe ang naging buhay pag-ibig niya, hindi siya pinalad na makapag-asawa dahil mas pinili niya ang responsibilidad. Sabi pa nga niya na minsan ay naiisip niya na kung siguro ay pinili niya ang minamahal, siguro ay mayroon na siyang sariling pamilya. Pero sabi niya pa ay hindi naman daw niya pinagsisihan ang lahat. Masaya pa rin siya sa buhay niya ngayon.
Bilib ako sakanya dahil sa gitna ng hirap at sakit na na-experience niya sa buong buhay niya, naramdaman pa rin niya ang happiness.
Sana all na lang.
Nagtawanan pa kami ni Manang Fe nang mapatitig ako sa mga mata niya.
Parang nagzoom ang paningin ko sa mata niya na tipong nakita ko na ang kabuuan niya, ang kaluluwa niya.
Napasinghap ako.
"B-bakit, Raven? May dumi ba sa mukha ko? Ba't parang nakakita ka ng multo?" nag-aalalang tanong ni Manang Fe habang nakapatong ang kamay niya sa balikat ko. Doon din naputol ang pag-tingin ko sa mga mata niya.
N-nakita ko na naman.
Hindi ako makapagsalita dahil sa gulat. Labis akong natakot para sakanya.
A-anong gagawin ko?
Humigpit ang hawak ni Manang Fe sa balikat ko kaya napatingin ako rito. Nakita ko na para siyang nahihirapan dahil bigla niyang hinawakan ang dibdib niya.
Agad akong kumilos. "M-manang Fe? A-ano pong nangyayari sainyo? Okay lang po ba kayo?" nag-aalala kong tanong. Nakahawak siya sa balikat ko nang mahigpit at nasasaktan na ako. Bigla siyang tumumba kaya napasigaw ako.
"M-masakit... Masakit... A-ang sakit, ng puso..." mahinang tugon ni Manang Fe. Agad ko siyang inalalayan at pinaupo sa isang upuan. Tumakbo ako sa may table kung nasaan ang telepono. Nanginginig akong nagdial sa may staff at sinabing may emergency at tumawag ng ambulansya.
Agad namang bumukas ang pinto makalipas ang ilang segundo.
"Nandito na po ang ambulansya!" saad ng isang staff. Agad nilang inalalayan si Manang Fe na hinang-hina.
Hinihingal ako. Kinuha ko ang purse ko at sumama roon aa ambulansya. Kasama ko ang nagpakilalang Manager ng villa resort.
Tinanong niya ako kung anong nangyari at bakit naroon si Manang Fe. Ikwinento ko sakanya ang nangyari.
"Ngayon lang 'to nangyari. Ang alam ko ay tinatrangkaso paminsan-minsan itong si Madame Fe pero ngayon lang talaga 'to nangyari." saad ng Manager na mukhang nag-aalala na rin. Nandito kami sa loob ng ambulansya. Mabuti na lang at pinayagan na kaming dalawa ang mag-assist.
Labis akong nagulat dahil sa bilis ng mga pangyayari. Hindi ko ineexpect 'to.
Dahil hindi naman ito ang nakita ko sa vision ko.
***
Sa wakas ay nakapunta na kami rito sa hospital. Dineretso si Manang Fe sa Emergency Room. Naiwan kami sa labas ng room.
"Oh my God! Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari 'to sa kapatid ko! Sobra-sobra na! Sobra-sobra na talaga!" rinig kong sigaw ng isang babae. Napalingon naman ako at nakita ko ang isang babae na nakasuot ng white coat, doctor ata 'yun?
Nasilip ko naman sa tabi niya ang isang nag-aagaw buhay na pasyente. Hindi na ma-describe ang hitsura nito dahil punong-puno ito ng mga pasa at sugat at ang katawan ay parang bangkay na.
Sobra nga talaga. Nakakamanghang nakarevive pa 'yung pasyente.
Sinara na n'ong babae ang pinto. Patuloy pa rin sa paghagulgol ang babae. "Kasalanan ko lahat nang ito. Kasalanan ko na hindi ko agad siya nahanap. Hindi sana mangyayari 'to!" saad niya sa kasama. Pinatahan naman siya ng kasama sa pamamagitan ng pagyakap.
"Uhm, Ms. Raven." napalingon naman agad ako nang tawagin ako ng Manager.
"Ano, kumusta na si Manang Fe?" diretso kong tanong.
"Sabi ng doctor, ayos na siya at nagpapahinga na. Buti at naidala agad siya rito." paliwanag niya. Nakahinga na ako nang maluwag. At least alam kong hindi pa ito ang huli niya.
"Sorry to interupt you, Ms. Raven. Kami na ang bahala rito. Pwede ka nang bumalik sa villa resort, ipapasundo na lang kita." tuloy niya.
"Okay lang po ako, Sir. Kaya ko naman pong magstay. Napalapit na rin po sa'kin si Manang Fe kahit sa sandaling nakasama ko siya. At feel ko na need ko ring bantayan siya kahit paano, medyo nagiguilty ako na dapat pala ay nagpahinga na lang siya kaysa sinamahan pa ako." saad ko.
"Wala kang kasalanan, Ms. Raven. Pero sigurado ka bang gusto mong magstay dito?" tanong ng Manager. Tumango ako.
"Ay, alam niyo po ba ang contact details ng pamilya niya? Baka po kasi hindi pa nila alam." saad ko.
"Yes. I forgot to tell them pala. 'Di bale, tatawagan ko na lang." tugon ng Manager na halatang mas lalong nastress.
"Uhm, pwede po bang ako na lang?" saad ko. Pinilit ko pa siya para ibigay ang number ng kapatid ni Manang Fe na si Aling Flor.
Agad ko namang kinausap si Aling Flor sa telepono at ipinaalam sakanila na nasa hospital si Manang Fe. Labis na nag-alala ang kapatid niya at sinabing pupunta na rin sila agad kasama ang ilan sa mga anak ni Manang Fe.
Ilang oras na ang nakalipas, sinabihan ako ng Manager na naasikaso na ang lahat dito sa hospital at puntahan ko na raw sa room si Manang Fe. Para din daw makapagpahinga ako.
Pumunta ako sa room ni Manang Fe. Pagpasok ko ay nakita kong mahimbing na nagpapahinga na si Manang Fe. Napansin kong private room din pala ito, may sariling C.R., iisang malaking kama, may isang table at malaking sofa. Medyo malaki rin ang room na 'to.
Itinabi ko muna ang purse ko sa may table at umupo sa sofa. Ngayon ko lang din naramdaman ang pagod kaya sumandal ako sa sofa at ipinikit ko ang mga mata ko para sandaling magpahinga.