Chapter 2

1449 Words
"Hey, girl! What's up!" bati sa'kin ni Violet sabay akbay, pagkalapit nito sa'kin. "Seriously?" tanging saad ko lang dahil alam kong nang-eechos lang ang isang 'to. "Char lang, ano ka ba!" bawi niya habang tumatawa. Napansin ko naman si Aleister na lumapit sa amin at umakbay kay Violet. "Inaasar ka na naman ng kaibigan mo? Ito talagang si Violet." kantyaw ni Aleister, sabay kiliti sa may tagiliran ni Violet. "Hoy! Ano ba!" mas lalong napatawa si Violet at tuluyan silang nag-asaran. Habang ako ay tinitingnan lang sila at napasapo na ang kamay ko sa aking noo dahil sa mga kalokohan nila. Nang may napansin akong may parang lumiwanag sa bandang kamay ko. Kaya tiningnan ko ito. 00:03:56 Mayroon akong nakitang mga numbers sa may wrist ko, para siyang timer? Nag-glow sila, sinubukan kong tanggalin kasi baka nasulatan ko lang. Pero hindi matanggal, para siyang tattoo. Parang nakita ko na rin 'to dati. Hindi ko lang maalala kung kailan at saan. Maya-maya ay napansin kong nanahimik naman ang dalawa nang mapansing hindi ako nakikisama. "Bakit? May topak ka na naman ba?" saad ni Aleister. Hindi ko alam kung concern ba 'to sa'kin o nang-aasar lang eh. "Anong tinitingnan mo dyan sa kamay mo, 'teh?" tanong ni Violet. "Nakikita niyo ba 'to?" tanong ko sabay angat ng braso ko at ipinakita ang mga numbers na nasa wrist ko. Napakunot ang noo ng dalawa. "Oo." sagot ni Aleister. Dahil dito ay nabuhayan ako, akala ko ako lang ang nakakakita na may nag-glow eh. "Oo, nakikita namin braso mo, girl." saad ni Violet. Agad namang bumaba ang aking balikat. Huh, so hindi talaga nila napapansin? Akala ko pa naman ay nakikita nila. O baka naman ay guni-guni ko lang? "Bakit ano bang meron?" tanong ni Aleis. Mukhang nacucurious ang dalawa dahil naghihintay sila ng sagot mula sa'kin. Sasabihin ko ba? Baka kasi kung anong isipin nila. Nakita kong tumaas ang kilay ni Violet, halatang naiinip na. "Go, sabihin mo, ano meron?" saad niya. "K-kasi, may nakita akong mga numbers sa wrist ko. Baka lang napansin niyo rin." mahina kong pahayag. Biglang kumunot ang noo ni Aleis, habang si Violet ay parang biglang malalim na nag-iisip at nagpoprocess pa ata sakanya ang sinabi ko. Kinuha ni Violet ang braso ko at tinitigan ang wrist ko. Hinahanap niya ata 'yung number na tinutukoy ko. "Wala naman, ah." saad ni Violet. "'Yung totoo, Raven. Sabog ka ba?" saad ni Aleis, ang mukha pa niya ay seryoso. Medyo natawa pa tuloy ako dahil sa reactions nila. "Siguro nga, baliw ako." bumuntong hininga na lang ako. "Sige, hayaan niyo na. Kalimutan natin 'to." natatawa kong tugon sakanila. Habang sila nama'y nagtataka sa mga ikinikilos ko. "Nako, baka may superpowers ka!" komento ni Violet. Heto na naman siya. Ang kaibigan kong mapaniwala sa mga bagay na imposible at malayo sa realidad. Mahilig siyang magbasa ng mga fictional stories or books, at favorite niyang genre ay fantasy. Kaya 'yung mga nababasa niya ay nadadala rin niya rito. Lahat nga ng panaginip niya ay hinahanapan niya ng signs at meanings eh. At sabi niya pa ay gusto niya raw matuto maglucid dream, kaya nagpapractice na siya. Medyo nakakatakot pa raw sa una dahil minsan ay nag-sleep paralysis siya. Namilog ang mata ko, sa sleep paralysis ay maniniwala pa ako dahil nangyayari 'yon kapag may problema ka sa tulog or what. Pero ang mga dreams like- lucid dream? Ewan ko ba sakanya. "Kung ano-ano na naman naiisip mo, Violet." tugon ko sakanya. Ngumuso naman siya, habang si Aleis ay pinagtawanan siya. "Eh ano bang hitsura ng nakita mo?" tanong ni Aleis. "Huwag na nating pag-usapan 'yun." saad ko na lang. "Ano nga!?" tanong ni Violet na sa tingin ko ay sobrang naiintriga. Masyado naman nilang sineseryoso 'tong shinare ko sakanila. Siguro dahil ito rin ang unang beses kong magshare nang ganitong kakaibang kwento. "Para siyang timer eh, ta's nag-glow. Then ayun, nawala na lang na parang bula." kwento ko. "Baka guni-guni ko lang 'to. Hayaan niyo na." tuloy ko. Mukha naman silang hindi kumbinsado. "May napanood akong kdrama na ganyan. Nakikita niya 'yung parang timer sa wrist niya, pero pati rin sa ibang tao. Kaso 'yung timer na 'yun ay time ng death nila." komento ni Violet. Nang ikwento niya iyon ay parang kumabog ang dibdib ko. Kakaibang pakiramdam, may takot at pangamba nang marinig ko ang salitang may kaugnayan sa kamatayan. You know how I fear death. "Sus, 'wag na nga natin pag-usapan 'yan. Naglolokohan na tayo rito eh!" saad ni Aleis at tumawa pa. Mukhang napansin niya na hindi na ako komportable sa ikwenekwento ni Violet. "Ay, oo nga. Sige. Joke lang 'yon, Raven. Alam ko namang hindi ka rin maniniwala sa mga gan'on. Share ko lang! Peace, my labs!" saad ni Violet. Ngumiti na lang ako. "Alam ko. 'Tsaka nga pala, ba't pa kayo nandito? Magtrabaho na nga kayo!" saad ko na lang. Tumawa na lang kami at umalis na 'yung dalawa. Umupo na ako at muling tiningnan ang wrist ko. Baliw ka na talaga, Raven. *** It's already afternoon at malapit nang matapos ang trabaho. Maybe 30 minutes I guess, ay uuwi na ako. "Ms. Raven?" may tumawag sa'kin kaya inangat ko kung sino ito. "Pinapatawag po kayo ni Mr. Velarde, ngayon na po." saad ng kanyang Secretary. Kumunot ang noo ko. Bakit naman ako ipapatawag ng may-ari ng publishing house na 'to? "Okay, let's go then." tugon ko. Iniwan ko na muna ang gamit ko sa desk. Mamaya ko na lang ito aayusin. Sumunod na ako sa Secretary at pumasok sa office ni Mr. Velarde. "Mr. Velarde, nandito na po si Ms. Raven." bati ng kanyang Secretary pagkapasok namin. Napatingin ito sa amin, mukhang kanina pa niya kami hinihintay. Tuluyan na akong tumungo sa upuan, habang ang Sekretarya niya ay lumabas ng office. "Bakit niyo po ako pinapatawag?" panimula ko. "Dahil gusto kitang makausap." saad niya. Kumunot ang noo ko. "Tungkol saan?" tanong ko. "Matagal ka nang nagtatrabaho rito, 'di ba? Mga ilang years na rin." saad niya. Hindi sinagot ang tanong ko kung tungkol saan ang pag-uusapan. "Ano naman po?" "Marami ka nang nagawang articles and contents na sumikat at nakilala. I must say that your works are really impressive." pagpapatuloy niya. Sa mga sinasabi niyang ito, parang alam ko na kung saan 'to patungo. "But Ms. Zamora, I'm sorry to say that you're fired." saad ni Mr. Velarde. What? Tama ba 'tong naririnig ko? Napataas ang kilay ko. "Seryoso ba kayo, Ninong?" saad ko. Yes, I'm talking to him na bilang Ninong ko and not as a boss. "Yes, Raven." sabi niya. I can't believe this is happening! "Bakit po? May nagawa po ba akong violations? May issues po ba sa mga nagawa kong articles? Bakit agad-agad?" sunod-sunod kong tanong. As far as I know, I'm doing my job perfectly. Kaya imposibleng may mali sa mga gawa ko at para magkaroon ng issue or what! "Alam mo naman kung bakit ka nakapasok dito, in the first place, hija." saad niya. Oh, so this is about connections. "So, sinasabi niyo pong kaya lang ako nakapasok ay dahil inaanak niyo po ako? So, hindi po talaga ako magaling?" pangongosensya ko. "Hindi naman sa gan'on, hija. Kaya ka nga tumagal dahil sa pakiusap ko na magstay ka, because of your works and talent." kalmado niyang saad. "Pinakiusapan ka rin ba ni dad na paalisin ako?" tanong ko. Hindi siya nakasagot. "Hija, I think your father is right. Ito na ang oras para tumulong ka naman sa business niyo. After all, ikaw din naman ang magmamana n'on." saad niya. So totoo nga. Iyon ang dahilan ba't gusto akong paalisin dito. "Pero Ninong, ayoko! Ito 'yung career na gusto ko!" matigas kong saad. "Sorry, pero sa tingin ko ay dapat sundin mo ang parents mo. It is for your own good." "For my own good? Or for their own good?" pambabara ko. "Raven." "Kung gusto mo talaga ang ginagawa mo ngayon, sabihin mo sakanila. Kausapin mo sila nang masinsinan. Ipaliwanag mo kung gaano mo kagusto itong ginagawa mo." payo niya. "Hindi nila ako maiintindihan." mahina kong sagot. "Labas na 'ko riyan. Here's the deal, dapat mapapayag mo ulit ang magulang mo. At sa susunod na pupunta ka ulit dito para sa trabaho, you should apply for the job that you want." saad niya lang. Bumuntong hininga na lang ako. May magagawa pa ba ako? Walang pasabi akong tumayo at lumabas ng opisina niya. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. I expected this, pero bakit ngayon pa? So, what now? What am I gonna do now? I s-suddenly feel lost.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD