Chapter 3

1125 Words
Matamlay akong umalis sa labas ng opisina. Dumiretso ako sa office ko at nagmadaling ligpitin ang mga gamit ko. Hindi ko muna kukunin lahat ng gamit ko na nandito, siguro next time na lang dahil wala ako sa mood. Paalis na ako nang makasalubong ko sina Violet. "Uy teh, may gagawin ka pa ba after nito? Kung wala, gala us!" masiglang aya ni Violet. Nasa tabi niya si Aleister na busy sa pag-aayos ng kanyang gamit. Actually, wala naman ako sa mood para gumala ngayon. Pero napag-isipan ko na ayaw ko pang umuwi. Ayaw ko rin sila munang makasabay sa dinner. Naiinis pa rin ako sa nangyari. "Sige." tipid kong sagot. Nauna na akong maglakad. "Ven, may problema ba?" tanong ni Aleis. Lumingon ako sakanila, si Violet ay napatingin sa'kin na nagtataka. Gan'on ba ako ka-transparent para mapansing hindi ako okay at may malaki akong problema? Hays. "Kain muna tayo, doon ko na lang sasabihin." saad ko na lang at nagpatuloy na sa paglalakad. Ilang minuto pa na biyahe papuntang Mall, ay nakarating na rin kami sa wakas. Naghanap kami ng Restaurant na pwedeng kainan, at nag-order na ng mga pagkain. Habang naghihintay sa pagkain ay in-open ni Violet ang topic about sa problema ko. "Uy, ano ba 'yung problema mo Raven. Naiintriga ako, ah. Hindi ka nagsasabi." saad niya. Tiningnan ako ni Aleis na mukhang nag-aalala. Silang dalawa ay magkatabi sa upuan, ako naman ay katapat nila. "Tinanggal ako sa trabaho." tipid kong saad. "Ano!?" saad ni Violet nang mabulunan pa ito. Kumunot naman ang noo ni Aleis. Agad kong inabot kay Violet ang baso ng tubig para mahimasmasan. "Bakit naman?" tanong ni Aleis. "Eh ang galing galing mo nga. Tapos 'yung mga gawa mo pa ang usually na sumisikat. Imposibleng pakawalan ka, lalo na't ninong mo ang may-ari!" pagrereklamo ni Violet nang mahimasmasan. Tumango-tango naman si Aleis bilang pagsang-ayon. I sighed. Parang kasi hindi nila alam kung paano at bakit ako nakapasok dito. "Utos ng magaling kong ama eh." saad ko. Natahimik naman ang dalawa. "Pero pwede mo namang ipaglaban 'yun eh. Gusto mo naman talaga itong ginagawa mo ngayon, 'di ba?" saad ni Violet. "At saka, matanda ka na, Raven. You can make you own decisions for your own life. Kaya you should choose the things that makes you happy." advice ni Aleis. Napalingon naman si Violet sakanya sabay tango habang nginunguya ang kanyang pagkain. "True!" "Alam mo, minsan may sense ka pa lang kausap 'no? Sana always!" komento ni Violet. Binatukan naman siya ni Aleis. At ako naman ay natawa na lang. I think I should consider Aleis' advice. Hindi ko alam pero bigla akong ginanahan, dahil ba sa suporta at advices nila? I don't know but, I think I should really make a move. "What if, I'll make a content na sobrang kakaiba pero at the same time, interesting para sa mga readers?" bigla kong saad. "Ano namang content? 'Tsaka 'di ba dapat gan'on naman 'yung goal? Unique but interesting!" saad ni Violet. "Medyo risky 'yan. Minsan sa sobrang kakaiba ng mga topics, kahit interesting pa 'yan ay hindi susubukan ng mga readers na basahin, because they're not used to it and hindi sila pamilyar d'on." saad ni Aleis. "Ang nega mo naman. Syempre, sure akong kaya 'yan ni Raven. Malakas 'yan eh!" saad ni Violet kaya natawa kami. "Sa tingin ko, kailangan mo munang magpahinga." hindi pinansin ni Aleis ang komento ni Violet. "Ay, bakit hindi ka kaya gumawa ng travel blog? Magbakasyon ka habang gumagawa ng blog. Try to look for a new inspiration!" suggest ni Violet. Mukhang tama sila. Kailangan ko munang lumayo at mag-isip-isip. "Tapos, isama mo na rin kami!" excited na saad ni Violet. Binatukan naman siya ni Aleis kaya natawa ako. "Gustong gusto mo talagang gumala eh 'no." kantyaw ko. Napanguso naman siya. "Pero sa tingin ko, kailangan mo na talaga komprontahin ang magulang mo. Alam naman naming kaya mo 'yan." saad ni Aleis. Kunot-noo namang napatingin si Violet sakanya. "Aba! Ba't parang ang tino mo kausap ngayon, Aleister? Anong nakain mo?" asar ni Violet. Umirap na lang si Aleis sabay inom ng iced tea. "But yeah, I think I have to rest. Bahala na. Ipagpapabukas ko na lang 'to. I'm just too tired to confront them today." saad ko na lang. Alam ko namang naiintindihan nila dahil sa nalaman kong masamang balita. I just need to breathe. I just need to sleep, and process this things in my mind. Huminga ako nang malalim. Ilang minuto pa at nagkwentuhan kami sa ibang mga bagay. Hanggang sa naisipan na naming umuwi. May kotse si Aleis, at si Violet ay sasabay na lang sakanya. Habang ako naman, ay gagamitin ang sarili kong kotse para umuwi. I bid good bye to them, habang nakita kong nasa loob na sila ng kotse hanggang sa nakaalis na ang dalawa. Then, dumiretso na ako sa pinagpark-ingan ko. And as I walk there, I saw something that pricked my interest. Wait, am I hallucinating? Ano 'tong nakikita ko? Nagmadali akong lumapit doon sa babae. Kasi naman, I just saw that she has something like a thin lining that surrounding her head, and it's like glowing in the dark. Hindi ko alam, pero habang papalapit ako ay lumalakas ang t***k ng puso ko. Sumisikip ito na parang hindi ako makahinga. I feel really scared right now. I feel nervous, and I am anxious right now. But still, I have this urge of wanting to know about this. Tuluyan akong nakalapit sa estrangherong naglalakad. Hinablot ko ang braso nito, dahilan para gulat itong mapalingon. And there, I met her eyes. Parang tren na mabilis na sumasaga sa'kin. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. I am really shocked. I d-don't know what to think. Kumunot ang noo ng babae, nagtataka kung bakit ko hinablot ang kanyang braso. Unti-unti akong kumalas dito, nakatulala pa rin. Tahimik namang umalis ang babae, nagtataka pa rin kung bakit gan'on ang reaksyon ko. I've never felt so fear in my life, until now. A-anong nangyayari? Nababaliw na ba ako? Tahimik akong pumasok sa loob ng kotse. Isinandal ko ang dalawa kong kamay sa manibela, and leaned. I'm so stressed right now! But another thing that I noticed. My wrist, it's glowing! 00:03:56 Kumunot ang noo ko. I touched it and tried to erase, but I can't! Teka, may kinalaman ba 'to sa kanina? Naalala ko na naman ang nangyari kani-kanina lang. It was so vivid. As I met that stranger's eyes, I saw a memory. Hindi ko alam paano ipapaliwanag ito dahil sobra akong nanginginig habang inaalala ko. I saw her memory. "I t-think, I think it's her death."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD