Nakauwi na ako sa bahay.
Nagpapasalamat ako dahil kahit lutang ako habang bumabyahe ay hindi ako naaksidente. Masyado kasing occupied ang isip ko tungkol sa mga nangyari ngayong araw.
This day was really stressful and weird.
Hindi ko alam kung anong nangyayari- kung bakit ako nawalan bigla ng trabaho without informing me, the glowing numbers on my wrist, and that creepy memory kanina.
I'm worried, magpakonsulta na kaya ako sa psychiatrist? I felt really sick.
Bumuntong-hininga ako.
I think, I just really need to sleep.
Dire-diretso lang ako sa loob ng bahay, paakyat na sana sa kwarto nang may tumawag sa pangalan ko.
"Raven."
Napalingon ako sa may dining area. Napansin ko na naghahapunan sila roon. Kumpleto pa, nandyan si dad, si Eisha, at si mom. Nakita ko naman sa gilid si Manang.
"Come here, kumain ka na." pag-aya ni mom. Tiningnan ko lang sila pabalik, tapos ay umiling.
"No, thanks." tamlay kong sagot at tuluyan nang umakyat.
I have a legit excuse though. Kumain na ako with my friends, so I don't need to eat with them.
Naghanda na ako sa pagtulog pagka-pasok ko sa loob ng kwarto. Wala akong iisipin ngayong gabi kun'di ang magpahinga at itulog lahat nang ito. Aasa na bukas, magiging normal na ulit ang lahat.
Speaking of tomorrow, yes. What about tomorrow?
Napahilamos ako sa aking mukha habang nakahiga sa kama.
I always plan everything kasi, from the outfits that I wear, foods, and syempre 'yung mga ganap ko sa kinabukasan. Everything should be done according to my plan. Pero pa'no na nga ba bukas? Now that I have no work?
Should I consider the vacation that my friends suggested? Or should I apply sa ibang company? Dahil ayaw ko namang nandito lang ako sa loob ng bahay. It's suffocating lalo na kapag nandito sila.
Bukas na lang siguro ako magpaplano. Gusto ko ring makausap si dad tungkol sa pagsisante sa'kin. I want everything to be clear. Although I know this is because of our business. Nakikinita ko nang pagtatalunan na naman namin ito. But, this time, I hope magets nila ang point ko.
Because I also wanted to be heard. Gusto kong marinig nila 'yung gusto kong sabihin at gawin.
Bumuntong-hininga ako.
I just hope everything will be done the way I want it to be.
I started to close my eyes.
Patulog na sana ako pero tuluyang magising ang diwa ko at bigla akong napadilat nang may tumawag sa pangalan ko.
"Raven."
The voice seems very familiar to me, gayong parang first time ko lang marinig ang boses na iyon dahil wala naman akong kilalang boses na ganyan.
Jamais vu, huh.
Nakadilat ang mga mata ko, pinakiramdaman ang paligid. Sobrang dilim, bakit gan'on?
"Raven."
I heard it again. Ano ba 'yon?
"Raven."
Kung kanina ay parang pabulong lang ang naririnig ko, ngayon naman ay palakas ito nang palakas.
"Raven!"
Urgh! Tuluyan na akong bumangon. I'm not easily scared of this horror stuff or whatever pero wala ako sa mood dahil gusto ko nang matulog! Kaya bumangon ako sa kama at matapang na hinarap kung ano man 'yung nang-iistorbo sa pagtulog ko.
Also, I don't know why sobrang dilim sa kwarto ko. Wala man lang akong maaninag. I'm sure hindi naman ganito kadilim kapag malalim na ang gabi dahil may maaninag naman ako mula sa labas kahit 'yung ilaw or kahit liwanag ng buwan man lang tuwing nagigising ako in the middle of the night eh.
Feeling ko tuloy bulag ako dahil ni-katiting na liwanag ay wala akong maaninag, partida dilat na dilat pa ang mga mata ko ngayon.
So, nangangapa ako papunta sa switch ng ilaw. Pero wala akong mahawakan na kahit ano.
"Raven."
Nag-echo ang boses na 'yon na parang nasa empty space ako.
Am I hallucinating?
Am I still in my room? Where am I?
"Raven."
Maya-maya pa'y may biglang maliit na liwanag sa kung saan, dala ng pagka-panic ko, so syempre patakbo akong pumunta roon.
I, myself, don't understand what's happening, I just run and run towards that light. Habang lumalapit ako, lumalaki ang liwanag na ito. Maya-maya'y tumigil ako nang may marealize.
Wait.
I think I've seen this before.
Tinitigan ko ang liwanag at inaalala kung saan ko ito nakita.
This scene looks very familiar.
Hindi na natapos ang pag-alala ko nang mas lumaki ang liwanag at para akong binalot nito.
Pero ngayon ay hindi na ako nagpanic, I just closed my eyes.
"Raven."
Dumilat na ako dahil sa narinig kong boses. Mas malapit na ang boses na ito kaya lumingon ako para tingnan kung sino iyon.
Tumambad sa akin ang isang babae. Napatulala ako nang masilayan siya.
She looks mysterious yet I can feel that she is powerful. She seems so perfect too.
Nang mapansin kong nakatitig lang ako sakanya, napansin ko naman ang lugar nasaan kami.
Napakunot ang noo ko.
Nasaan ba ako? Napalinga ako sa paligid. Pagkatapos ay tumingin ako sakanya.
"Who are you?" tanong ko. Tumalikod siya at naglakad. Sumunod naman ako sakanya.
Sa paglalakad niya, pinagmamasdan niya ang mga bulaklak na nasa paligid. When she touches those flowers, it started to glow beautifully. Namangha ako, hindi dahil sa ginawa niya, kun'di dahil ang ganda ng pagka-glow ng mga bulaklak. It looks surreal.
Tiningnan ko ang paligid.
Yeah, everything looks surreal.
"If there is one question that you wanted to ask to the universe, ano iyon?" tanong niya. Medyo nagulat ako dahil nagsalita siya ng Tagalog.
Napaisip naman ako kung ang tanong.
At saka, universe? I mean, what about universe?
"Just ask a question that keeps bothering you." saad niya habang busy sa pagtitingin sa mga bulaklak.
Nagpatuloy lang ako sa pag-iisip.
A question that keeps bothering me, huh.
"Anong nangyayari sa'kin- bakit may mga pangyayari na parang hindi naman totoo? Nababaliw na ba ako?" iyan ang unang tanong na pumasok sa isip ko. I know, it's not only one question pero I'm really confused kung bakit suddenly, I feel like I'm going crazy.
Bumuntong-hininga ang babae. Tumungo siya at hinarap niya ako.
"Hindi ka nababaliw o nahihibang." tipid niyang sagot.
Kumunot naman ang noo ko. Wait, bakit niya naman sinagot 'yung tanong ko na parang alam niya kung ano ang pinagdadaanan ko. 'Wag niya kamong sabihin na siya ang universe.
"Who are you to answer that? Hindi mo naman ako kilala or what." saad ko.
"I know you... more than you do." saad niya. Napatahimik ako sandali, maya-maya'y tumawa na lang.
This is ridiculous! Ano bang pinagsasabi niya?!
"Baka next mong sasabihin, isa kang Goddess or what, ah." tawa kong saad.
Naglolokohan lang kami rito. Is she crazy or am I only dreaming?
Nang muli ko siyang tingnan ay walang expresyon ang mukha niya.
"Yes, you are dreaming." napasinghap ako dahil sa sinabi niya. Paano niya nalaman ang iniisip ko?
"I'm just guiding you to your purpose in the realm where you currently at." saad niya. Hindi ko siya naiintindihan. Ginagabayan? Bakit naman niya ako gagabayan, I mean, for what?
"Lahat ng iyan ay nangyayari sa'yo ngayon lang, dahil ngayon na ang itinakdang panahon." patuloy niya.
"Itinakdang panahon?" pigil kong tawa. Maya-maya pa'y nagpatuloy lang siya sa pagsasalita habang ako ay unti-unting nanghihina.
Her words- makes me feel sleepy and it's so relaxing.
"I want you to know that this is the truth- your purpose, your destiny."
"Seek and find the answers that keeps bothering you in this lifetime for it will lead you to where you truly belong."
"Follow your intuition."
"Raven, be brave." mahinang bulong niya, unti-unting pumikit ang mga mata ko na parang antok na antok na.
***
TW: Harassment, Death
I woke up very early in the morning.
Lumapit ako sa terrace ko, at binuksan ang pinto roon. I felt the cold breeze embraced me and ang nolstalgic na feeling tuwing umaga. At dahil malamig, bumalik na ako sa loob ng kwarto.
Siguro dahil maaga akong nakatulog kagabi kaya maaga akong nagising. Balak ko pa sanang bumalik sa tulog, pero hindi na ako nakatulog pa. So, bumaba na lang ako para kumain.
Naabutan kong kasalukuyang naghahanda ng pagkain ang mga katulong. Napansin naman ako ni Manang Lourdes.
"Oh, hija. Sobrang aga mo namang magising. May pupuntahan ka ba ngayon?" tanong niya.
"Wala po, Manang. May pagkain na po ba?" tanong ko. Agad namang nagsipaghanda ang mga tao nang marinig ang tanong ko.
"Ay, oo. Halika, kumain ka na rito." saad niya. Nag-asikaso na siya sa pagkain ko.
Habang naghihintay, pansamantala akong nanood ng news sa T.V. It's like 5 a.m. in the morning kaya news ang pinapalabas.
"Oh, paborito mong kape." saad ni Manang saka ibinigay ang coffee ko. Tahimik ko itong ininom habang nanonood ng balita.
BALITA: Babae patay matapos nakawan sa kalye Heronimo kagabi.
Ang 27-anyos na babae ay natagpuang wala nang buhay kagabi sa kalye ng Heronimo.
Ipinahayag ng mga awtoridad ang pangyayari na ito raw ay ninakawan dahil wala na itong gamit bukod sa hawak nitong hawakan ng kanyang bag.
Mukhang nanlaban pa ang biktima kung kaya't tuluyan itong napuruhan ayon sa mga nag-imbestiga.
Agad namang nakilala ang babae- si Olivia Corazon na siyang nakatira sa isang condominium malapit sa kalye Heronimo...
Kasalukuyan akong nakatutok sa balitang ito nang makita ko ang mukha ng babae.
Bahagya akong natigilan nang maalala ang mukha at muli ko ring naalala ang pangyayari kagabi.
I've seen a vision from her eyes.
Naglalakad siya mag-isa sa isang madilim na kalye na walang ibang tao sa paligid o malapit man lamang sakanya, papauwi sa kanyang tahanan.
Nang may narinig siyang kaluskos na parang may sumusunod sakanya.
Pinakiramdaman niya naman ang paligid nang ilang sandali.
Wala na siyang narinig. Kung kaya't nagpatuloy siya sa paglalakad.
Hanggang sa narinig na naman niya ang kaluskos na tila mayroong naka-abang na panganib.
Dala ng takot, binilisan niya ang paglalakad. Alam na niyang mayroong ibang tao malapit sakanya. Naramdaman niyang bumilis din ang paglalakad ng taong nasa likod niya.
Hanggang sa tumakbo na lang siya, ngunit may biglang humarang sa dinaraanan niya.
"Holdap 'to!" sigaw ng lalaki na may hawak na patalim. Ang nasa likod naman ay tuluyang nakalapit sakanila at agad na hinawakan ang kanyang mga braso.
Nagpupumiglas ang babae, kaya naman siya ay sinuntok sa tiyan, kasunod ay sa mukha.
Napahagulgol ang babae at nagmakaawa na huwag kunin ang kanyang gamit.
"Huwag po! Importante po ito sa'kin, parang awa niyo na!" sigaw ng babae. Ngunit hindi nakinig ang mga ito sakanya.
Napigtal ang hawakan ng kanyang gamit, nakuha ito mula sakanya.
Tuwang-tuwa ang mga ito nang makita ang mga mamahaling gamit sa loob ng bag.
Ngunit biglang sumigaw ang babae ng saklolo, habang gumagapang palayo sakanila dahil sa sakit ng kanyang katawan.
Hindi naman nagdalawang-isip ang lalaki na habulin ito at saksakin siya nang ilang beses hanggang sa tuluyan na itong bumagsak sa lapag. Agad namang umalis ang mga holdaper upang walang makakita sakanilang ginawang krimen.
Siya.
S-siya 'yung babae kagabi!
Totoo 'yung nakita ko. Nangyari 'yung nakita ko sa mga mata niya. H-how?
Tuluyan kong nabitawan ang tasa. Nagulat naman ang mga naririto.
"Raven! Susmaryosep, ayos ka lang ba?" nag-aalang tanong ni Manang. Nagkagulo sila, medyo umingay ang paligid pero hindi ko iyon pinapansin.
Hindi ko ito sinagot. Sa isang iglap parang nagslow-mo ang paligid.
Dahil nakita ko na naman.
M-my wrist is glowing!
00:03:55
A-ano bang nangyayari?!
Umalis ako roon at tumakbo papunta sa kwarto ko.
Nilock ko agad ang pinto. Napasandal doon at dahan-dahang napaupo sa sahig. Hinilamos ko ang aking mukha. Nanginginig ako.
I feel overwhelmed and confused.
I am going crazy right now.
Bakit nangyayari sa'kin lahat nang 'to?! Normal pa ba ako?!
"Raven."
May narinig akong tumawag sa pangalan ko. Agad kong tinakpan ang aking mga tainga, at sumigaw para hindi ko na marinig pa ang tawag.
"Raven."
Nakatakip ang mga tainga ko pero rinig na rinig ko pa rin. Parang nasa loob lang ng utak ko 'yung boses.
Umiling-iling ako.
"Raven, this is the time."
"Seek and find yourself."
Ang huling saad ng boses bago tuluyan akong nawalan ng malay.
***
Nagising ako nang masakit ang ulo ko. Napatingin ako sa paligid, nakahiga ako rito sa kama.
Sinubukan kong alalahanin ang lahat. Ngunit parang mali ata na inalala ko pa.
Pero huling naalala ko, nawalan ako ng malay sa may pintuan, ba't ako nasa kama?
Baka panaginip lang lahat?
Sana nga.
Chineck ko ang oras sa clock.
19:19
Gabi na pala. Ilang oras akong tulog?
Agad akong bumangon at naligo para mahimasmasan. Pagkatapos, napagdesisyunan kong bumaba dahil gutom na gutom na ako.
Kung minamalas nga naman, naabutan ko pa sila sa dining area. I mean, wala kasi ako sa mood na makipag-interact sa lahat ng tao rito sa ngayon.
Tumingin sila sa'kin, parang nagulat pa ata na nandito ako.
"Raven, come and eat here with us." utos ni dad. Wala na akong nagawa kun'di umupo sa tabi ni mom at kumain.
Habang kumakain, kinamusta naman ni dad ang anak niya.
"Eisha, how's your study?" tanong niya.
"I'm doing very well, dad. At medyo busy dahil malapit na ang midterm exams namin." ngiting sagot ni Eisha.
Si Eisha ay stepsister ko, anak ni dad. She's 19 years old, and currently in 2nd year college. I think, about Business din 'yung course niya. Wala akong masyadong alam sakanya dahil hindi naman kami close.
Dahil gutom na gutom ako, hindi ko na pinakinggan ang mga pinag-uusapan nila.
Maya-maya pa ay nanahimik sila kaya tumingin ako sakanila.
"How about you, Raven. Ano nang plano mo?" tanong ni dad. Ngumisi ako.
Plano ko? o plano nila para sa'kin?
"Ba't mo pa 'ko tinatanong niyan, eh you just recently asked Ninong to fired me." pabalang kong sagot. Nagpunas naman siya ng kanyang bibig bago nagsalita.
"Kaya nga kita tinatanong. Ano nang dapat na plano mo sa buhay?" tanong niya. Nakatingin lang sila sa'kin, expecting me to just agree with everything they want.
"Maybe, mag-aapply pa sa ibang publishing house?" sarcastic kong sagot. Natawa naman si Eisha sabay ngisi habang nakatingin sa'kin.
"Raven." suway ni mom.
"Ma, hindi ko gusto 'yang business, you know that." diretso kong sagot.
"But you studied a business course for years, you should have learned how to manage and accept it. Sayang naman 'yung pinag-aralan mo kung hindi mo gagamitin." sabat ni dad.
I can't believe him.
Naiintindihan ba nila ako? O hindi lang talaga nila ako iniintindi.
"I said it, AYAW KO." saad ko. Tatayo na sana ako at babalik sa kwarto ko.
"Raven!" suway ni mom at hinila ang braso ko. Tumayo si dad, habang si Eisha ay walang pakialam sa paligid at kumakain lang.
"Ang kapal ng mukha mong suwayin ang utos ko! Pumayag ako diyan sa peste mong trabaho pagkatapos hindi mo na kami susundin ng ina mo!" sigaw niya. Tumayo na si mom para awatin si dad na para bang aatakihin siya dahil sa panenermon sa'kin. Napatingin na ulit sa'min si Eisha.
"Exactly. All my life, wala akong ginawa kun'di sumunod sa inyo. Pero ni isang beses lang ba, tinanong niyo kung masaya ako sa pinapagawa niyo sa'kin? Yes, pumayag ako na kayo na ang magdecide ng course ko, ng university na papasukan ko. Lahat ng bagay, kayo ang nagdedecide para sa'kin. Pero ni isang beses ba, tinanong niyo kung anong desisyon ko? Kung anong gusto ko?" saad ko. Sinabi ko lahat ng kinikimkim ko for so long. I wanted to be heard, and I'm crying for years because I'm suffering. It's too much, nakakasakal na.
"Ngayon, I decided I'll choose anything na gusto ko at makakapagpasaya sa'kin. Kasi kung hindi, I'd rather choose to die." matapang kong saad. Natahimik silang lahat.
Galit ako.
Nalulungkot ako.
I really felt suffocated.
Huminga ako nang malalim.
Grabe, hindi ko aakalain masasabi ko lahat ngayon. Lahat ng hinanakit na mas pinili ko na lang itago at kalimutan. Para akong nabunutan ng tinik.
I've never tell anyone about this 'til now.
Napalunok ako. I'm at the verge of crying right now.
Naluha si mom at napatakip sakanyang bibig. At agad akong niyakap, pero hindi ko siya yinakap pabalik.
Umupo na si dad, at hindi umimik.
"Hon, just let her be." mahinang sabi ni mom kay dad. Hindi pa rin siya sumasagot. Kaya tumingin si mom sa'kin.
"Anak, how about you take a rest muna? Have a vacation?" malambing niyang suggestion. Nakahawak siya sa aking balikat na para bang pinapakalma ako.
"Alright. You take a vacation." sa wakas at nagsalita na si dad.
"So you can go back to your senses." pagpapatuloy niya at walang pasabing umalis. Napasinghap ako.
Legit ba siya?
I can't help it. Umalis na lang ako roon.