"May kapatid ako?" "Kanina ka pa diyan?" gulat na tanong ni Manang Estelita. "Obvious ba, 'nay?" prankang saad ni Donna. Ang tono ng pagsasalita niya ay hindi nagpapatawa, kun'di halatang inis. Natahimik kaming dalawa ni Manang at nagkatinginan. Maya-maya ay bumuntong-hininga si Donna. "Nakalimutan ko lang po 'yung pera pambili." saad ni Donna na parang walang nangyari. Agad namang kumuha ng pera si Manang sa isang pot na nakalagay malapit sa isang counter sa loob ng mansyon. Binigay niya ang pera kay Donna at tahimik na ipinagpatuloy ang pag-aasikaso sa ginagawa niya. Wala namang pasabing umalis si Donna. Tumingin ako sakanya at patakbong sumunod. "Wait!" saad ko. Hindi naman siya lumingon, pero napansin kong binagalan niya ang paglalakad niya. Nakalabas na kami ng malaking gate

