"What the hell are you talking about!?" galit na saad ni Eisha. Agad kong inawat si Eisha nang matauhan ako. "Tama na." bulong ko sakanya. Nakita kong bumaba sila mommy at daddy. "Anong sinasabi mo, Manang?" tanong ni mommy kay Manang Estelita nang makababa at makalapit sa amin. Nanahimik ang lahat. Si mom at dad ay nakakunot ang noo, tila naguguluhan na sa mga nangyayari. Si Eisha ay binitawan ko na, at mukhang ready pa rin siyang manakit. Siguro nga ay lasing na 'to. Si Donna naman ay nakaluhod pa rin sa lapag at umiiyak na. Huminga nang malalim si Manang Estelita habang halatang nanginginig ang mga kamay niya. Humarap siya kina mom at dad bago magsalita. "Si Donna.." panimula niya. "Anak mo rin siya, Emmanuel." tuloy niya. "Anong anak? Wala na akong anak, maliban kay Eisha at

