Chapter 10

2591 Words
"Natutuwa naman ako at nagiging malapit na ang mga anak ko sa'yo, Raven." biglang saad ni Manang Fe, dahilan para bumitaw ako sa hawak ni Isagani. Nakita kong napakamot siya sakanyang batok. Ngumiti ako kay Manang Fe. "Ma, matutulog na po ako." paalam ni Isagani, lumapit siya sakanyang ina at yinakap ito. "Mukhang nagkakasundo na kayong lahat." saad niya at tumabi sa'kin. "Salamat po, Manang Fe dahil pinatuloy niyo po ako sa bahay niyo." saad ko. Nakangiti lang siya. "Wala iyon, marami ka ring mapupuntahan at maeexperience dito sa Las Espadas." kwento niya. Ngumiti ako. "Oh siya, pagpaplanuhan natin 'yang mga pupuntahan natin, lalo na't bakasyon naman." sabi pa niya. "Raven, handa na ang kwarto mo." sigaw ni Aling Flor mula sa taas. Napatingin kami sa direksyon niya. Naglakad na si Manang Fe papuntang taas kaya sumunod naman ako. Nang makarating sa kwarto, nakita ko na medyo malaki rin pala ito. Halatang luma na, pero malinis din naman. May malaking kama na may maayos na unan at kumot, may maliit na table sa tabi nito, may another table naman na malaki sa gilid malapit sa bintana, at isang closet. May pagka-coffee tone ang kulay ng pader at makaluma ang bintana. Nakita ko rin sa tabi ang dalawa kong maleta. "Madaling araw na, hija. Magpahinga ka na." saad ni Aling Flor. "Maraming salamat po sainyo." paalam ko, pagkatapos ay sinarado ko na ang pinto. Inayos ko muna ang mga maleta ko. Ngayon ko lang narealize kung gaano kahirap 'yung palipat lipat ng lugar. Inilagay ko ang mga gamit sa loob ng closet pero hindi ko muna inayos ang mga ito. Gusto ko na kasing magpahinga, inaantok na ako. Naghanda na rin ako ng sarili at agad nang natulog. Kinabukasan, maagang kumatok si Manang Fe sa kwarto ko. Chineck ko pa ang phone ko kung anong oras, mga 5 a.m. pa lang. Hindi naman ako nagreklamo kahit halata akong bangag paggising. Sabi niya ganito raw talaga sila magising kapag nandito sa bahay. Maaga rin kasi ang pasok ng mga anak niya. "Good morning, ate Raven!" bati ni Ningning nang makapunta na kaming lahat sa hapag-kainan. Nandito sila Rachel, Leo, Manang Fe, Ningning, Isagani, Kuya Robert, Kristie, at ang isang anak nilang lalaki na maliit pa. Si Aling Flor naman, sa tingin ko ay nasa bahay nila. "Kumusta ang gising mo, ate?" tanong ni Ningning. Pumwesto na ang lahat. Sa pinakadulo ay si Manang Fe, of course siya ang nanay eh. Sa magkatabing side niya ay si Isagani at Rachel. Katabi ni Rachel si Leo. Sa kabilang dulo naman ay si kuya Robert at sa tabi niya ay ang asawa't anak niya na katabi rin ni Leo. Nasa pagitan naman ako ni Isagani at ni Ningning. "Ayos lang naman." mahina kong tugon sakanya. Ngumiti naman siya. "Panigurado, nagrereklamo siya dahil nagising siya nang maaga. Hilig pa naman niya matulog. Hay, sana all?" sabat ni Rachel. Hindi ko siya pinansin. "Hayaan mo na 'yang si Chel, ah. Pagpasenysahan mo na. Buhol-buhol kasi ang utak niyan kaya nagkagan'yan." saad sa'kin ni Isagani. Nagtawanan naman ang lahat, at ang may pinakamalakas na tawa ay si Leo. Kaya agad din siyang binatukan ng ate niya. Natawa na lang din tuloy ako. Kumain na kami ng almusal. Ngayon lang ako nakakain ng almusal kasama ang isang pamilyang buo at masaya. Kahit na nararamdaman ko ito, hindi ko pa rin mapigilang mainggit sakanila. Mas marami man kaming pagkain, pera, o yaman kaysa sakanila, ika nga ng iba, pero mas masaya naman sila. Bumuntong-hininga ako. Pagkatapos namin kumain, kanya-kanya na ang lahat sa paghahanda. Si kuya Robert at Isagani ay pumasok na sa trabaho. Si Rachel ay pumasok na rin sa unibersidad na pinapasukan niya. At sina Leo at Ningning din ay pumasok sa high school. Habang naiwan ang iba rito sa bahay. Pumasok ako sa kwarto para ayusin ang mga gamit ko, pagkatapos ko maligo. Nag-ayos ayos lang ako ng gamit, at inayos ko na rin ang mismong kwarto base sa gusto kong ayos. Sa tingin ko rin naman medyo magtatagal ako rito. Naiisip ko pa lang iyon, medyo nakakahiya man, pero sigurado akong magiging masaya 'yon. Pagkatapos ay tinawagan ko sila Violet para kamustahin. Ilang araw ko rin silang hindi nakausap. These past few days kasi talaga ay masyado akong naging busy kahit nasa villa lang din naman ako. Nang makwento ko ang mga nangyari sa'kin, natuwa naman sila nang malaman na may mga nakasalamuha ako. Sabi pa ni Aleis ay baka sa susunod na magkita kami, pag-uwi ko, ay maging ibang tao na ako. Ewan ko ba r'on, natawa na lang ako. Ipinagpatuloy ko naman ang kwento ko kay Violet, 'yung mga hindi ko masabi kay Aleis. Si Violet lang din naman kasi ang nakakaalam. Alam ko namang masama ang magsabi ng sikreto nang hindi kasama ang isang kaibigan, siguro sa susunod ko na lang sasabihin kay Aleis. Kapag malinaw na sa'kin ang lahat. Abang na abang naman si Violet sa mga kwento ko. Naeexcite raw kasi siya, gusto pa nga niyang gawing novel. Baliw din talaga ang isang 'yun. Dahil tuloy sa sinabi niya ay naisip kong gumawa ng journal para sa mga nangyayari sa bakasyon ko. Mukha namang magandang content 'to para sa travel blogs ko. Hindi nga lang pang-karaniwang. Kaya tama si Violet, probably ay magiging fiction din ang mga content ko. Maya-maya ay tinawag naman ako ni Manang Fe, inaya niya akong pumunta sa palengke. Hindi na ako nagreklamo at sumama na sakanya dahil nakakabagot naman dito sa loob ng bahay. Sana may bilihan din dito ng mga school supplies, balak ko sanang bumili ng notebook para sa journal ko. Sumakay kami ng tricyle ni Manang Fe papuntang palengke. Mabilis lang naman iyon. Nang makababa, ang una kong napansin ay ang simbahan. Makaluma ang simabahan na ito pero buhay na buhay pa rin. "Hay muntik ko nang makalimutan, sa susunod na araw na pala ang piyesta rito sa Las Espadas!" saad ni Manang Fe. Mukha nga, dahil napapaligiran ng mga banderitas ang simbahan. Naglakad na kami papuntang palengke. Ang buong palengke ay nakapaligid sa simabahan. Malaki rin pala itong palengke nila, malamang ito 'yung main palengke ng buong Las Espadas. First time kong pumunta sa palengke. Kahit ngayon lang ako nakapunta ay expected ko nang maingay at magulo ito. Maraming nagbebenta ng mga kung ano-ano, syempre maraming nagbebenta ng mga isda, baboy, manok, at iba pang mga hayop. Marami ring mga prutas at gulay, bigas, at iba pa. Sa paglalakad namin, marami rin akong napansin na mga stores na naglalaman ng gift shops or souvenir shops, mga damit like ukay-ukay, karinderya, clinics, school supplies, sari-sari stores or general merchandise stores. Ang daming pamilihan. Naooverwhelm ako, parang gusto ko tuloy bumili. Nang matapos sa pamimili, tinanong ako ni Manang Fe kung may bibilhin ba ako na kailangan ko like groceries and essentials para sa'kin, mabuti na lang naisip ni Manang iyon kaya pumunta kami sa isang grocery store. Sinabi ko rin kay Manang na kung pwede kaming dumaan sa isang gift or accessory shop, pumayag naman siya. Nang matapos sa grocery store, as usual ay marami akong pinamili. Naubos na rin kasi 'yung stock ko. Nagulat pa si Manang Fe dahil parang pang-buong pamilya within a month 'yung binili ko. Sinabi ko sakanya na gan'on lang talaga ako mamili. Sa susunod talaga ay iiwasan ko nang gumastos nang malaki. Sunod naman ay pumunta kami sa isang vintage na accessory and gift shop. I like this place a lot dahil sa vintage ang look ng store. May nakita akong aesthetic journal na mukhang makaluma, agad kong kinuha dahil ang cute. Bumili rin ako ng isang set ng ballpen, and some art materials like color pencils, calligraphy pens, art papers, and paints. Kahit hindi naman ako artistic na tao, minsan ginagawa kong hobby ang pagdedesign. Ginagawa ko 'yun sa mga contents ko. Bumili na rin ako ng mga bagay na nacucutan ako. Malay ko ba na pwede ko palang magamit ang mga 'yun, someday. Nag-alala naman si Manang Fe dahil sa dami ng mga binili ko. Pero sabi niya ay natutuwa lang siya dahil nagagawa ko ang gusto ko. Napangiti na lang ako. I've never been this free. After ko mamili, napagdesisyunan na namin umuwi dahil magluluto pa raw siya ng tanghalian. Buti nga at agad kaming nakauwi dahil mag-11 a.m. na n'on. Naabutan namin si Isagani na nasa sala at mukhang nagchichill. Teka, ang bilis naman niya makauwi? Ang alam ko sa Maynila ang trabaho niya? "Oh, Isagani. Ba't nandito ka?" tanong ni Manang Fe. Napatingin si Isagani sa'min at agad naman siyang tumulong sa pagbubuhat ng mga pinamili kasabay ni Kristie na mukha ring napansin ang pagdating namin. "Ah, pumunta lang ako sa Green Centrum, doon naman kasi ulit ako na-assign. Nagrequest kasi ako na sana 'yung susunod na kliyente ko ay taga-San Imperial lang din para naman nakakauwi pa rin ako rito sa bahay, lalo na't nandito ka, ma." malambing na saad ni Isagani sa ina. "Sus, kuya. Palusot." tipid na sabat ni Ningning na kararating lang. Eh? ano naman kayang totoong dahilan kung palusot nga iyon? Naasar naman si Isagani kaya nagmake face pa siya kay Ningning, gumaya naman si Ningning. "Hay nako, sige. Alam ko namang gusto mo lang ako makasama. Sige." kamapanteng saad ni Manang Fe. Dumiretso na siya sa kusina para magluto. Habang kami ay naiwan sa sala. Kinuha ko kay ate Kristie ang mga pinimili ko at nagpaalam ako na pupunta muna ako sa kwarto. Inilagay ko sa cabinet ang mga bagong stock ng groceries ko. Pagkatapos ay ni-unbox ko na rin ang mga art materials ko. Maya-maya ay may kumatok. Kaya agad ko ring binuksan iyon. Nakita ko si Isagani. "Uh, kakain na." saad niya. Tumango naman ako at sumunod sakanya. Gan'on pa rin ang pwesto namin, pero wala lang si Rachel, Leo, at kuya Robert. "Ba't pala ang aga mong umuwi, Ningning?" tanong naman ni ate Kristie. "Half day lang daw kami, ate ano ba." sagot ni Ningning habang kumakain. "Baka nagcucutting ka ah." sabat naman ni Isagani. Mukhang nainis si Ningning kaya humarap siya sa direksyon namin, at humarap naman si Isagani sa direksyon din namin ni Ningning. Ako ang nagsilbing harang sakanila. "Tama na 'yan, kumakain nang tahimik si Raven." suway ni Manang Fe. Agad namang sumunod ang dalawa. "Raven, paano ka pala nakapunta rito sa San Imperial?" tanong ni ate Kristie. "Malamang ate, sumakay siya ng sasakyan." sabat ni Isagani. Alam ko na kung saan nagmana sila Rachel at Leo. Mahihilig sumabat eh. Napairap na lang tuloy si ate Kristie. Uhm, paano ko ba ipapaliwanag? "Nakita ko lang sa twitter 'yung lugar." maikli kong sagot. "Pa'no naman kayo nagkakilala ni mama?" tanong niya pa. "Nagstay siya sa villa resort na pinagtatrabahuan ko. Ako ang naka-assign sakanya. Nako, itong si Raven, napakabait na bata. Pinakain at pinatuloy niya ako sa loob ng villa niya." kwento ni Manang Fe. Napansin ko namang napangiti ang lahat. "Salamat Raven, ah. Nakwento sa'kin ni Tita Flor na ikaw daw 'yung tumawag sa'min, tapos ikaw din ang nagbantay kami mama." saad ni ate Kristie. Tumango lang ako. Nakakahiya naman dahil ako ang pinag-uusapan ngayon. "Ilang taon ka na ate Raven?" tanong ni Ningning. "22." sagot ko. "Kayo pala ni kuya Isagani ang magkalapit ng edad. Pero mas matanda siya kasi malapit na siyang mag-24 years old." madaldal na kwento ni Ningning. "Ano ba 'yan, Ningning. Napakadaldal!" suway ni Isagani. Natawa na lang ako sakanilang dalawa. Kung si Rachel at Leo ang palaging magkaaway, ito palang dalawang ito ang magkatapat. "Uh, anong course ka pala grumaduate?" tanong naman bigla ni Isagani kaya napatingin ako sakanya. "BS Applied Corporate Managment." sagot ko. Nakita ko naman na namangha sila, at the same time ay kumunot ang mga noo. Siguro kasi hindi sila familiar. "Ah, businesswoman ka pala." komento niya. "Edi may kompanya kang pinagtatrabahuan?" sabat naman ni ate Kristie. Umiling ako. "May company 'yung family ko. Pero hindi ako currently employed ngayon. At hindi rin naman ako nagtatrabaho roon." kwento ko. "Mayaman pala kayo ate Raven." komento ni Ningning. "Saan ka naman nagtatrabaho?" tanong pa ni ate Kristie. 'Yung totoo? Interviewer ba siya? Haha. "Uh, dati akong nagtatrabaho sa isang publishing house as writer." tipid kong sagot. Ayaw kong ipaliwanag bakit ako nawalan ng work. Duh, syempre hahaba pa ang usapan at ayaw kong pinag-uusapan ang gan'ong topic. "Napakalayo naman pala ng career mo sa course mo, hija." komento ni Manang. Tumango naman si Isagani. "Panigurado, mas gusto mo ang pagsusulat." saad ni Isagani kaya napatingin ako sakanya, at nakita kong nakangiti siya sa'kin. Tumango naman ako bilang tugon. Nagpatuloy lang kami sa kwentuhan pero iba naman ang topic. Ang pagkain pala naman ay sisig at adobong manok. Masarap magluto si Manang Fe. Kahit kailan ay hindi ako natutong magluto dahil hindi naman ako nakakalapit sa kusina. Siguro next time, magpapaturo ako. Mukha namang masaya at mas mabuti na 'yun kung sakaling mamuhay ako nang independent. Pagdating ng hapon ay tumambay ako sa balcony ng bahay nila Manang Fe. Doon din ako nagdesign ng journal ko. Kasama ko rin si Ningning na gumagawa ng mga homework niya. Paminsan-minsa'y nagtatanong siya at nagpapaturo, kaya tinuturuan ko na lang din. Hanggang sa lumapit din si Isagani sa'min. Natapos na ako sa pagdedesign ng journal ko, kaya nagsimula na akong magsulat nung simula ng bakasyon ko. Nag-isip din ako ng format para sa bawat highlight ng bakasyon ko. Hindi naman siya daily, kung ano lang 'yung gusto kong isulat. Natapos na rin si Ningning kaya nagpaalam siya dahil iidlip muna siya. Naiwan kami ni Isagani rito. Tahimik lang akong nagsusulat sa journal habang siya'y hindi ko alam kung anong ginagawa, kaya sinilip ko. Napansin kong may sketchpad siya at mukhang may ginuguhit. "Ayos lang ba kung magpatugtog ako?" bigla niyang tanong kaya napaharap ako sakanya. "Oo naman." sagot ko. Tumahimik na ulit siya at ipinagpatuloy ko ang sinusulat ko. If a picture a paints a thousand words, then why can't I paint you? The words will never show, the you I've come to know... Napatigil ako sa sinusulat ko. Anong kanta 'to? It sounds old but I like it. Ang deep ng message ng song. Napansin ko naman na tumingin siya sa'kin. "If By B.R.E.A.D. 'yan, baka curious ka." saad niya. "Mahilig ka ba sa mga lumang kanta?" tanong ko. "Sakto lang. Nakasanayan na rin kasi palagi ko namang naririnig sa radyo ang mga gan'tong kanta eh." kwento niya. Napatango na lang ako. If a man could be two places at one time, I'd be with you. Tomorrow and today, beside you all the way. "If the world should stop revolving spinning slowly down to die, I'd spend the end with you..." narinig kong sinabayan niya ang kanta. I admit, ang ganda ng boses niya. Natapos na ang kanta, hindi ko namalayang nakatingin pala ako sakanya habang nakanta siya. Ipinagpatuloy ko na lang ulit ang pagsusulat. "Ang ganda naman ng boses mo." komento ko habang nakafocus sa pagsusulat. "Haha, salamat." sagot niya. "Oo nga pala, fiesta na pala rito." alala niyang saad kaya napatingin ulit ako sakanya. "Maganda kapag fiesta rito. Maraming events sa may plaza malapit sa simbahan." kwento niya. "Talaga? Never pa akong naka-experience ng fiesta." nahihiya kong saad. Mukha namang nagulat siya. Wala namang gan'on sa'min eh, or 'di lang namin cinecelebrate? "Huwag kang mag-alala, sasamahan kita." ngiting aya niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD