"Huwag kang mag-alala, sasamahan kita." ngiting aya niya.
"Palagi kasi kaming naattend sa mga palaro o mga kung anong contests dito tuwing fiesta. Magkakasama kaming mga kapatid ko, syempre pati na rin si mama." kwento niya.
Mukha ngang masaya iyon. Naeexcite tuloy ako. Hindi ko ineexpect na ganito ang magiging bakasyon ko, it's unique and fun!
"Sige ba, sasama ako. Mukhang masaya naman, haha." tugon ko.
"Hoy, kuya Isagani. Pinopormahan mo ba si Raven, ha?" sigaw ni Leo na kakarating lang nasa likod naman niya si Rachel, parehas silang naka-school uniform. Ganito pala ang oras ng uwi nila.
"Ano ba 'yan, kuya Leo. Wala ka talagang galang sa mga nakakatanda. Ba't 'di mo tinatawag na ate si ate Raven, ah?" sabat ni Ningning na hindi ko namalayan na nasa tabi na pala namin ni Isagani.
"Eydge dosent mater (age doesn't matter), alam mo ba 'yun, Ningning? Kung sabagay, hindi ka pa naman pwede sa mga gan'ong bagay, masyado ka pang bata!" saad ni Leo. At as usual, binatukan na naman siya ng ate Rachel niya.
"Kung makapagsalita ka ah, akala mo ang tanda tanda mo na. Hoy, ikaw din. Bawal ka pa manligaw at magka-girlfriend!" sabat ni Rachel. Natawa naman sila Isagani at Ningning dahil sakanila na naman nagfocus ang asaran.
Tuluyan na ngang gumabi, oras na para kumain ulit. Nakauwi na ang lahat bago pa maghapunan kaya kumpleto kami ngayon. Habng kumakain ay kinakamusta ni Manang Fe ang mga anak niya tungkol sa mga ganap nila ngayong araw. Kahit pati ako ay kinamusta niya kahit magkasama naman kami buong araw dito sa bahay.
Kahit simpleng pangangamusta ay natuwa na ako. Feel ko tuloy part na ako ng family nila. Napangiti na lang ako.
Kinabukasan ay gan'on ulit ang setup namin- maagang nagising, to start a new day. At sinamahan ko ulit si Manang Fe para mamili. Pero ang totoo, sabi niya ay wala naman siyang gaanong bibilhin dito pero naisip niyang baka nabobored na ako sa bahay kaya mabuti pa't mamasyal kami.
Nagkaroon kami ng quick and short tour sa Las Espadas. Pinasyal ako ni Manang Fe sa loob ng simbahan, sa park at plaza. Ang mga tao rito ay sobrang busy, siguro dahil nga sa fiesta. Hindi ko alam na ganito pala kapag fiesta, sobrang pinaghahandaan. Parang celebration lang din ng New Year or Christmas.
Nasa park kami ngayon naglalakad pabalik sa may simbahan para doon na lang kami sasakay pauwi. Habang naglalakad ay may nabunggo akong bata. Agad akong tumingin sakanya at nagsorry. Lumuhod ako para maging magkasing level kami, tiningnan ko pa ang katawan niya kung may sugat or what. Hanggang sa napatingin ako sa mukha niya. Agad din akong natigilan nang makita ang mga mata niya.
Biglang nag-glow ang anino niya. Napasinghap ako. Kaya mabilis akong lumayo sa bata.
Bigla namang tumakbo ang bata.
"Raven, hija? Ayos ka lang ba?" tanong ni Manang dahilan para matauhan ako. Bigla akong nanghina at para hinihingal dahil sa takot.
Jusko po, ang bata pa niya masyado.
Death is inevitable and you can't do anything about it.
"Raven?" napatingin ako kay Manang na may halong takot dahil nakita ko rin sakanya ang pag-glow. Naalala ko ang visions ko sakanya.
Naputol lang iyon nang yakapin niya ako.
"Nako, namang bata ka. Nabunggo mo lang 'yun. Wala kang kasalanan, huwag ka nang umiyak." saad niya habang yakap ako.
Huh?
Ngayon ko lang napansin na tumulo na pala ang luha ko. Maybe because of my great fear, and the anxiety.
"Tahan na," saad lang ni Manang habang pinapakalma ako.
"Hindi mo kasalanan."
Hindi ko alam kung si Manang Fe pa ba ang nagsabi n'on dahil parang nag-echo ang mga salitang iyon.
Pinaupo ako ni Manang sa may bench at ipinainom ang tubig. Huminga ako nang malalim.
Hindi dapat ako magpapadala sa emosyon at takot ko. Sabi nga ni Elise, 'yung babaeng nasa panaginip ko, dapat expected ko na ang mga makikita ko. Dahil pwedeng higit pa rito ang makikita ko.
Nakakatakot. Hindi ko maimagine kung gaano ako katakot kapag pinag-uusapan o naiisip ang mga ganito.
Huminga ulit ako nang malalim. Ipinikit ko ang mga mata ko.
Raven, calm down.
Dumilat ako. Nakita ko si Manang na natataranta dahil sa nangyayari sa'kin.
"M-manang," tawag ko. Napatingin siyang nag-aalala.
"Tara na po, uwi na po tayo." aya ko.
"Ayos ka na ba?" tanong niya.
"Don't worry po, kalmado na po ako. Pasensya na po at nag-alala pa kayo." saad ko. Mahina niya akong hinampas at sinabi na labis siyang nag-alala.
Sinubukan kong kalimutang ang nangyari kanina.
Dahil, ano nga bang magagawa ko kung iisipin ko pa 'yun?
Umuwi na kami.
Sabi ni Manang Fe, mamayang hapon ay dadayo kami sa tabing dagat para tingnan ang napakagandang sunset. Naalala niya kasi ang sinabi ko na paborito kong lugar ang dagat.
Pagkatapos daw n'on ay kakain na lang kami ng hapunan sa plaza, dahil manonood pa kami ng sayawan sa plaza pagkatapos naming kumain.
Naeexcite ako nang sabihan niya ang planong iyon. Dadalhin ko ang camera ko para makapag take ng pictures. Gusto kong ituon ang sarili sa ibang bagay.
Ilang oras pa, ay dumating na rin ang hapon. Kakagaling ko lang sa tulog ay kumatok si Manang Fe para sabihin na maghanda na dahil papasyal na kami.
Saglit akong nagbihis at nag-ayos, nagdala rin ako ng maliit na bag. Sa loob n'on ay naroon ang phone ko, purse, panyo, at camera.
Lumabas na ako ng kwarto at nakita ko ang lahat na naghahanda rin sa pag-alis.
Halata naman na excited si Ningning dahil ang daldal niya magkwento ng kung ano-anong moments about fiesta.
Sabay-sabay na kaming pumunta sa tabing dagat. Nang makarating, marami ding mga tao na naroon.
May mga cottages pala rito, pero mostly ay mga stores like karinderya.
"Aling Tessa, 'yung pinareserve naming table!" saad ni Isagani habang papalapit kami sa mismong cottage.
"Ay, Ang pamilya ni Fe, nandito! Oh sya, saglit lang. Sasabihan ko 'yung katulong na ihanda ang lamesa niyo diyan sa may tabing dagat." saad ng babae. Sinundan namin 'yung isa pang babae na nag-assist sa'min.
Literal na sa tabing dagat ang table namin.
"Ilan po kayo?" tanong ng babae.
"Walo" saad ni Rachel.
"Siyam" kasabay ng pagsagot ni Isagani. Binilang naman ni Leo kung ano ang tama.
"Ito si ate Rachel, hindi marunong magbilang. Siyam tayo!" sabat ni Leo. Tumango naman ang babae at inilagay na ang siyam na mga upuan.
"Malay ko ba, palagi naman tayong walo. Nakisama lang diyan 'yung isa." masungit na komento ni Rachel.
Alam ko namang ako 'yun, hay.
Maganda rin pa lang business ang ganito lalo na kapag malapit sa beach. Maraming tables ang nakalagay. Mayroong mga sun loungers din sa paligid.
Sinabi ni kuya Rob na mamaya-maya na raw kami umorder kapag malapit na gumabi. At dahil hindi pa naman kakain, naisipan kong maglakad-lakad muna sa may dagat.
Ang iba ay nawala rin, siguro nag-sigala. Except kay Manang Fe, kuya Rob at ang pamilya niya na nagkukwentuhan sa table namin.
The sky is so amazing and beautiful, grabe hindi ko aakalain na makakakita ako ng ganito kagandang sky. Naghahalo ang pink, orange, and blue colors nito. Kung kaya ko lang ipinta or idrawing ito ngayon ay ginawa ko na. Kaya pinicturan ko na lang. Nag-effort ako sa pagkuha ng litrato para kahit papaano ay makuha nito ang nakikita ng mga mata ko.
The sun really glows, kahit na patapos na ito. Ang ganda ng pagka-red orange ng kulay. Labis akong natutuwa.
Tumingin naman ako sa dagat. It really makes me calm. Naalala ko dati n'ong bata pa ako, kapag pumupunta kami sa beach ay hindi kami aalis doon nang hindi ako nakakaligo.
Those were the days na wala pa akong iniisip at dinadamdam. Na wala akong mga pinoproblema.
Now, I want to swim.
I really want to go deep in this ocean.
And never come back.
Pumikit ako at dinamdam ang simoy ng hangin. Kahit nakapikit ay naglakad ako papunta sa dagat.
Hindi ako natuloy nang may humawak sa balikat ko.
Dumilat tuloy ako at napalingon.
"Anong ginagawa mo? Gusto mo ba magswimming?" tanong niya. Natawa lang ako. Kaya naglakad na ako pabalik, hindi naman ako tuluyang nabasa dahil hanggang sa tuhod pa lang ang nabasa.
Umupo ako malapit sa dagat at pinanood ang alon na papalapit sa'kin. Tumabi sa'kin si Isagani.
"Nakwento sa'kin ni mama na gusto mo raw ang dagat kaya naisip ko agad na dito tayo sa cottage tumambay bago pumunta r'on sa plaza." kwento niya.
"Ngayon mukha ngang gustong gusto mo sa dagat, haha." tuloy niya.
Akala siguro niya ay lalangoy ako.
Actually, hindi ko rin alam bakit ako naglakad papunta r'on.
Maybe to escape?
"Ngayon lang ulit ako nakakita ng dagat eh, haha." saad ko. Tumango naman siya.
Tahimik lang kaming nanood ng sunset at kung sa tuwing paano muntik na ang alon, the sound of the waves is calming. Paminsan-minsa'y nagvivideo ako at nagtatake ng pictures, for memories.
"Hoy, tama na landian! Tara na mag-oorder na raw sabi ni kuya Rob!" sigaw ni Ningning. Ang boses niya ay sobrang lakas kaya halos lahat ng tao ay napalingon sakanya.
Mukha namang si Isagani pa ang nahihiya sa pagtawag ng kapatid niya, natawa na lang ako. Tumayo na siya at in-offer ang kamay niya para alalayan ako. Tinanggap ko lang ito at tuluyan nang tumayo.
Lahat pala sila nasa table na, mukhang kami na lang ang hinihintay. Busy sila sa pag-order ng pagkain. Sa kada-order nila ng pagkain ay sinasama nila ako sa diskusyon, kung gusto ko rin ba n'on. Minsan ay nagsusuggest pa sila na itry ko raw iyon.
Pagkatapos umorder ay nawala na naman ang iba, hindi ko alam saan sila natambay. Nagstay na lang ako rito kasama nila Manang Fe.
"Ano, Raven, maganda ba rito?" saad ni kuya Robert. Ngumiti ako.
"Oo, naman." sagot ko.
"Enjoy na enjoy niya nga eh. Paborito niya kasi." natutuwang kwento ni Isagani. Tumawa naman si kuya Rob at ate Kristie.
Nang dumating na ang mga pagkain ay kumain na kami. Marami silang inorder na pagkain. Karamihan ay puro inihaw- chicken barbeque, pork barbeque, mga inihaw na isda, and other stuff na sa tingin ko ay street foods. At marami pang pagkain.
Hindi na ako magugulat kung pagkatapos ng bakasyon na 'to ay tataba ako.
Masaya kaming kumain. Ito ang first time kong kumain sa tabing dagat. Sobrang sarap sa feeling na makikita ko lang ang dagat, maririnig ang alon, habang kumakain ng masasarap na pagkain. At kasama ang mga taong naging malapit sa'kin.
How I wish to stop the time. I wish this moment will never end.
Pero alam kong may katapusan ang lahat.
Yet better enjoy these moments to the fullest.
Natapos na kami sa pag-kain, nagpahinga na muna kami sandali.
"Mamayang 8 p.m. daw ang start ng sayawan sa plaza." saad ni Leo. Napatango naman sila nang marinig iyon.
Ilang sandali ay nagsiayos na ang lahat para pumunta sa plaza. Sabi ni Manang ay maglalakad lang daw kami papunta roon. Medyo malapit lang din naman daw.
Nakarating kami na mga maraming tao na ang nag-aabang sa palabas. Hindi ako sure kung anong klaseng sayawan ang ipapalabas pero I'm sure it's interesting kaya inihanda ko na ang camera ko to record and capture everything.
"Welcome to this year's Sayawan Fiesta!" rinig kong saad ng Host. Isa-isang ipinalabas ang mga iba't-ibang performances. Iba't-iba ring klase ng mga sayaw ang napanood namin.
Ang gagaling nilang lahat. Buhay na buhay ang plaza dahil sa lakas ng tugtog sa tuwing nagpeperform ang mga dancers, pati na rin ang energy, talent, at visuals ng mga dancers. Talagang pinaghandaan nila ang mga kanya-kanyang performances.
May ibang sumayaw ng hiphop, ang iba naman ay ballet, ballroom, folk dance, etc., at ang sayaw ng fiesta nila.
Namamangha ako sa tuwing ang ibang audience ay sumasabay din sa pagsayaw na para bang kasali rin sila sa mga mananayaw. Nakakatuwa naman sila.
Umabot ng halos dalawang oras ang pagtatanghal. Sa wakas ay natapos na rin.
"But wait, there's more!" biglang saad ng Host. Kumunot naman ang noo ko. Nakita ko naman na parang alam na ng halos lahat kung ano ang ibig sabihin nung host.
"This is your time to dance with your family, friends, and lovers! Sayawan Fiesta's Special Slow Dance Party!" saad ng Host. Ay, may pa-gan'on pa pala?
Nakita ko naman na kanya-kanya ang mga tao. Ang iba ay umuwi na, ang iba naman ay nasa gilid lang at mukhang manonood lang, ang iba ay naghahanapan at nag-aayaan. Tumingin ako kila Manang Fe, si Rachel ay agad na lumayo at pumunta sa gilid, sumunod na lang si Manang Fe na hawak ang apo niya. Si kuya Rob at ate Kristie ay masayang sumali sa gitna at magkahawak ang kamay.
"Raven--" saad ni Leo na papalapit sa'kin, ngunit hinila siya ni Ningning.
"Kuya Leo! Isayaw mo ako!!!" sigaw niya. Mukha namang nainis si Leo pero sa huli ay pumayag din siya.
Dahil biglang may nag-aya kay Ningning, mukhang binakuran ng kuya niya.
"Raven." tawag ni Isagani. In-offer niya ang kamay niya, wait sasayaw kami?
Nakakahiya namang ireject siya, kaya no choice kun'di tinaggap ko iyon.
Hindi ako marunong sumayaw!
"Hindi ako marunong nito." nahihiyang kong saad habang hawak ang kamay niya. Tumawa naman siya.
"Akong bahala sa'yo. Matututo ka after nito." kampante niyang saad, pagkatapos ay inilagay niya ang mga kamay niya sa baywang ko.
Saglit akong natigilan, hindi ko alam kung bakit. Bigla ring bumilos ang t***k ng puso ko. Siguro ay dahil kinakabahan ako. Never ko pa kasing na-experience ito eh.
Inalalayan niya ang mga kamay ko, inilagay niya iyon sa mga balikat niya. Dahan-dahan kaming sumayaw.
Gusto kitang isayaw ng mabagal
Gusto kitang isayaw ng mabagal
Hawak kamay, pikit-mata
Sumasabay sa musika
Gusto kitang isayaw nang mabagal...
Mabagal kaming sumasayaw. Paminsan-minsa'y bigla siyang tatawa. Parang baliw, kaya matatawa naman din ako. Hindi ko alam kung bakit kami tumatawa.
"Oh, sabi mo hindi ka marunong. Pero natutunan mo agad, wala pa akong sinasabi." komento niya.
"Ginagaya ko lang ang mga galaw mo." sagot ko.
"Ito rin ba ang first time mong sumayaw?" tanong niya.
"Uh slow dance? Oo. N'ong prom namin n'ong high school kasi, wala namang sumayaw sa'kin. Mga takot eh, haha." kwento ko.
Dinagdag ko na lang 'yun para kunwari ay independent ako. May pagka-totoo naman talaga. Pero minsan hindi lang din ako confident enough para sabihan na maganda.
"Haha, swerte ko naman pala." nakangiti niyang komento.