Chapter 14

2447 Words
Sabi ng doktor, ang ikinamatay daw ni Manang Fe ay heart attack. Lahat ng tao sa bahay ay humahagulgol. Gusto kong maging malakas para damayan sila. Para naman kahit isa sakanila, may matapang. Pero hindi ko pa rin naoovercome 'yung takot, lungkot, at pagsisisi. Gusto kong sisihin 'yung sarili ko, dahil alam kong mangyayari lahat nang ito at wala man lang akong nagawa. Lumapit ako kay Ningning na kanina pa umiiyak. Hindi kagaya noon na kapag malungkot siya or naiinis, kaunti na lang ay magwawala pa siya. Pero ngayon, nandito lang siya sa isang sulok at tahimik na nagmumukmok. Hinaplos ko ang likod niya. Napalingon siya sa'kin. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. She's longing for her mother. "Naiwan na naman ako." mahina niyang saad habang yakap ako. "Haha, kasi po noon, iniwan din ako ng totoo kong ina, ngayon naman, siya. Deserve ko po ba ito? Malas ba ako, ate?" malungkot niyang kwento. Umiling ako. "Hindi. hindi ikaw ang dahilan, ha? Hindi mo kasalanan. Hindi mo 'to deserve." saad ko habang dinadamayan siya. Ilang sandali pa, walang kumikilos sa bahay na ito hanggang ngayon. Kaya naisipan kong ako na lang ang maghahanda ng pagkain. Nasa kusina ako at gumagawa ako ng paraan para kahit papaano ay maging maayos ang gawain ko. "Ako na riyan, Raven." saad ni ate Kristie. Umiling naman ako. "Hindi po. Kaya ko naman." saad ko. "Sige, tutulungan na lang kita." sabi niya. Ilang araw, lamay na ni Manang. Kami nila kuya Rob at ate Kristie ang nag-asikaso ng burol niya. Kaya ilang araw na rin akong walang maayos na pahinga. Nakwento ko kila Violet ang nangyari kay Manang, kilala nito ito dahil palagi ko namang nababanggit sakanila ang mga kwento ko rito. Agad naman silang pumunta rito ni Aleis para makiramay at para na rin kamustahin ako. "Condolences po." saad nila Violet nang makarating sa bahay. Ang mga gamit nila ay nilagay ko sa kwarto na tinutuluyan ko, dahil doon ko na lang din sila papatulugin kung sakaling gusto nilang magpahinga. "Alam mo, Raven. Pwede ka naman naming tulungan dito. Magpahinga ka na, kami na lang muna rito." suggestion ni Violet. Umiling naman ako. "Kaya ko pa naman eh." saad ko. Wala naman silang nagawa, pero sa paglipas ng araw ay sila rin ang tumutulong sa lamay. Nagpapasalamat ako dahil dinamayan nila ako rito. Gabi na, ito na ang huling araw ng lamay ni Manang. Nakita ko si Rachel na namumugto ang mga mata. Nakaupo lang siya sa gilid at nakatulala. Kaya nilapitan ko siya. Hindi ko alam anong sasabihin ko sakanya, kaya tahimik lang akong tumabi sakanya. "Alam mo ba, kwinento ka niya sa'kin." tanging saad ko. Sandali naman siyang napatingin sa direksyon ko. "Sabi niya na kaya ka lang masungit kasi hindi ka masyadong nagtitiwala sa iba. Naiintindihan ko naman 'yun. Gan'on din naman ako." tuloy ko. "Oh, eh bakit ka sumama sa'min n'ong niyaya ka nilang tumuloy dito?" masungit pa rin niyang tugon. "Kasi naramdaman kong tatanggapin niyo ako." tugon ko. Tumahimik na lang siya matapos marinig ang sinabi ko. "Tapos, sinabi rin niya sa'kin na ikaw daw ang pinakamasunurin sa mga anak niya. Hindi ka raw kailanman naging sakit sa ulo." kwento ko. Hindi siya sumagot. "Minsan, nag-aalala siya sa totoong nararamdaman mo. Gusto niyang itanong kung anong gusto mo, at kung anong nararamdaman mo." tuloy ko. Nang tingnan ko siya, nakita ko ang mga mata niya na namamasa. Nakita kong bumuntong-hininga siya. "Sinabi niya sa'kin, na hindi naman daw masamang magloosen up sa mga bagay na feel ko wala akong control o feel ko hindi ko alam kung dapat ko bang gawin, at dapat ko bang pagkatiwalaan. Mas maganda raw na minsan ilabas ko 'yung nararamdaman kong takot at lungkot." saad niya. Tahimik akong nakikinig. "Buong buhay ko ata, never kong ipinakita na mahina ako at matapang ako sa kahit na anong bagay. Ginagawa ko ang lahat para kahit papaano ay magustuhan ako ng iba." tuloy pa niya. "Sobra akong grateful dahil si mama ang pinakaunang taong nagparamdam na may nagmamahal sa'kin." "Ngayon wala na siya, hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas at tapang para kayanin lahat. Kasi parang nasama na rin lahat kasama siya eh." nanghihina niyang saad. Nagsimula ng tumakas ang mga luha niya. Yinakap ko siya kahit alam kong baka iwasan niya ito o hindi niya ako yayakapin pabalik. Pero nagulat ako nang yakapin niya rin ako pabalik nang mahigpit. Tuluyan na siyang humagulgol habang yakap ako. Ngayon, nafeel kong okay na kami. Na pinagkakatiwalaan na niya ako. Natutuwa ako, sana magkasundo na kaming dalawa. Sure akong matutuwa si Manang kapag nakita niya iyon. Ilang sandali ay napansin ko naman si Leo na tahimik din. Ilang araw na siyang hindi lumalabas. Mabuti nga at napipilit siyang lumabas sa kwarto niya kahit papaano. Pero hindi siya nakikipag-usap sa kahit kanino. At talagang naninibago ako. Si kuya Rob kahit na halatang nasasaktan at nalulungkot sa pagkamatay ng ina, siya ang nag-aasikaso madalas sa mga gawain dito sa lamay. Siya ang pinakamatanda sa'min dito kaya siya rin ang namamahala. Pero minsan, napapansin ko rin na nakikita kong humahagulgol siya sa labas ng bahay. Minsan ay dinadamayan ko siya. Actually, silang lahat na magkakapatid, kasama na si ate Kristie at ang anak niya, lahat sila dinadamayan ko hangga't kaya ko. Hanggang sa dumating na ang araw ng libing ni Manang. Nakasuot ang lahat ng puti. Naglakad kami papuntang sementeryo ng Las Espadas. Rinig na rinig ang iyakan habang papunta sa sementeryo. Sure akong marami na ring napamahal kay Manang, ang iba kasi ay dumayo pa rito para makiramay. Mga naging kasamahan niya sa mga naging trabaho niya, mga kababata at iba ring taong nakasama niya n'ong mga panahong nabubuhay pa siya. Nanguna ang pari sa pagdadasal sa puntod ni Manang. Hindi ko alam pero ngayon ay hindi ko na magawang umiyak, feek ko naubusan na ako ng luha. Ang nararamdaman ko lang ay kirot sa puso ko. Pero ang habilin ni Manang sa'kin ay mananatili. Naglagay kami isa-isa ng mga bulaklak, nang ako na ang lumapit ay hinaplos ko muna ang bulaklak bago ito itapon. Manang, para sainyo, I promise that I'll be with your family, in times of trouble and when they need me. Pangako iyon. Ginawa ko ang makakaya ko para ngumiti. Rest in peace. Matapos ang seremonya, nagpatakas kami ng mga white balloons bilang tanda ng pagsama ng mga 'to kay Manang. Nakatingin ako sa sky. The sky is clear, kitang kita ang pagka-blue nito. Maaliwalas din ang panahon, tanda na parang ipinapahiwatig na hindi dapat kami magmumukmok habang buhay. Yes, may instances talaga na malulungkot tayo at magluluksa. Pero we should do our best para maging better, para na rin sa ikatatahimik ng taong nasa langit na. Sobrang nagpapasalamat ako dahil naging bahagi siya ng journey ko. Ngayon, sa tingin ko ay ready na ako para sa mga susunod na chapter ng journey na ito. *** Umalis na ang mga tao sa sementeryo, bumalik na sila sa bahay para magpahinga at kumain. Pero napansin ko na parang walang balak umalis ang isang 'to. Si Isagani. Nakatayo siya sa tapat ng puntod ng ina niya. Tahimik naman akong lumapit sakanya. Hinawakan ko ang balikat niya. Napalingon siya saglit para siguro tingnan kung sino ang humawak sa bikat niya. Nang makita ako, tumingin na siya pabalik sa puntod. Si Isagani, madalas siyang wala n'ong lamay ni Manang. Nasa Green Centrum siya, isinubsob ang sarili sa trabaho. Pero tuwing gabi ay umuuwi naman siya. Madalas ang ginagawa niya ay nag-aasikaso tuwing gabi hanggang madaling araw. Dahil ang iba ay nagpapahinga sa gan'ong oras. Alam kong pinagtutuunan niya lang sa ibang bagay ang sarili niya, para siguro hindi niya maramdaman ang lungkot. Pero ngayong mag-isa siya rito, kahit ako ay nararamdaman ko ang sakit at pagluluksa niya. Unti-unti siyang napaupo habang kaharap ang puntod ni Manang. Umupo rin ako sa tabi niya nang walang imik at sinasamahan lang siya sa pag-iisa. Lumingon siya sa'kin kaya napatingin ako sakanya. Nakita ko ang mga mata niya namamasa. Tumango ako sakanya bilang tanda na okay lang umiyak. Unti-unting tumulo ang mga luha niya. Gan'on din ako. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak nang ganito. Hindi rin siya naiyak sa harap ng maraming tao, pero ngayon ko lang nakita kung paano siya naging pinakamahina. "Ayos lang umiyak at magluksa..." mahina kong saad. Dahil doon ay dahan-dahan ko siyang niyakap. At yinakap naman niya ako nang mahigpit na parang takot siyang maiwan. Sinubsob niya ang mukha niya sa dibdib ko na tila naghahanap ng kalinga at karamay. Hinaplos ko ang buhok niya habang yakap siya. "I'm always here for you, Isagani." saad ko. Mas lalo siyang humagulgol. We stayed for hours na wala ni isa sa'min ang nagsasalita. Gan'on lang ang ayos namin, parehong nakatingin sa puntod habang yakap ang isa't-isa. Papalubog na ang araw nang tumayo siya. Tumingin lang ako sakanya. Dahan-dahan naman niyang in-offer ang kamay niya para tulungan akong tumayo. Tinanggap ko iyon. Hinarap ko siya, at nakita ko na may tumulong luha sa mata niya kaya pinunas ko iyon gamit ang kamay ko. "Salamat." saad niya, hinawakan niya ang kamay kong nasa mukha niya. "Salamat dahil nandito ka palagi sa tabi ko." *** Dalawang linggo ang lumipas simula n'ong ilibing si Manang, and I'm still here. Buti nga't hindi nila ako pinaalis. Sinabi rin sa'kin ni kuya Rob na kahit anong oras pwede akong umalis, kung gusto ko lang naman. Malaki ang pasasalamat niya sa'kin dahil ako raw ang tumulong sakanya na mag-asikaso ng mga papeles ni Manang. Sila Violet naman ay nandito pa rin, kaya lang sa isang inn sila tumutuloy ngayon. Hindi nga lang sa Las Espadas, kun'di sa Green Centrum. Tamang-tama rin kasi na may project sila rito n'ong linggo ng libing ni Manang. Kaya hanggang ngayon ay nandito pa rin sila sa San Imperial. Sabi naman ni Violet na bibisita pa rin naman daw sila rito sa Las Espadas, before nila umalis ng San Imperial. Sa paglipas ng 2 weeks, bumalik na ulit ang routine ng lahat. Si ate Kristie at ako na ang naghahanda ng pagkain, paminsan-minsa'y sumasama si Rachel sa paghahanda at paglilinis. Palagi rin naman bumibisita si Aling Flor sa bahay para kamustahin kami. Si Isagani naman ay dito na palagi dahil mostly, ang clients niya ay nasa San Imperial. Meron din pala siyang office dito sa Las Espadas. Sila Leo naman, napansin kong mas naging masipag sa studies. Hindi ko sure kung dahil ba sa isang linggo silang umabsent at kailangan nilang maghabol or dahil gusto lang nilang idistract ang sarili. Nagkaroon naman ng online business si ate Kristie, sabi niya mas maigi na rin na may napagkakakitaan nang sa gan'on ay nakakatulong sa mga gastos dito sa bahay. Nag-initiate naman ako na maging partner niya. Pwede kasing lumago ang business niya. Graduate rin naman ako sa business management na course kaya kahit papaano ay may nalalaman ako. At isa pa, gusto ko rin makatulong. Para naman may naiiaambag ako sa gastusin nila. Ayaw ko namang maging pabigat. Isang araw, dumating sila Violet at Aleis sa bahay. Sabi nila tapos na raw 'yung project nila dito sa San Imperial. Binigyan naman sila ng rest days for 3 days. Kaya nakiusap sila na kung pwede dito na lang muna magstay. Dahil 'yung next destination nila ay malapit dito sa San Imperial. Sa Heronimo ata? Province din iyon, malapit sa San Imperial. Siguro mga 4 hours ang biyahe papunta roon mula dito. Buti na lang pumayag si kuya Rob, bilang pasasalamat daw niya sa pagtulong nila sa'min n'ong libing ni Manang Fe. Habang nandito sila, ipinasyal ko rin sila sa mga lugar dito sa Las Espadas. Hindi ko kasi sila nailabas n'ong lamay ni Manang dahil busy kami masyado sa pag-aasikaso. Kaya ngayon lang kami nagkaroon ng chance. Naamaze naman sila Violet sa ganda ng Las Espadas. Panay ang pagkuha ng pictures ni Aleis, dahil photographer siya. Nagkaroon naman ako ng pagkakataon na kausapin si Violet tungkol sa secret ko. Ikwinento ko sakanya ang mga nangyari habang nandito ako hanggang sa nalaman ko na mawawala na si Manang, at 'yung time na nangyari nga 'yung nasa vision ko. Sobrang nag-aalala si Violet sa'kin, dahil sa ablidad na meron ako. "Nakakatakot naman 'yan sis, paano kung--" saad niya pero hindi niya tinuloy, sabay iling. Kahit hindi sabihin, alam kong nag-ooverthink din siya. "Raven, mag-iingat ka, ah? Tatagan mo 'yung loob mo. Hindi joke 'yang ability mo." paalala niya. Sa totoo lang, mukha kaming sira dahil sa mga pinagsasabi namin. Kung iisipin, hindi pa rin ako naniniwala na may kakaiba akong kakayahan. Na sana hindi na lang totoo. Parang ngayon, mas gugustuhin ko kung may sakit na lang ako sa utak kaysa sa mga supernatural na bagay na naiisip niya. Pero wala eh, nandito na ako. Wala nang bawian 'to. Sana lang talaga, mahanap ko ang mga sagot na matagal nang bumabagabag sa'kin. Lumipas ang mga araw at ito na ang last rest day nila Violet. Nakakalungkot nga dahil wala na akong makakausap about sa unusual things na nangyayari sa'kin. Nasa may park kami ngayon, kakatapos lang namin mamalengke. Kasama ko sina Violet at Aleis dahil kami na ang nagvolunteer na mamili ng mga kailangan sa bahay. "Hi po, baka po interested kayo." rinig kong saad sa'kin ng nasa tabi ko kaya napalingon ako. "Hi, ano 'yun?" saad ko. Napansin naman nila Violet na may kinausap ako kaya lumapit sila sa'kin. "May project po kami na gaganapin sa Heronimo this week, at nagrerecruit po kami ng mga volunteers na pwede pong tumulong sa'min mag-organize ng project namin na gaganapin doon." paliwanag niya habang kami naman ay nakikinig. "Ay wait, ate excuse me. Sa Liwanag Project ba 'yan?" sabat ni Violet. Agad namang lumiwanag ang mukha ng babae sabay tango. "Opo, paano niyo po nalaman?" tanong niya. "Isa rin kasi kami sa organizers ng project na 'yun." paliwanag naman ni Aleis. Ngumiti naman ang babae. Oh, ako naman ngayon ang na-O.P. "Nagrerecruit pala kayo for volunteers?" saad naman ni Violet at nakipagkwentuhan sa babae. "Ikaw, Raven, baka gusto mong sumali. Para naman makalabas ka sa bahay. At saka another vacation project, another adventure. Baka gusto mo?" aya sa'kin ni Aleis. Napaisip naman ako. Sino namang maiiwan sakanila? Sa totoo lang nasanay na rin naman akong naroon sa bahay. Kaya lang ang totoo, hindi naman nila ako kapamilya eh. Mabuti na rin sigurong umalis ako. Ano sa tingin ko? Elise? Babaeng nasa panaginip ko? Hoy? Hay, papayag na nga lang ako. Tumango ako kay Aleis. "Sige ba."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD